CHAPTER SEVEN
“NAKAALIS NA si Ceddie?” tanong sa kanya ni Aling Cynthia nang maisara na niya ang pinto at kagagaling naman nito ng kusina.
“Opo. Hinintay ko lang siyang makaalis bago pumasok.”
“'Yon bang batang 'yon, eh, nanliligaw na sa'yo?”
“H-hindi po.”
“Boto ako sa kanya sakaling manligaw nga siya.”
Ngumiti naman siya. “Masaya po ba kayo sa birthday niyo, 'Nay?” sa halip ay tanong niya.
“Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya, anak,” sabi naman nito at hinawakan siya sa pisngi. “Taon- taon na lang hindi ka nawawalan ng sorpresa. At napakaswerte ko kasi ikaw ang naging anak namin ng Tatay mo. Alam mo may isa pa 'kong birthday wish.”
“Ano naman po 'yon?” nakangiti naman niyang tanong.
“Sana kapag tumuntong ka na ng twenty- five eh nakapag- asawa ka na o 'di naman kaya eh may plano ka nang magpakasal.”
Natawang kinuha niya ang kamay nitong nasa pisngi niya at hinawakan nang mahigpit.
“Twenty- five? Hindi po kaya napakabata ko pa no'n?”
“Ideal age nga 'yon, eh. Basta gusto ko twenty- five may asawa ka na.”
“Nay, kapag nag- asawa na 'ko gusto ko kasama pa rin kita sa bahay.”
“Hindi kaya hindi sumang- ayon ang mapapangasawa mo?”
“Kung si Ceddie po ang mapapangasawa ko, tiyak na walang problema sa kanya.”
Humagikhik naman si Aling Cynthia.
“Huli ka, Chelle! Sinasabi ko na nga ba may lihim kang pagnanais sa binatang 'yon, eh.”
Natawa naman siya. “Nay, sekreto lang natin 'to, ha? Ang totoo niyaya niya 'kong magdinner at pumayag po ako.”
Impit namang napatili ang Nanay niya.
“Tulungan kitang maghanap ng damit na maisusuot.”
“Hindi naman po kayo excited sa lagay na 'to, 'no?”
SHE'S NEVER been this excited before. Nang may humintong magarang kotse sa labas ng gate ay hindi agad siya naniwalang dumating na ang hinihintay niya. Nasa may sala sila ni Aling Cynthia at naghihintay na kay Ceddie nang mga oras na iyon. Kung sana ay sinubukan rin niyang makipagdate sa isa sa mga nangungulit sa kanya noong college, hindi sana ay hindi ganoon ang nararamdaman niya. Iyon bang kinakabahan siya at hindi mapakali.
“Salubungin na natin ang date mo,” excited na yaya ni Aling Cynthia na nakasilip sa jalousy.
“Sige po.”
Sumunod siya sa Nanay niya nang magpatiuna ito paglabas ng pinto. Nakita naman niya si Ceddie na nakatayo na sa labas ng gate. Napakagwapo nito sa suot nitong white long sleeves na polo at nakatupi pa ang mga manggas hanggang siko nito. Black jeans and white rubber shoes naman ang ipinares nito doon. May hawak itong dalawang bouquet ng mga bulaklak at malapad ang ngiti nito habang papalapit siya.
Tingin naman niya ay hindi na masama ang suot niyang blue na baby dress at black leggings na pinaresan niya ng doll shoes. Katulad ni Ceddie ay may suot din siyang relo at iyon lang ang accesory niya sa katawan. May sukbit siyang pouch na pinaglagyan niya ng kanyang cellphone at ilang personal na gamit.
“Magandang gabi po sa inyo, Tita,” magalang na bati nito. “Magandang gabi, Chelle.”
“Magandang gabi rin, hijo. Gwapo natin, ah?” nakangiting sabi naman ni Aling Cynthia.
BINABASA MO ANG
The Night It Rained (Be Your Everything) [To Be Published]
RomanceEvery man's dream is to be a part of a wealthy and one of the most influencial clans in the society. In a world that's synonimous with competition, ang mga Montreal ang laging nangunguna. Sa larangan ng pag- ibig, maging kasing successful din kaya s...