Kabanata 1

26 0 0
                                        

December 09, 2017

"This House was built by Roberto Laperal in the year of 1930's. As you can see, the house is made of narra wood and designed in Victorian Style. Roberto and Victorina-- her wife, made this house as their vacation home..."

Napahikab ako bago nilibot ang tingin sa loob ng luma ngunit mukhang bagong bahay. Puno ng mga antiques sa bawat paligid. Nagkikintaban ang mga kagamitan sa paligid na animo'y bagong pintura. Even the structures and woods looks so grand, as well.

"Ouch," napangiwi ako nang maramdaman ang pagsiko sakin ng kaibigan kong si Analyn.

Matalim ko siyang tinignan pero ngumuso lang siya sa harap na mabilis kong sinundan. Nakataas ang kilay ni Miss Medallada-- history professor namin habang diretso ang tingin sakin. Pati tuloy mga kaklase namin ay nakatingin na din sakin.

"What?" nagtataka kong tanong.

Umiling ito. She looks so dissapointed. Hindi na yun bago sakin lalo na't mainit talaga ang dugo niya sakin noon pa.

"If you're not interested with our trip you can go home, Miss Ybarra." Mariin niyang bulong bago bumalik sa kaninang ginagawa.

Kung hindi lang malayo ang Manila mula dito ay kanina pa ako umuwi. I don't like here in the first place. Kung hindi lang din dahil sa pamimilit ng mga kaibigan ko ay hindi naman talaga ako sasama.

Napairap nalang ako. Narinig ko pa ang hagikgikan ng iba kong kaklase habang sinusundan si Miss Medallada patungong second floor ng bahay.

"Bitch," inis na bulong ko bago sumunod sa kanila.

Nandito kami ngayon sa Baguio upang kilalanin ng personal ang Laperal House. Ang professor kasi namin sa history ay nagkaroon ng programa na lakbay-aral. Ito ang isa sa napili ng aming section at ito rin ang magiging assignment namin sa darating na pagsusulit. Dalawang araw at isang gabi kami sa Baguio. May isang hotel kaming binook malapit lang dito na mismong eskwelahan ang nag sponsor.

"This is the master's bedroom of Laperal White House..."

Nadaanan namin ang iba't-ibang larawan ng mga dating may-ari ng bahay. Halos hindi ko na ma-identify sa sobrang labo at lahat ay black and white ang kulay.

Pagdating sa second floor ay bumungad samin ang isang litrato na sa tingin ko'y family picture ng may-ari ng mismong bahay. Nakapwesto ito sa pinakagitna ng second floor. Isang babae at lalaki ang nakaupo sa mahabang sofa na mukhang mag-asawa. Dalawang babae na nakaupo sa magkabilang gilid at isang lalaki na nakatayo sa likod ng mga ito. Katulad ng iilang litrato na madadaanan sa hagdan ay black and white din ang kulay nito.

Saglit akong napatitig sa family picture-- no, I mean sa lalaking nasa likod. Masyado itong seryoso at tila pailalim kung tumingin, taliwas sa reaksyon ng mga kasama nitong masayang nakangiti sa harap ng camera. Weird.

Gusto ko pa sanang kilatisin ang mukha nito dahil mukhang gwapo ngunit hindi ko na makita ng maayos dahil masyadong malabo.

"Eunice! Ano pa bang ginagawa mo d'yan?" hinila ako ni Mica papasok ng silid.

Pagpasok ko ay agad kong nilibot ang paningin sa paligid. Una kong napansin ang king-size bed sa gitna na gawa sa kahoy. May kulay puti itong sapin na animo'y araw-araw pina-plantsa sa sobrang kinis. May dalawang puting unan sa magkabilang gilid nito. Maliit na lampara na mukhang gawa naman sa bakal na nakapatong sa maliit na mesa. Katabi nito ay isang lumang tumba-tumba. Tukador na kulay puti naman ang nasa harap ng bintana at maliit na tv naman sa tabi nito.

Kaniya-kaniyang lapit ang mga kaklase ko nang buksan ni Miss Medallada ang maliit na pinto sa tabi ng aparador. Naiwan ako sa hamba ng pinto habang tinitignan silang nagsisiksikan doon.

A Love That EnduresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon