[6] Be Your Everything

8.7K 188 6
                                    

CHAPTER SIX

NAKANGITI siya nang salubungin si Ceddie sa labas ng flower shop niya. Maaga siyang uuwi dahil iyon na ang araw ng birthday ng Nanay niya at gusto niya itong sorpresahin.

“'Yan na ba 'yon?” tanong niya sa dala- dala nitong naka- wrap na hugis kwadrado.

“Yup. Tinulungan ako ni Mama na balutin 'to. Sabi niya maganda raw ang Nanay mo.”

“Talaga? Ang sweet naman ni Tita. Pakisabi salamat, ha?”

“Walang problema.”

“May gagawin ka pa pagkatapos nito?”

“Ang totoo wala na masyado kasi 'yong latest project namin is tapos na.”

“Tara, samahan mo 'ko.”

Halatang nagulat ito. “Huh? Saan naman?”

“Ibibili ko lang ng cake si Nanay. May malapit kasi na bakeshop dito. Okay lang ba sa'yo?”

“Ah, oo ba. Halika. Kung gusto mo libre ko na.”

“Ano ka? Ako na nga 'tong nagpapasama,” natawang pakli niya.

Sumakay sila ng motor nito at huminto sa sinasabi niyang bake shop. Pagkatapos niyon ay dumiretso na sila pauwi.

“Okay ka lang ba diyan?” tanong nito sa kanya.

Malamang ay inaalala nito kung paano niya hinahawakan ang bulaklak, ang box ng cake at ang nakabalot na painting.

“Oo naman,” sagot niya.

Hindi naman kasi mahirap para sa kanya iyon. Nakaipit sa ilalim ng kili- kili niya ang painting habang magkapatong naman ang box ng chocolate at bulaklak sa isang hita niya.

Talagang plano niyang agahan ang pag- uwi para maunahan niya si Aling Cynthia. Sa ganoong paraan ay magkakaroon siya ng maraming panahon na maghanda ng sorpresa sa pagdating nito.

“Tuloy ka,” sabi niya pagkabukas ng pinto at si Ceddie na ang may bitbit sa lahat ng dala niya.

“Kayo lang ng Nanay mo ang nakatira dito?”

“Simula nang mamatay si Tatay, oo,” sagot naman niya nang isara iyon.

“Hindi kayo natatakot?”

“Hindi. Sa tagal nang pagtira namin ni Nanay dito, nakilala na namin lahat ng mga nakatira kaya hindi na kami nag- aalala. Akin na muna 'yang regalo ko sa kanya.”

Kinuha niya rito ang painting at ipinasok muna sa kwarto niya. Paglabas niya ay niyaya naman niya ito sa kusina. Kinuha niya ang cake at ipinasok sa ref. Ang bulaklak naman ay inilagay niya sa vase.

“I like your house,” komento pa ni Ceddie.

“Thank you,” sabi naman niya. “Tinutukan ni Nanay ang pagtatayo nitong bahay kaya naging ganito. At mamaya, makikilala mo na siya.”

Lumapit muli siya sa ref at inilabas ang mga sangkap na kakailanganin niya sa pagluluto ng hapunan nila.

“Kailangan mo ng tulong?” ani Ceddie.

“Naku, 'wag na. Bisita kita, eh. Nakakahiya naman kung pagtatrabahuin kita.”

“Nakalimutan mo na bang tinutulungan ko magluto si Mama?”

Tumayo ito sa kinauupuan at lumapit sa tabi niya.

“Sige na. Para mabilis tayong matapos.”

The Night It Rained (Be Your Everything) [To Be Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon