White Lady

1.2K 44 0
                                    

Pangatlong araw na ng pagkaburol ni Papa.
Madaling araw na ng makarating ang boyfriend ko sa amin.
Katulad ng laging nangyayari ay ako lamang ang gising.
Hindi ko maipaliwanag ngunit may isang gold na paru-paru ang lumapit sa kabaong ng papa ko habang nakabantay ako.
Inikot-ikot nito ang kabaong, pabalik-balik hanggang sa dumapo ito sa gitna ng kabaong.
Maging ang boyfriend ko ay napansin ito.
Napag-alaman ko sa mga kamag-anak ko at boyfriend ko na tila kapag kasama nila ako ay may nakasunod o may katabi akong mapanghi na amoy.
Tila ito amoy ni papa dahil nga sa sakit nito nang mamatay.
Sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay sinusundan ako ng paru-paru na iyon.
Hanggang sa dumapo ito sa balikat ko.
Pinilit kong ipagpag ito upang humiwalay sa akin.
Lumipad ito ngunit muling dumapo sa aking mga tuhod.
Maglalakad man ako, tatayo, uupo o kung anunan ay hindi parin umaalis ang paru-paru sa akin.
Natakot din ang boyfriend ko kaya halos hindi niya ako malapitan dahil kaamoy ko raw ang papa ko sa mga pagkakataong iyon.
Maga-alas singko palang ng makatanggap kami ng tawag na nagpapasundo ang tito ko, pinsan ni papa na galing Maynila.
Dahil hindi pa gising ang mga kuya ko, napilitan kaming sunduin ang tito ko gamit ang mga motor.
Halos hindi pa lumalabas ang araw noon kaya medyo madilim parin sa daan.
Dalawang motor ang gamit namin, yung isa ay dina drive ng kasama namin upang siya ang mag-angkas sa tito ko at yung isa naman ay dinadrive ng boyfriend ko at naka angkas ako sa likod.
Papunta kami sa terminal upang sunduin ang uncle ko.
Mga kinse minutos ng umaandar ang motor.
Dahil parang nakakatakot sa daan ay ayokong ikalat ang paningin ko kaya nakatutok lang ako sa kalsada.
Nang madaanan namin ang mga magkakasunod na malalaking puno, hindi ko maintindihan kung bakit ako nagpasyang lumingon sa bandang kanan ko.
Nagtaasan ang mga balahibo ko at muntikan akong napasigaw sa nakita ko.
Sa gilid ay may parang inaayos na bahay, hindi ko sigurado kung inaayos ba na bahay iyon o sinisira.
Walang ibang mga bahay doon.
Puro mga puno at talahiban lamang.
Ang nakakagimbal sa nakita ko ay sa gilid ng mga nakatayong semento ay may isang babae na mahaba ang buhok.
Nakasuot ito ng puti na akala mo kalumaan na parang pantulog.
Hindi ko maaninag ang mukha niya pero sigurado ako na nakatingin siya sa kung saan kami dumaan.
Ang lalong nakadagdag sa takot ko ay wala akong nakitang paa nito.
Tila ito lumulutang sa mahaba nitong puting suot.
Sa sobrang takot ko ay hinigpitan ko ang yakap ko sa boyfriend ko at ikinulong ko ang mukha ko sa likuran niya.
Dasal ako ng dasal na sana ay hindi kami sinundan ng babaeng nakaputi at sana ay lumabas na ang araw.
Nakarating kami sa terminal na natitigilan padin ako.
Napansin ng boyfriend ko na namumutla ako ngunit hindi naman namilit magtanong.
Ayoko namang magkwento sa kanya dahil sigurado akong madadaanan pa namin iyon paguwi.
Laking pasasalamat ko na maliwanag na sa daan pag-uwi namin at papataas na ang araw.
Nadaanan naming muli ang lugar na iyon at dahil maliwanag na ay muli kong nilingon ito ngunit wala ng babae sa gilid ng mga nakatayong pader ng semento.
Muli ko pang nilingon at tinitigan ng maayos pero wala talagang kahit anong puti na nandon kaya sigurado akong hindi ako namamalikmata lang.
Sigurado ako sa nakita ko.
Isang babaeng nakaputi.
Isang white lady.
Hindi ko alam bakit nakakakita ako ng mga ganito.
Hindi ko pa nasubukang makakita ng white lady sa tanang buhay ko.
Ngayon lang.
At natatakot ako na baka nasundan ako o napansin na nakita ko siya.
Bakit ito nangyayari sa akin?
Ayoko na.
Ayoko ng may makita pa.
Sana tama na.

----------------
Please do not forget to Vote, Leave a Comment and Share. 😘❤️

Pamana (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon