•••
Huminto kami sa harap ng simbahan ng University of Sto. Thomas na tinatawag ngayong Colegio de Santo Tomas. May naghihintay saming isang Padre at Madre. Pagkababa ng karwahe ay agad na tumakbo at yumakap si Victoria sa Madre, sumunod naman si Esmeralda bago magmano.
"Madre Isabel..."
Lumapit silang lahat Sa Padre at isa-isang nagmano. Wala tuloy akong nagawa kundi magmano na rin.
"Mabuti naman at nakarating kayo nang matiwasay dito. Kamusta ang paglalakbay?" Seryosong tanong ng Padre habang kinakausap si Tobias.
"Naabutan namin ang pag-atake ng mga hapones dito sa Maynila, Padre Mariano. Paanong nakapasok sila samantalang napaghandaan ito ng mga militar?"
"'Wag kang mag-alala, Tobias. Sapat ang mga sundalong hinanda ng Pangulong Quezon at ang opisyal ng Estados Unidos ay nagtayo na ng samahan noong hulyo. Bayaan mo sila ang gumawa ng paraan. Dito kayo tumuloy sapagkat nasisiguro kong ligtas kayo dito," mahinang sagot ng padre. Kalmado lang ito na taliwas kay Tobias at Manuel na halatang hindi mapakali.
Napalingon ako sa madre. Nahuli ko siyang nakatingin sakin at bahagyang nakangiti. Napakunot noo ako nang mapansin ang pamilyar nitong mukha.
"Gabriela, halika na," tumango ako kay Victoria.
Pagpasok namin sa simbahan ay bumungad saamin ang sugatang mga tao. Hiwalay ang babaeng sugatan sa lalaking sugatan. May umiiyak sa sakit at mga walang malay. May mga nag gagamot sa mga ito na sa tingin ko'y mga doktor.
"Isa sa dahilan kung bakit ko kayo pinadayo dito ay nangangailangan ng karagdagang doktor ang simbahan. Madami ang nasugatan at nasaktan sa biglaang atake ng mga Hapones sa Intramuros," paliwanag ni Padre Mariano. "Tobias, ang iyong kaalaman sa medisina ay lubos na kailangan sa ngayon."
Nagulat ako sa narinig. Napalingon ako kay Tobias na nakatitig sa mga taong sugatan. Kunot noo at tila malalim ang iniisip. Doctor pala siya?
"Ngunit, Padre, kasalukuyan pa lamang akong nasa ika-apat na taon ng kolehiyo sa pag-aaral ng medisina..." pansin ko ang takot sa tono nito.
Ngumiti ito. "Magtulungan kayo ni Manuel..." tumingin ito kay Manuel. "Isa kanang ganap na doktor, hindi ba?"
Tumango si Manuel.
Nagsimula muli kaming maglakad patungo sa harap ng simbahan. Pumasok kami sa loob ng madilim na eskinita na mayroong anim na pinto. Binuksan ng Madre ang pinto sa dulong bahagi bago kami pumasok.
"Ito ang pansamantala niyong silid, Victoria... Esmeralda--" natigilan ito at napatingin saakin. Ngumiti naman ako. "Sino ang magandang dilag na ito?"
"Gabriela po..."
Tumango-tango ito. "Ngayon lamang kita nasilayan. Dayo ka ba dito sa Maynila?"
Umiling ako. "Ah hindi po. I'm actually from Manila."
Natigilan sila at bahagyang nagulat. "Oh, bihasa ka sa wikang engles?" tumango-tango ito na animo'y may napagtanto. "Sabagay, nakikinita ko sa iyong mga mata ang pagiging banyaga mo..."
Umiling ako agad. "Nako, nagkakamali ho kayo, father-- I mean, Padre. Pure pinay po ako."
Napakurap ito. Bahagyang natawa at naglakad palapit sa maliit na siwang na sa tingin ko'y bintana. Dumiretso kami nila Victoria sa malambot na kama samantalang si Tobias ay nanatili sa hamba ng pintuan. Hindi ko alam kung nakikinig ba siya sa binubulong ni Manuel sapagkat sa akin siya nakatingin. Tinaasan ko nga ng kilay. Problema nito?
"Ngunit, marunong kang mag-engles. Nag-aaral ka ba, señorita?" tanong naman ng madre saakin dahilan para mapatingin ako sa kaniya.
Nang magtama ang mata namin ay agad akong nakaramdam ng kilabot. Pamilyar talaga siya saakin. San ko ba siya nakita?
BINABASA MO ANG
A Love That Endures
Ficción históricaKilalanin si Gabriela Eunice Ybarra at samahan sa nakakabaliw na paglalakbay. Kilalanin si Francisco Tobias Laperal at samahan sa pakikipaglaban sa kalayaan. Kilalanin sila at samahan sa kakaiba at matatag nilang pag-iibigan. But how could they su...