Kabanata 3

12 0 0
                                    

•••

Sunod-sunod na putok ng baril ang naririnig ko sa labas. Sobrang ingay na pakiramdam ko ay nasa loob lang ng bahay ang mismong putukan. May nagsisigawan na mga tao at sumasabog na mga bomba di kalayuan sa kinaroroonan ko. Pansin ko ang makapal na usok sa labas. Naestatwa ako nang may mga babaeng sumisigaw sa ibaba na tila pinapahirapan.

"What's going on? Sino ka ba? Bakit nagkakagulo sa ibaba?"

Matalim siyang tumingin sakin dahilan para matahimik ako. Nakikinita ko ang maiksing pasensya niya na kamuntik ko pang maputol. Sumilip siya sa bintana bago binaba ang mga kurtina.

"No me dolió, Señor! Por favor, estoy pidiendo!"(Don't hurt me, Sir! Please, I'm begging!) rinig kong sigaw ng babae sa ibaba. Hindi ko maintindihan ang sinasabi nito idagdag pa ang nakakakilabot nitong iyak na umaalingawngaw sa buong bahay. Bawat hikbi nito ay umuukit sa aking puso, nasasaktan ako sa hindi malaman na dahilan.

Napatalon ako at napatakbo pabalik ng kama nang sunod-sunod na putok ang naririnig ko sa labas. Wala itong tigil kaya tinakpan ko na ang tenga ko dahil sa tingin ko'y mabibingi nalang ako bigla.

"Mierda!" (Shit) rinig kong bulong nito.

Lumapit ito sa tukador na nasa tabi ko. Rinig ko ang mabigat nitong paghinga. Isa-isa niyang binuksan ang bawat drawer dun at halos bawian ako ng ulirat ng makitang kinuha niya ang dalawang kutsilyo. Maliit lamang at hindi agad mapapansin kung di mo tititigan. Nagmamadali niya itong isiniksik sa magkabilang tagiliran.

Doon ko lang din napansin ang suot niya. Ang kulay abo niyang pantaas at ang puti niyang pambaba na ngayo'y may mantsa ng dugo ay masyadong makaluma. Sa pagkakaalam ko ay wala ng tao ang nagsusuot ng ganoon ngunit madalas ko iyon makita sa isang museum.

Fuck. Napalunok ako. Sa pagkakataong ito ay parang ang sarap tumawa. Nababaliw na nga yata ako. O baka naman nananaginip lang ako. Tama! Imposibleng may magsuot pa ng ganitong klaseng kasuotan.

Sabay kaming napalingon sa pinto ng may marinig na sunod-sunod na katok. Nagmamadali at tila natataranta. Pati tuloy ako ay nataranta dahil sa mga nakikita at naririnig ko. Sa pag-aakalang mga kaibigan ko iyon ay agad akong lumapit upang buksan pero wala pa man ay mabilis akong nahawakan sa braso ng lalaki sa likod ko.

"L-lo siento, señorita," (I'm sorry, Miss) mabilis nitong binawi ang kamay atsaka nag-iwas ng tingin. "H-hindi ko alam kung paano ka nakapasok sa aking silid pero hindi na iyon mahalaga. Magtago ka sapagkat hindi ligtas sa labas ng silid na ito."

"P-pero yung mga friends ko nasa ibaba! I can't stay here." sabi ko.

Napatitig siya sakin sandali na animo'y nag-iisip. Kitang-kita ko ang repleksyon ko sa kulay kape niyang mga mata. Ang makapal niyang kilay ang siyang nagpapatapang ng kaniyang ekspresyon. Matangos ang ilong at manipis ang pula niyang labi.

At kahit ngayon ko laman siya nakita ay alam kong tugma sa personalidad niya ang kulay ng kaniyang balat. Kayumanggi.

"Maari mong ikapahamak kapag lumabas ka ng silid na ito. Ang bayan ay hindi ligtas ngayon, hindi mo ba napapansin, Binibini?" mataman niyang saad.

Isang mabigat na katok muli ang narinig namin. Nagmamadali itong lumapit doon. Dinikit niya ang tenga sa pinto na tila pinakikinggan ang mga ingay na nagpapatayo sa aking balahibo at nagpapakaba sakin.

"F-francisco, es , Manuel. Por favor, abra la puerta." (F-francisco, It's me, Manuel. Please, open the door.)

A Love That EnduresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon