Kabanata 4

8 1 0
                                    

Kabanata 4

"Close your eyes, everyone. Feel the breezing afternoon air—" Isang katok ang nagpamulat sa aming lahat. Psychology ang subject namin ngayon at hindi ko alam kung bakit kailangan pa naming pumikit at damhin ang hangin para sa hapon na 'to. Pumasok si Ironvon nang nakangiti sa lahat kahit late na siya. I heard every girls' sigh when they saw the monkey.

"I have no time for sermon, Mr. Lienzo. I'll give you a chance since you're a transfer student. Find a vacant seat, "

Diretso ang lakad niya sa gitna at huminto sa tabi ng row na kinabibilangan ko. Lumiko siya dito at hinarap ang katabi kong nerd. Si Roshelle. Now, what?

"Pwede bang lumipat ka na lang? Kailangan ko kasing katabi si president e," he's flirting! What the actual fuck? Ginagamit niya ang charms niya para makuha ang gusto niya? At ano? Kailangan niya akong katabi?

"S-sige," agad siyang tumayo at dumiretso sa pinakalikod. Pulang-pula ang mukha hanggang leeg. Tss... Agad namang nagbulungan ang lahat dahil sa nangyari. Napairap na lamang ako.

"Close your eyes again, everyone! Concentrate! This time, feel your heartbeat for a minute," agad ko iyong ginawa at nagconcentrate.

"Now, the question is," my forehead creased as I waited for the question. I lost my focus when I felt my seatmate is moving. Ang likot naman!

"Have you been broken before?" Napaawang ang bibig ko sa naging tanong. Seriously? Idinilat ko ang mata ko at ganon din ang iba pa.

"For our activity, we will have a debate. As a twist, ako ang pipili kung saang grupo kayo mapapabilang. Of course, we will only have two groups. Ang una kong tatawagin ay ang mga pangalang sumasang-ayon sa sasabihin kong topic mamaya,"

"Almodovar, Torillo, Buenavidez, Cruz, Valdez, Montenegro, Sahulga, Endrina—" tumigil na ako sa pakikinig nang marinig ko na ang apelyido ko.

"For the second group, Del Valle, Lienzo, Jones, Ferrer, Montes—" madaming nagreklamo nang malamang hindi nila kasama sa iisang grupo ang kanilang mga kaibigan. I don't mind, though. This is just a debate. Maybe she's testing us if we can fight for something against our will.

"Our topic is, does a person deserves a second chance when he or she cheated on you?" a heavy sigh came out of my mouth. My answer is no. But I have to debate as if I agree. This subject sucks...

Binigyan niya kami ng five-minute brainstorming para maibigay lahat ng ideas ng bawat isa. Unfortunately, they chose me as their representative. Hindi ko namalayan na tapos na pala ang five minutes at pumwesto na kami. My team's on the left side facing the other group on the right. Napataas ang kilay ko nang makitang si Ironvon ang representative nila.

"Alright, representative of each group, please shake your hands as a start of our debate. We will do the tossed coin method to know who would be the first one to start the debate. Head for Ms. Endrina and tails for Mr. Lienzo. Are you both ready?" tumango na lamang kami at nagshake hands na. A firm one and its done.Then, a small coin rose up in the air then fell on the floor with a clank. The coin shows the head's picture.

"You may now start. Just to remind you, this is a friendly debate. Enjoy,"

"Everyone deserves a second chance. Kung ang Diyos nga nakakapagpatawad, why can't we?" agad itong sinundan ng pag-agree ng mga kasama ko.

"But forgiveness doesn't mean that you can already give the second chance. And correction. ANYONE who're deserving are those who only deserves a second chance," grupo niya naman ang naghiyawan na sinabayan ng pag-boo ng kabila.

Burning ROSES (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon