[4] Be Your Everything

9.9K 216 6
                                    

CHAPTER FOUR

PAGPASOK pa lang niya sa gate ay kinuha na niya ang cellphone at i-t-in-ext si Ceddie na nakauwi na siya. Saktong pagpasok niya ng bahay ay tumunog iyon. Hindi siya makapaniwalang tatawag pa ito.

“Ceddie?”

“Talaga bang nakauwi ka na? Baka naman niloloko mo lang ako? Baka nakipag- date ka sa kung sino?”

Nanlaki naman ang mga mata niya.

“Ano'ng nakain mo? Maka- react ka naman nang ganyan,” hindi makapaniwalang sabi niya.

“Practice lang!” Pagkatapos ay narinig niya itong tumawa. Kahit pala sa cellphone lang ay masarap pa ring pakinggan ang boses nito.

Napabuga naman siya ng hangin at pagkuwan ay natawa na rin.

“Ano'ng practice ang pinagsasasabi mo?”

“Alam mo na 'yon.”

“Hindi, Ceddie, hindi ko alam. Tsaka hindi mo naman na kailangang tumawag, eh. Tapusin mo na lang ang trabaho mo.”

“Sige, para rin naman sa future natin 'to, eh.”

“Future mong mukha mo!” pakli niya sa nag-iinit na pisngi. “Ikaw naman ang mag- iingat mamaya sa pag- uwi, ha? Bye- bye na.”

“Ayaw mo ba 'kong kausap?” may bahid ng pagtatampo sa tinig na tanong nito.

“Alam mo, Ginoo, hindi bagay sa'yo. Bye- bye na. Baka sisihin mo pa 'ko kapag sinisante ka ng boss mo.”

“Kita tayo bukas?”

“Kita tayo bukas.”

Siya na ang naunang mag-hang up. She can't wait for the next day to come. Lumabas ng kusina si Aling Cynthia at nadatnan siya nito na nakatayo pa rin sa may pintuan at nakahawak sa door knob.

“Hi, Nay!” masiglang bati niya.

“Himala hindi bagsak ang balikat mo at nakangiti ka pa,” nangingiting pansin naman ng ginang.

Lumapit siya rito at humalik sa pisngi nito.

“Talaga, Nay?”

“Dahil ba 'yon sa kausap mo sa cellphone mo?”

Muling nag- init ang mga pisngi niya.

“Si Ceddie lang po 'yon, Nay. Ayaw kasi niyang maniwala na nakauwi na 'ko, eh.”

“'Yong Ceddie na naman. Kailan mo ba siya ipapakilala sa 'kin?”

“U-um, lagi po siyang busy, eh. Tsaka dalawang beses pa lang naman niya 'kong nahahatid. Siguro kapag nagkaroon ng pagkakataon iimbitahan ko siyang maghapunan dito. Okay lang po ba 'yon?”

“Magandang ideya nga 'yan, Anak. Sige, sabihan mo siyang iniimbitahan ko siya, ha?”

“Opo. Sige po, magbibihis lang muna ako.”

ANG AKALA ni Chelle ay ang sinasabi ni Ceddie na magkikita sila nito ay hapon at magkakape na naman sila. Laking gulat niya nang sumulpot ito sa flower shop nang tanghali.

“Ceddie!” bulalas niya at wala sa loob na nahaplos ng kamay buhok. “Ang...aga mo naman. Ang akala ko mamaya pa tayo magkikita.”

“Nagdu- double time kasi kami ng mga kasamahan ko kaya inagahan ko na lang. Naglunch ka na ba? Iimbitahan sana kita.”

“Hindi pa pero nagpadeliver na kasi si Pauline, eh.”

“Sabi ko na, eh. Coffee date ngayon, lunch date bukas. Sa isang araw sunod na ang dinner,” parinig ni Millete.

The Night It Rained (Be Your Everything) [To Be Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon