Bakit Sila ang Pinaka Nakakainis na Lahi sa Balat mg Lupa?

122 0 0
                                    

Ayon sa aking sariling istatistika (ako lang ang nagbilang nito wala akong source)  mayroong humigit kumulang 200 na ibat ibang lahi ng tao ang ngayo'y naninirahan dito sa UAE at sa kabuuang dami ng mamamayan ng bansang ito 20% lamang ang lehitimo at matatawag talagang Emirati. Simula ng dumating ako dito, hindi naging mahirap sa akin ang adjustment dahil marami tayong kababayan ang dito'y nakikipagsapalaran at maliban doon madali ka ring makakakita ng Filipino food saan mang supermarket ka magpunta. Subalit, naging mas mahirap para sa akin ang pakikihalubilo dahil sa dami ng ibat ibang lahi ang maari mong maencounter sa bawat araw na iikot ang iyong mundo sa bansang ito. Ibat ibang personalidad at kultura ang kailangan mong pagaralan at pakisamahan upang makasabay ka agos. Ngunit, may natatanging lahi dito ang hindi ko masakyan at pilit iniintindi ang kanilang behavior. 

Noong una, madali para sa akin ang makitungo sa lahat ng lahi ng tao dito. Ang bait ko nga tuwing nakikipagusap ako sa kanila. Palaging may ngiti sa aking mukha sa bawat salitang aking binibitiwan. Hindi naglaon ay natutu na rin akong magsungit at sumagot ng pabalang dahil sa kagaspangan ng usali ng mga taong ito. BAKIT? Heto at iisa isahin ko ang dahilan.  

SA KALSADA......(Ito ang pinaka hindi ko makakalimutang kaganapani sa lahat na nangyari ilang araw lang bago ko isulat ang salaysay na ito.) Alas otso ng umaga, araw ng Sabado, mataas na ang sikat ng araw at nakakapaso na sa balat ang matinding init na dulot nito. Bago ako makarating sa bus stop ay kinakailangan kong maglakad sa 200 metrong buhanginan( imaginin nyo yung disyerto na napapanood nyo sa movie ganun kapino ang buhangin na nilalakaran ko). Syempre dahil hinahabol ko ang oras ng dating ng bus ay nagmamadali ako sa paglalakad upang hindi maiwanan. Nang marating ko ang kalsada napansin ko ang isang kotseng puti na nakahinto mga 100 metro ang layo mula sa kinatatayuan ko. Dahil wala namang sasakyan ang paparating ay marahan akong naglakad patawid, nalampasan ko ang unang lane, pero ilang salit lang ay mabilis na pinatakbo ng nagmamaneho ng puting kotse na noo'y nakahinto lang. Laking gulat ko ng bigla nyang inilihis ang kanyang direksyon patungo sa akin. Dahil sa bilis ng kanyang takbo ay muntikan nya na akong mahagip (imaginin nyo ulit yung distansya nya mula ng pinatakbo nya yung kotse nya) mabuti na lang ay napansin ko sya at dali dali akong tumalon sa island upang hindi nya mahagip. Pagkatapos noon ay napahinto ako at lumingon sa kanya. Pinahinto nya rin ang kanyang sasakyan at tinignan ko sya ng masama. Laking gulat ko ng makita na ang nagmamaneho ng sasakyang iyon ay isa pa lang babae (di ba mas maingat magmaneho ang mga kababaihan? ewan ko lang sa lahi ng mga ito) at mas nagulat ako na makita ko rin ang kanyang mga mata na animo'y galit na galit (sya pa ang galit ha). Gusto ko sana syang sigawan pero naiisip ko bawal pala ang gumawa ng gulo dito. Gusto ko sanang bigyan sya ng malutong na mura pero wala naman sa personalidad ko ang mag mura. Ayoko rin naman masira ang araw ko dahil may napaka importanteng bagay ako na pinaghahandaan para sa buong maghapong iyon. Kaya wala akong ibang ginawa kundi ang tignan na lang sya ng masama at ang ipagpatuloy ang aking paglalakad patungo sa bus stop.NAKAKAINIS DI BA? At sa status ko na lang dito sa FB ibinuhos ang aking pagkainis, kung nabasa nyo yung post ko na, "THE INCIDENT THIS MORNING PROVED THAT YOUR RACE IS THE MOST ANNOYING RACE IN THIS LAND", itong pangyayari ang dahilan kung bakit ko nasabi ang mga katagang iyon. Dahil nga may pinaghahandaan ako ng araw na iyon, hapon na ng maibahagi ko sa aking mga kasamahan sa trabaho ang nangyari. Tinanong nila ako kung ano ang lahi ng drayber at ng malaman nila ay isa lang ang nasagot nilang lahat, "Naku ganyan talaga ang mga yan barubal kung magmaneho, mga F+++++G **********". So, hindi lang pala ako ang nakaranas ng masamang behavior sa lahing ito pag dating sa eksena sa kalsada. Ikinuwento ko rin sa ate ko rito ang nangyari, nagbiro lang sya na, "Sana nagpasagasa ka na lang, tignan lang natin kung di sya magbayad ng 200,000 dirhams". Wow! instant millionaire ako nun kung nagkataon 2 Million ang katumbas nun sa peso, pero baka naman mapuruhan ako kung nasagasaan nga ako (katok katok sa pader pang kontra sa negative vibes). 

SA BUS STOP.......... Dito sa Dubai, may mga nakatalagang Bus Stop kung saan ka lamang maaring sumakay at bumaba (sa Pilipinas rin naman mayroon pero di nasusunod kahit may traffic enforcer). Ang ipinagkaparehas lang ng Bus Stop nila sa atin ay walang pila sa pagsakay ang mga pasahero, hindi organisado, unahan, gitgitan ( ay sa Pilipinas pala may ilang lugar na may pila sa pag sakay sa bus. Lumamang tayo ng kaunti sa kanila doon). Tuwing umaga, mas maraming pasahero ang naguunahan sa pagsakay kumpara sa tanghali, kaya expected ko na pag morning shift ako ay nakatayo ako ng 45 minutes sa bus hanggang sa aking paroroonan. Isang umaga, ay ganoon ang eksena na aking naranasan sa pagsakay. Pero may kakaiba sa nangyri ngayon, dahil pagsakay ko ng bus, habang itinatag ko na ang aking card ay bigla na lang may isang kamay ang nagtulak sa aking kamay palayo sa tagging board (ewan ko kung yun nga tawag dun masyado kasing high-tech dito) at dahil sa inis ko ay itinulak ko rin ang kanyang kamay palayo sa tagging board at nilagyan ko ng tension ang aking kamay para sakaling itulak nya ulit ay hindi nya basta basta maiaalis ang kamay ko. Tinignan ko kung sino ang hampas lupang bastos ang harap harapang gustong sumingit sa akin, at nakita ko na ang nilalang na iyon ay kalahi ng lahing pinaka nakakainis sa balat ng lupa. Napansin ko ang nagiisang bakanteng upuan, at napagtanto ko na kaya nya gustong sumingit ay para sya ang makaupo doon, ngunit dahil ako ang mas naunang mag tag ng aking card ay ako rin ang mauunang makakaupo sa upuang inilaan talaga para sa akin noong araw na iyon (pagbigyan nyo na ako palagi na lang ako nakatayo sa bus). Pagkatapos ko mag tag ay nagtungo na ako sa upuan at marahang umupo at tinititigan ang nilalang na gustong sumingit sa akin na may halong pang-aasar (belat mo nauna ako sayo, wala sanang bastusan). Ipinakita ko sa kanya kung gaano ako kakomportable sa aking pagkakaupo at iniingit sa aking mga aksyon ng katawan upang kahit papaano ay makabawi ako sa pambabastos na ginawa nya dahil alam kong hindi naman sya makakagawa ng gulo sa mga sandaling iyon (o di ba naging palaban ako. Ay! palaban naman pala talaga ako). Ikinuwento ko sa babaeng kasamahan sa trabaho ang nangyaring iyon (alam nyo naman ako BOMBO RADYO), at may karanasan din pala sya sa mga lahing iyon. Dahil tuwing sumasakay sya sa bus ay gitgitan din at ang mga lalaki ng lahing iyon ay napaka ungentle at nakikipagunahan pa sa mga kababaihan mauna lang sa mga bakanteng upuan sa loob ng bus. Kaya naman sa inis nya, tuwing sasakay sya ng bus ay naglalagay sya ng pin sa manggas ng kanyang damit para sa tuwing gigitgitin sya ng mga lahing iyon ay matutusok sila ng pin na inilagay nya. At di nga sumablay ang kanyang ginawa, tuwing may manggigitgit sa kanya ay natutusok at napapahinto na lang at pinapauna na syang pasakayin(hahahahaha, ang gandang panlaban di ba?) NAKAKAINIS DI BA?  

