Kabanata 9
FLASHBACK
Lois's POV
Tatlong marahan na katok ang narinig ko mula sa labas ng aking kwarto. Agad kong niligpit at nilagay sa kanya-kanyang lalagyan ang mga ginamit ko sa pag-aayos ng sarili. Malalakas ang tunog na nilikha ng pagsara ng mga drawer ng vanity table ko.
"Lois? You Tita Carmie's already here. Hindi ka pa ba tapos diyan?"
One last glance to my mirror then I finally went out of my room. Agad kong narinig ang sasakyan mula sa labas. Maya-maya lang ay huminto na ang makina nito.
This isn't that special to me, anyway. Kailangan ko lamang magmukhang presentable sa harap ng mga bisita kaya naman nag-ayos pa ako. Saktong pagbaba ko mula sa ikalawang palapag ay bumukas ang pinto. Bumungad sa akin si Tita Carmie at ang asawa nito na si Tito Alvin. I immediately went to them at nakipagbeso.
"It's been a while, Lois! How are you dear?" I laughed awkwardly when I started to hear stilettos behind Tita. Gayunpaman ay sumagot pa rin ako.
"I'm fine, tita. Kayo po? How's business?" I tried to talk casually kahit na kinakabahan na talaga ako lalo na nang marinig ko ang mahinang pagtawa niya.
"The business is fine, Lois. Actually, we have a new big negotiator! Malaki ang offer and he's from Australia. Though, I'm still thinking kung tatanggapin ko ang alok,"
Bago pa man humaba ang usapan ay tinawag na sila ni mommy para sa dinner at doon na lamang makapagkwentuhan sa hapag. Tatalikod na sana ako para sumunod nang dumating na ang sana ay hindi na lang. Whatever. Hindi ko maiwasan na mapalingon sa kanya at sa kasama niyang lalaki. My forehead creased when I saw how close they are.
Elliana's walking with a guy that is unfamiliar for me. A guy who has a very strong appeal who looks so cool. Maangas tignan dahil sa ngisi na ipinapakita nito ngayon habang tumatawa nang mahina ang kanyang katabi. Binalingan ko ulit ng tingin si Elliana na ngayon ay nakatingin na din pala sa akin. Nang magtama ang aming paningin ay agad na tumaas ang isang kilay niya bago ako inirapan. Bahagya niyang hinila ang kasamang lalaki at nilagpasan ako. The guys's eyes did not left me. Nanatili pa sana nang mas matagal ang kanyang titig kung hindi lamang siya sinipat ni Elliana.
I followed them once they are already out of my sight. The Levi's are our family friend for a long time. And this dinner is for Elliana's last day here in the Philippines. She'll go to Italy after this to continue her studies.
"Mom? Dad? This is Sean Lester Romero, my boyfriend," pagpapakilala ni Elliana sa kasama niyang lalaki.
Agad namang bumati ang lalaki na nagngangalang Sean sa mga magulang ni Elliana. Ganon din ang ginawa niya sa parents ko. Wala sana akong balak na lingunin pa siya kung hindi ko lamang naramdaman ang mga matang nakatingin sa akin.
"Good evening, miss," may pag-aalinlangan niyang bati dahil hindi niya alam ang itatawag sa akin. Mahina akong tumikhim bago sumagot, "Lois."
Hindi na kami nagpansinan pa hanggang sa matapos ang hapunan. Hindi rin ako nakikilahok masyado sa usapan dahil in the first place, ayoko naman talagang maging parte ng dinner na 'to. Nang matapos kumain ay nakagawa ako ng dahilan para i-excuse ang aking sarili mula sa usapan. Agad akong dumiretso sa kwarto at nagpalit ng manipis na T-shirt at shorts. Magpapahangin muna siguro ako sa pool side bago matulog.
Tahimik akong bumaba at iniwasang mapadako sa living room. Walang ingay ang ginawa kong pagtungo sa kusina kung nasaan ang back door papunta sa swimming pool namin. Dala ko ang dalawang lata ng beer na pinuslit ko sa kusina bago tuluyang makarating dito. Isang malalim ng buntong hininga ang aking pinakawalan bago binuksan ang isang lata ng beer.
![](https://img.wattpad.com/cover/104292226-288-k706348.jpg)
BINABASA MO ANG
Burning ROSES (ON-GOING)
Teen FictionRoses are RED... Violets are BLUE... Let us be together... And I'll stay with you FOREVER... Roses are Red... Violets are BLUE... Play with your feelings... That's how I'll break you... She is Lois Amethyst Endrina. Keep her or break her?