Sa ika-limang araw ay inilibing na si Papa.
Sa mismong araw na iyon ay bumalik na ng Baguio ang boyfriend ko.
Ilang araw lamang ang kaya naming ilaan dahil kailangan din naman naming bumalik sa mga kanya-kanya naming trabaho kahit mabigat sa loob.
Sa sumunod na araw pagkatapos ilibing si papa ay ako naman ang bumiyahe papuntang Baguio.
Kahit malungkot ay kailangan kong magpakatatag upang magpatuloy sa buhay.
Sa tagal ng biyahe ay alam kong gagabihin ako sa daan kaya napagusapan namin ng boyfriend ko na sunduin niya ako sa terminal.
Nang maabutan ako ng gabi sa daan ay iniwas ko ng tumingin pa sa bintana.
Laking pasasaamat ko na may tv sa loob ng sasakyan at may pelikula silang pinapalabas.
Dalawang oras pa bago ako makarating ng Baguio ay hindi sinasadyang napatingin ako sa labas ng bintana.
Napahinga ako ng malalim sa aking nakita.
Isang lalaking nakasuot ng estola na brown ang nadaanan ng ilaw ng bus.
Mukha itong pari sa sinaunang panahon.
Tila isang paring heswita dahil sa mahabang tela na kulay brown na suot nito.
Nakatingin ito ng masama sa kalsada.
Nanlaki ang mga mata ko ng biglang nabaling sa akin ang tingin nito na tila galit na galit.
Tinakpan ko ang aking bunganga gamit ang aking mga palad upang mapigilan ang aking pagsigaw.
Sa sobrang takot ko ay ipinikit ko ang aking mga mata at pinilit na itulog na lamang.
Nagising ako ng malapit na kami sa terminal at sakto namang nag-aantay na doon ang boyfriend ko.
Habang nasa taxi ay ikikuwento ko sa kanya ang nakita ko.
Habang nasa daan ay bigla niya akong pinigilan sa pagkukwento.
Parang ambigat bigat kasi ng pakiramdam namin.
Parang hindi lang kami sa loob ng sasakyan.
Hindi ko maipaliwanag ngunit nagsisitaasan ang mga balahibo ko.
Mukhang ganoon din ang nararamdaman niya dahil hindi na siya makapagsalita.
Hindi ko din maintindihan ang sarili ko pero nang malapit na kami sa bahay ay inikot ko ang aking paningin.
Pagtingin ko sa rearview mirror ng sasakyan ay tila tumigil ang pagtibok ng puso ko.
Hindi lang kami ang laman ng taxi.
Ako, ang boyfriend ko, ang driver at may isa pa.
Nakita ko ang galit na galit na mukha nito.
Sinasabi ko sa isip ko na wag nang lumingon sa likod ngunit ginawa ko parin.
At naroon nga siya.
Sumunod siya sa akin.
Ang paring heswita.
Nagmadali kaming lumabas ng taxi pagkatapat sa apartment ko.
Mas nakakatakot pa dahil kailangan pa naming umakyat ng hagdan.
Pati pag-akyat sa hagdan ay hindi kami nag-uusap ng boyfriend ko.
Hinawakan niya ang aking kamay at nakita ko ang takot na takot na mukha niya.
Pagpasok namin ng apartment ay agad naming isinara ang pinto at mga bintana na akala mo ligtas na kami kapag ginawa namin iyon.
Nang kumalma kami ng kaunti ay bigla niyang sinabi:
"Sumunod siya sa'yo."
Hingal na hingal at nanginginig sa takot na sabi ng boyfriend ko.
Tinanong ko kung paano niya nalaman at kung may nakita din ba siya.
Ang sabi niya ay wala siyang nakita ngunit ramdam na ramdam niya na parang may malamig sa likod ng sasakyan na tipong parang may nakatingin sa gilid ng mga mata niya at nagsisitayuan ang mga balahibo niya.
Wala man siyang nakikita ngunit ramdam na ramdam niya na may kasama pa kaming isa at ramdam din niya na may nakasunod sa amin nung naglalakad kami ng hagdan paakyat ng apartment.
Pagkatapos niyang magsalita ay nalaglag ang nakasabit na damit sa likod ng pintuan na akala mo may nanadya na itapon ito.
Kumalampag ang pintuan na parang mayroong may gustong pumasok.
Nagpasya kaming maghawak kamay at nagdasal ng nagdasal.
Hindi na siya umuwi pa sa kanila kundi nanatili kaming gising magdamag.
Tumawag na din ako sa bahay upang ibalita kung ano ang nangyayari.
Sabi sa akin ni mama, tila ang kakaibang katangian na meron si papa na nakakakita at nakakaramdam ng mga kaluluwa ay ipinapasa nito sa akin.
Sa pagkakaalam ni mama ay mukhang iyon ang gusto nitong sabihin sa akin kaya niya ako sinubukang kausapin ng araw na iyon.
Nagpasya ako na hindi na muna pumasok sa trabaho kundi umuwing muli sa probinsiya upang harapin ang mga nangyayari sa akin.----------------
Please do not forget to Vote, Leave a Comment and Share. 😘❤️
BINABASA MO ANG
Pamana (Completed)
TerrorNangarap ka na ba na sana magkaroon ka ng third-eye? Yung tipong makakakita ka ng mga kaluluwa? Mga bagay na hindi makikita ng pangkaraniwang tao? Mga bagay na hindi maipaliwanag ng siyensiya? Para kasing ang astig no? Dahil ako oo. Inasam ko na...