Chapter One
"FRIEND,kapag hindi mo 'ko sinamahan sa exhibit na 'yon, kakalimutan na talaga kita!"
Nabitin sa ere ang hawak na pulang rosas ni Chelle at hindi makapaniwalang nilingon ang pinsan slash best friend niyang si Macy. Nasa pwesto niya siya sa flower shop kagaya ng kinagawian nang bulabugin na naman nito ang boring niyang araw.
"Habang-buhay!" pahabol pa nito.
"Akala mo naman madadala mo 'ko sa mga paganyan-ganyan mo," sa halip ay nakataas ang isang kilay na sabi niya.
"Chelle naman, eh," napaingos na sabi ng pinsan niya at napangalumbaba pa sa mesa.
"Tama na nga, Macy. Hinding- hinding na kita kukonsentihin diyan sa mga kalokohan mo. Masasaktan ka na naman, sasabihin mo katapusan na ng mundo. Pakiramdam mo wala nang magmamahal sa'yo. Alam mo hindi naman sa kontrabida ako sa love life mo pero...pwede bang mag-time out ka muna kahit ngayon lang, Macy? Bigyan mo naman ng time ang sarili mo. Sa totoo lang, 'yan talaga ang kailangan mo," mahabang litanya niya.
Totoo naman kasi ang sinabi niya. Hindi pa nagkakaroon nang matinong karelasyon si Macy dahil palagi na lang itong iniiwan ng mga lalaki. At kahit nga palaging ganon ang nangyayari ay hindi man lang ito nadadala.
"Palibhasa kasi hindi mo pa nararanasan ang magmahal kaya hindi mo 'ko naiintindihan!" katwiran pa nito.
"Hindi totoo 'yan, ah! Na- in love na ako minsan at alam mo 'yan."
"Pero hindi man lang nagkaroon ng pagkakataon na maging kayo. Papaano ba naman, sa lahat ng lalaking magugustuhan eh 'yong seminarista pa!"
Saglit na natigilan si Chelle upang alalahanin ang nangyari sa kanya four years ago kung saan kaga-graduate pa lang niya sa kolehiyo. Nakilala niya sa isang birthday party si Samuel. Napakabait nito at magiliw sa lahat ng tao. Palagi rin itong nagsi-share sa kanya ng mga salita ng Diyos kaya naman nasabi niya sa sariling gusto niyang katulad nito ang mapapangasawa niya. Akala niya likas lang itong ganun pero nalaman niya mula dito mismo na malapit na itong pumasok sa seminaryo. Kung kailan sigurado na siyang nagkapuwang na ito sa puso niya.
"Salamat, ha? Pinaalala mo pa," sarkastikong aniya at ipinagpatuloy ang ginagawa.
"Sige na naman, Chelle. Kapag sinamahan mo 'ko, sinisiguro ko sa 'yong last na 'to. Hindi na uli kita kukulitin sa mga kalokohan ko."
Hinarap niyang muli ang pinsan at itinuro ito gamit ang isang rosas na hindi pa napuputulan ng stem.
"Sabi mo 'yan, ha?" paninigurado niya.
"Pangako, Chelle," nakangising sabi pa ni Macy at itinaas ang kanang kamay.
Kung siya ay isang hamak na flower shop manager, ang pinsan naman niya ay isa namang in demand na commercial model. Kapansin- pansin ang ganda ni Macy hindi katulad niya na plain and simple. Gayunpaman ay kontento naman siya sa kung anong meron siya. Sapat na sa kanya na maganda siya sa paningin ng Nanay niya.
Isa sa mga dahilan kung bakit malapit sila nito ay dahil sa ang pamilya na lang nito ang natitira nilang kamag-anak na nasa Maynila.
"NANDITO na po ako," kulang sa siglang sabi niya pagkapasok ng bahay at agad na dumiretso sa kusina. Alam kasi niyang nandoon na ang Nanay niya at naghahanda ng magiging hapunan nila.
"Kamusta ang araw ng maganda kong anak?" tanong naman ni Aling Cynthia na abala sa paghihiwa ng papaya matapos niya itong halikan sa pisngi.
Naghila siya ng upuan at naupo upang panoorin ang ginang.
"Alam niyo na 'yon, Nay. Walang bago," nakangiting sagot niya.
"Baka naman panahon na para sumubok ng bagong environment? Kumuha ka na lang ng pwedeng maging manager ng flower shop. Wala namang masama do'n."
BINABASA MO ANG
The Night It Rained (Be Your Everything) [To Be Published]
RomanceEvery man's dream is to be a part of a wealthy and one of the most influencial clans in the society. In a world that's synonimous with competition, ang mga Montreal ang laging nangunguna. Sa larangan ng pag- ibig, maging kasing successful din kaya s...