SA METRO STATION.... Noong isang linggo, habang pauwi ako galing sa isang lakad kasama ang aking kaibigang babae ay naisipan naming mag Metro na lang upang maagang makauwi. Dito high-tech ang Metro (LRT/MRT). Lahat ng istasyon ay naka aircon at ang mga tren ay di basta basta dahil driver less. Pero parehas lang sa Pilipinas na siksikan rin at madalas kang nakatayo sa pagsakay. Gaya ng inaasahan pagsakay ay nakatayo ako, hindi ko lang alam sa kasama ko dahil nagkahiwalay kami. Pero dalawang istasyon mula sa aking pinanggalingan ay swerteng may bumaba at nakaupo ako. Tatawagan ko sana ang aking kaibigan para tanungin kung nakaupo ba sya o hindi subalit may nakita akong bagong sakay, isang pamilya sila, mag-asawa kasama ang kanilang in-laws at ang babae ay may karga kargang sanggol na ilang buwan pa lang sigurong naipapanganak. Napansin ko na umaasa sila na may magpapaupo sa kanilang kasama na may kargang sanggol. Nagmasid ako sa loob ng tren, at napaisip na bakit sa dinami dami ng lalaki na kalahi nila na nakaupo ay wala man lang nag offer ni isa sa kanila ng upuan para sa kaawa awang babae na may karga kargang sanggol. Syempre di ko naman matiis ang sitwasyong iyon kaya tinawag ko kaagad yung babae at pinaupo sa aking pwesto. Nagulat ako sa reaksyon nila dahil ni hindi man lang ngumiti o nagpakita man lang ng kaaliwasan sa kanilang mukha. Hindi naman ako naghihintay na magpasalamat sila pero bakit ganoon parang ako pa ang may kasalanan na nakatayo sila nung sumakay sila sa tren. Nakakainis di ba, ako na nga ang nagmagandang loob ay pinakitaan pa nila ng kagaspangan ng kanilang ugali. Hindi ko pinalampas ang pangyayari na iyon at ikinuwento ko sa kasamahan ko na mas matagal na dito sa UAE, bilang sya na pitong taon ng nagtatrabaho ay mas mapapaliwanagan nya ako kung bakit ganoon ang reaksyon nila, ayon sa kanya ang mga lahing iyon ay mapapansin mo talaga na palaging nakikipagunahan sa pagsakay sa mga bus, at hindi rin nagooffer ng upuan sa mga buntis, matatanda o mas higit na nangangailangan ng komportableng upuan sa loob ng pampasaherong sasakyan kahit pa sa kalahi nila. Kung papansinin ko raw ay mas mapagbigay ang mga puti o ibang lahi maliban lang sa kanila. Sa isip isip ko di ba dapat kapag kalahi mo ay tutulungan mo dapat? O kahit hindi mo na kalahi basta alam mong nangangailangan ay dapat naman talagang tulungan.

 Marami pang pagkakataon na naitatanong ko sa aking sarili na BAKIT SILA ANG PINAKA NAKAKAINIS NA TAO SA BALAT NG LUPA? At ang katanungang iyon ay nasasagot ng aking nakikita at nararanasan mismo sa mga taong ito na iisa lang ang lahi. Kung susumahin, siguro sa bawat sampung tao ng lahing ito may isa sa kanila ang siguro ay matino naman at marahil ay napapansin din ang kagaspangan ng ugali ng kanilang kalahi.

Alam kong hindi lang ako ang nakakaramdam ng pagkainis sa ganitong uri ng mga tao subalit magkaganoon man ay may isang bagay ang itinuro nito sa akin,  Ang MAG ADJUST?

Paglalayag ni PagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon