Matapos kong isulat ang "Silang mga Asal Talangka" kung saan aking nabanggit na ito ay may kinalaman sa ating paguugali gaya ng kayabangan, inggit, traydor at kasakiman. Ay nagkaroon ng mga katanungan sa aking isipan kung bakit nga ba umiiral ang crab mentality sa ating lipunan? Saan ba ito nagsimula at natural ba talaga sa ating mga Filipino ang paguugaling ito. Gamit ang internet, ako ay nagbasa basa ng mga artikulo na may kinalaman sa usaping ito at unti unting nabigyan ng kasagutan ang aking mga katanungan.Kung babalikan natin ang historya ng ating bansa, dito ay mabibigyan natin ng kasagutan kung paano nga ba nagsimula ang negatibong ugaling ito sa ating mga Pilipino. Hindi naman talaga ito natural sa ating lahi. Ito ay ating namana sa mga dayuhang sumakop sa Pilipinas. Una ang mga Espanyol na mahigit tatlong daang taon tayong inokopa, sumunod ang mga Amerikano at mga Hapon. Mula sa panahon ng mga Espanyol, nahati ang ating lipunan sa dalawang estado ng pamumuhay, ang mga mayayaman at mahihirap. Aminin natin na kahit sa kasalukuyang panahon, ang kahirapan ang isa sa dahilan kung bakit may mga taong naiinggit sa kanilang kapwa. Ganoon din noong unang panahon, upang makasurvive sa pang araw araw marami sa ating mga ninuno ang inilalaglag ang kanilang kapwa kapalit ng seguridad, salapi at konting kapangyarihan. Hanggang sa ang ugaling ito ay nagpasalinsalin at sa paglipas ng panahon ay inahalintulad sa mga talangka.Sa kasalukuyan, totoong ang kahirapan ang ugat kung bakit hanggang sa ngayon ay umiiral pa rin ang pagiging asal talangka sa ating mga Fiipino. Lahat naman tayo ay nagnanais ng masagana at matiwasay na pamumuhay. Yun nga lang may mga Filipino na sa ngalan ng pera at popularidad ay nakakagawa ng mga bagay na hindi inaasahan gaya ng paninira sa kanilang kapwa. Sa pagaasam ng kaginhawaan ay nagagawang tapakan ang ibang tao at hilahin pababa ang mga nasa itaas upang makuha ang trono.Parang eksena lang sa teleserye, gaya nina Celine at Margaux na nagtatrabaho sa iisang kompanya. Si Celine na maprinsipyo at nagpupursige na maabot ang tagumpay habang si Margaux naman ay kampante at relax dahil sila ang nagmamay ari ng kompanya. Kung tututukan mo ang kanilang karakter mapapansin mo ang crab mentality kay Margaux dahil nilalamon ng inggit ang kanyang pagkatao sa atensyon at positibong pagtanggap kay Celine ng mga taong nakapalibot sa kanila. Ang resulta puot ang nararamdaman ni Margaux dahil sa pagaakalang inaagawan sya ni Celine hanggang sa nakakagawa sya ng mga bagay ng ikakasira ng kanyang pagkatao. Nakikita ko ang prinsipyong umiiral sa kanya ay "kung hindi ako magwawagi ay hindi rin ikaw" na maihahalintulad natin sa konsepto ng crab mentality.Gusto ko sanang gawing positibo ang ating pananaw sa ugali ng mga talangka na hindi sila naghihilahan pababa upang wala sa kanila ang makawala sa kanilang pagkakakulong. Gusto kong isipin na kaya nila inaabot ang nasa itaas ay para humingi ng tulong dahil siya ang may kakayahang makakawala. Dahil marami pa ang nasa ilalim ay nagkakasabay sabay sila sa pagabot sa nasa itaas hanggang sa ito ay tuluyang mahulog. Ganoon din sa ating mga tao. Baka minsan ay inaakala lang natin na hinihila tayo pababa ng ating kapwa. Dahil ikaw ang may kakayahang umunlad ay nais abutin ng iba ang iyong kamay upang tulungan at isama mo rin sila sa iyong tagaumpay. Parang mga karakter sa "Be Careful with my Heart" lang na palaging kapit-bisig. Nagtutulungan at sinusuportahan ang bawat isa kaya walang nasasaktan at lahat ay sama-sama.
BINABASA MO ANG
Paglalayag ni Pagibig
Nouvellesmga nalikom na sulating di pormal sa aking pananatili sa ibayong dagat