Katulad ng napag-usapan ay umuwi akong muli sa aming probinsiya.
Ngayon ay kasama ko na ang boyfriend ko dahil hindi siya pumapayag na harapin ko lahat ng mag-isa.
Sa gabing iyon ay nagpasya kaming matulog sa sala.
Kung saan nailagay ang kabaong ni papa sa pagkaburol niya.
Kahit na punong puno ng takot ay alam kong kailangan ko siyang makausap upang malaman kung bakit nangyayari ang mga ito sa akin.
Nang tulog na lahat ng tao ay gising na gising parin ako.
Dinig ko ang bawat paghinga ng boyfriend ko na maayos ang tulog sa tabi ko.
Pinipilit kong itulog ngunit hindi ko magawa.
Ilang oras pa ang nakalipas ay nagsimula na.
Sa kinaroroonan ko ay dinig na dinig ko ang paglapit ng dalawang pares na paa.
Hindi ako maaaring magkamali,
Si papa iyon.
Magmula ng ma-stroke si papa ay hindi na ganun kaayos ang paglalakad nito.
Mabagal itong maglakad na akala mo kinakaladkad ang tsinelas at hindi mabuhat kaya nagbibigay ito ng malakas na tunog kapag naglalakad siya.
Si papa lamang ang ganoon ang estilo ng paglalakad.
Nanggaling ito sa kwarto ni papa.
Habang papalapit na papalapit ay palakas naman ng palakas ang pintig ng aking puso.
Tumigil ang mga yabag ng paa ng makatapat ito sa kung saan ako nakahiga.
Tila ito nakatayo sa harapan ko.
Sa sobrang takot ay hindi ko binubuksan ang aking mga mata.
Binuksan ko ang aking bibig upang magsalita ngunit natigil nang tila may sobrang malamig na kamay na humawak sa akin.
Ramdam ko mismo na si papa iyon.
Nakatayo siya ngayon sa harapan ko ngunit masyado akong mahina upang tignan siya.
Biglang nagsipagtapunan ang nga gamit sa kusina.
Sasara at bubukas ang mga pintuan kasabay ng sobrang lakas na ihip ng hangin.
Naramdaman kong gising na ang boyfriend ko at mahigpit ang pagkakahawak nito sa aking mga kamay ngunit katulad ko ay hindi din nito binubuksan ang mga mata.
Nilakasan ko ang aking loob at nagsalita habang pikit parin ang aking mga mata.
"Pa, wag niyo naman po akong takutin. Kung ano man po ang gusto niyong sabihin sa akin at gawin ko ay pakikinggan ko po kayo. Isa lang po ang pakiusap ko. Ayoko na po ang mga nakikita ko. Wag niyo pong ipapasa sa akin ang mga nakikita niyo. Wag niyo pong ipaparamdam sa akin ang mga dati niyong nararamdaman. Hindi ko po gusto. Kung ito man po ang pamanang iiwan niyo sa akin ay patawarin niyo po ako ngunit hindi ko po kayang tanggapin. Tama na pa. Ayoko na. Bawiin niyo na po sa akin ito."
Pagkatapos ng mahaba kong sinabi ay biglang natahimik ang lahat sa paligid.
Huminto na ang pagsara at bukas ng mga pinto pati narin ang mga nagsisitapunang mga gamit.
Parang natahimik lahat at gumaan ang aking pakiramdam.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay binuksan ko ang aking mga mata.
Maliwanag na sa sala.
Inikot ko ang aking mga mata at isang gold o yellow na malaking paru-paru ang lumipad sa harapan ko at nagpaikot-ikot.
Parehas na parehas ito sa nakita ko na dumapo sa kabaong ng papa ko.
Binuksan ko ang pinto at pinanuod itong lumipad palabas ng bahay.
Kinaumagahan ay tinignan ko sa internet ang ibig sabihin ng gold na paru-paru.
Napagalaman ko na isa daw itong simbolo ng mga kaluluwa na nakabantay sa mga pamilya nila.
Pakiramdam ko ay pinakinggan ni papa ang pakiusap ko.
Parang lahat ng nangyari ay pagsubok lamang kung kaya ko bang harapin ang mga dating ginagawa ng papa ko.
Kung kaya ko ba ang mga nakikita at nararamdaman ko kagaya niya.
Siguro nga ay tama si mama.
Kaya siguro ako sinubukang kausapin sa telepono ni pala ay upang sabihin sa akin ang pamana na gusto niyang iwan.
Isang pamana na hinding hindi ko kailanman tatanggapin.-End of Story-
The cover photo in this chapter is the actual photo of the golden/yellow butterfly/moth that flew on my Papa's coffin.
Like I have said from the start, this story is from my personal experience.
Please do not forget to Vote, Leave a Comment and Share! Thank you all so much for reading! ❤️❤️❤️
BINABASA MO ANG
Pamana (Completed)
HorrorNangarap ka na ba na sana magkaroon ka ng third-eye? Yung tipong makakakita ka ng mga kaluluwa? Mga bagay na hindi makikita ng pangkaraniwang tao? Mga bagay na hindi maipaliwanag ng siyensiya? Para kasing ang astig no? Dahil ako oo. Inasam ko na...