[5] Be Your Everything

9K 196 5
                                    

CHAPTER FIVE

SUMAKAY SIYA ng taxi papunta sa ibinigay na address sa kanya ni Rickson.

BUSY?, text niya rito.

HI. OO, EH. MUKHANG OVERTIME NA NAMAN KAMI NITO. <3

Napatakip siya sa bibig niya para pigilan ang paghagikhik. At talagang pinalalabas pa nito na nasa opisina lang ito ng Thumb Apps at subsob sa trabaho.

HUWAG KANG MAGPAPASOBRA. BAKA MAGKASAKIT KA, reply naman niya.

AKO PA! MISS NA KITA. ;)

:p, iyon lang ang reply niya.

Sa isang exclusive na subdivision pala ang tinitirhan nito kasama ang pamilya nito. Nang ibaba siya ng taxi sa tapat ng isang kulay green na gate ay nakita niya ang motor ni Ceddie na naka- park lang sa munting garahe ng bahay.

Parang gusto na naman niyang matawa pero hindi maipagkakailang nakaramdam din siya ng pagkakonsensiya. Kung hindi kasi nito inisip ang kapakanan niya noong isang araw ay hindi naman sana ito magkakasakit.

Nag- door bell siya at ilang sandali pa ay may lumabas na isang babae na halos kaedad lang ng Nanay Cynthia niya. At pamilyar siya sa mukha nito. Kung hindi siya nagkakamali, ito ang babaeng nakita niya sa painting ni Ceddie noong gabi ng exhibit. Ito na nga ang tinutukoy ng binata na Mama nito. Nakasuot ito ng apron at sa tingin niya ay may ginagawa ito na iniwan lang nito pansamantala.

“Magandang hapon po,” magalang na bati niya.

“Magandang hapon din sa'yo, hija. Ano'ng kailangan nila?”

“Nandiyan po ba si Ceddie? Sabi kasi sa 'kin ni Mr. Ang ito ang bahay niya.”

“Si Rickson ba ang tinutukoy mo? Halika, hija, tuloy ka!”

Binuksan nito ang gate para makapasok siya.

“Ikaw pala si Chelle,” manghang sabi pa ng ginang na nagpakilalang Mama nga ni Ceddie habang papasok naman sila sa loob ng bahay.

“Opo. Hindi ko po alam na absent pala siya kung hindi pa 'ko nagpunta sa opisina nila para sana isauli ang jacket niya.” Iminuwestra pa niya ang paperbag na isa sa mga dala niya.

“I see, hija,” napatangong ani Amanda. “Para ba sa kanya ang bulaklak at mga prutas na dala mo?”

“Ah, eh, opo. Ayoko po sanang isipin niyo na nanliligaw ako sa anak niyo. Balita ko po kasi may sakit siya, eh, kaya heto. Kasalanan ko rin po kasi kung bakit siya nabasa ng ulan.”

“Napaka- sweet mo namang bata, Chelle. Gusto mo ba 'kong samahan sa kusina? Ang totoo nagluluto ako ng sopas para sa kanya noong dumating ka.”

“Sige po, walang problema. Ang ganda po ng bahay niyo, Mrs. San Diego,” sabi pa niya.

“Salamat. Ang totoo last year na ni Cedfrey sa high school nang matapos itong maitayo. Sila lang ng Papa niya ang nagdesign nitong bahay, alam mo ba?”

“Wow. Pero bakit mas pinili niyang maging app developer kaysa ang maging architect?”

“Iyon talaga ang pangarap niya kaya lang eh mas pinili niyang maging practical. At least napagsasabay niya ang pagpipinta at ang trabaho niya. Tingin nga namin eh napamahal na rin siya sa trabaho niya.”

Dinala siya nito sa kusina matapos niyang iwan ang paperbag na naglalaman ng jacket sa may sala.

“Nasaan po si Ceddie?” tanong niya pagkaupo niya sa stool.

The Night It Rained (Be Your Everything) [To Be Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon