Kabanata 6

6 2 0
                                    

Kabanata 6



"Let's have a deal, then," nasundan ang sinabi niya ng isang maingay na buntong hininga. Ano 'to? Napipilitan? Ganon pa man, hinarap ko pa rin siya at ibinaba ang hawak kong script. An eye brow shot up to show that I'm listening on whatever he's trying to say.

"Subukan nating kaibiganin ang isa't isa—" Umirap ako at muling inangat ang script kapantay sa mukha ko.

"Fine. Fake friendship—" pabagsak kong ibinaba ang papel at bumaling sa kanya.

"Hindi ba kasama sa suggestions mo ang wag na lang tayo magpansinan?" tumalim ang tingin niya at pinili na lang na umiwas.

"Assistant director ako at ikaw ang bida. Paanong wag na lang tayong magpansinan? Nahihibang ka ba? Imposible yang gusto mo,"

"But atleast—"

"Bakit ba parang sobrang laki ng galit mo sakin? Look. I've been trying to reach out on you since day one but what? Nakakatanga ka na. Lahat na lang namimisinterpret mo. Bakit ba ang kitid ng pasensya mo? Tulad nga ng sinabi ko kanina, kung may personal issues ka man, wag mong idamay ang shooting pati na rin ang mga tao sa paligid mo lalo na ang mga katrabaho mo. Ano bang gusto mo? Kami ang mag-adjust? AKO ang mag-adjust? Hell no, Lois,"

A long pause filled the whole auditorium as I realized my own mistakes. I admit, tama siya. Masyado akong out of focus. This is not me. This is not the Lois Amethyst that everyone knows before Sean left me. I changed... in a bad way, though.

"I'm sorry," nahihiya kong binanggit ang mga salitang iyon. Napayuko na lang ako. Kasabay 'non ang pagtulo ng mga luhang hindi ko inakalang meron pa pala ako matapos niya akong iwanan isang taon na ang nakalipas.

Isang taon. One fucking year. Pero bakit parang tatlong araw pa lang ang lumipas simula nang mangyari 'yon?

Hindi sadyang napahikbi ako nang malakas. Naramdaman ko ang paglapit niya at ang magaan na kamay sa balikat ko. Tila nag-aalinlangan kung maaari ba akong hawakan o hindi.

"I'm sorry din. Alam kong sumobra din ako sa mga sinabi ko. Pero totoo naman—" bago pa niya maituloy ay isang matalim na titig at hampas sa balikat ang nakuha niya. Hindi ko maiwasang mapangiti. Muntanga lang. Naiinis ako diba? Bakit nakangiti?

"Ang ibig kong sabihin, totoo naman na maganda ka. Tsk. Di muna kasi ako pinatapos," napa-iling na lang ako at pinigilan ang pagtawa. Gumagaan na ang pakiramdam ko.

"Bwisit kang enervon ka! Lumayas ka na nga ulit!" sinubukan kong gawing naiinis ang tono ko pero napapangiti pa rin. Bad trip...

"Kung 'yon lang pala ang kailangan mo, handa akong maging enervon mo Makita ko lang ang nakangiting mga labi mo," kailangan talaga may pagkindat? Bilang sagot ay napa-iling na lang ulit ako. Paano ko nga ba nagawang kalimutan na sobra-sobra sa hangin ang katawan ng lalaking 'to?





"No way," malalim ang buntong hininga na pinakawalan ko. Hindi ko kayang tignan ang babaeng nasa harap ko ngayon. Lihim akong napairap.

"What is it this time, Lois? Anong problema kay Kimberly?" Agad na umikot ang mata ko pagkarinig ng pangalan na iyon. Siya ang kontrbida! Hindi lang sa movie, pati sa buhay ko. Damn.

"I can recommend someone better, ma'am. Mas bagay sa role. I swear," emphasizing the word 'better' then showed my most convincing smile.

"At sino naman?"

Burning ROSES (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon