Prologue

6.5K 85 5
                                    


PINAGHANDAAN ko ng bonggang bongga ang araw na 'to, ang aming high school reunion. Pagpasok ko pa lang ng lobby ng hotel, nakuha ko na ang atensyon ng lahat. Sino ba ang mag-aakala na si Macqueen Salas Dela Rosa, dating binansagang campus loser ay may kakayahan ng akitin ang sinumang lalaking gustuhin n'ya ngayon?

Sinadya ko talagang magpahuli para maka-agaw eksena. Pagbukas ko palang ng pinto, nagtinginan na ang lahat sa'kin. Suot ang napakaelegante kong pink dress, diretso 'kong pumasok at lumakad sa red carpet. Dinig ko ang bulungan ng marami. Siguradong mangha sila sa kagandahan ko.

Pero teka, parang di pamilyar yung mga tao dito. Bakit may nakapangkasal?

"Oh shocks, mali ang pinasukan kong hall." Dali-dali akong lumabas na nakatakip ang mukha dahil sa hiya. Lumapit ako sa isang staff ng hotel para magtanong.

"Hi, may I know where to find the banquet hall for a class reunion of Nutella High?" mayumi kong tanong saka binigyan ito ng pagkatamis-tamis na ngiti.

"Y-yes ma'am. Let me accompany you to the place." nabubulol na sabi nito. Iba na talaga ang karisma ko.

This is it. Huminga 'ko ng malalim at pumasok sa hall. Nasa pintuan palang nakita ko na ang mukha ni Sherly, ang kontrabida sa buhay ko nung high school. Nakumpirma kong nasa impyerno na nga ako. I mean, nasa reunion na nga ako. Tiningnan niya 'ko mula ulo hanggang paa. Kitang-kita ko ang insecurity sa mukha niya at ng mga alalay niya.

Inirapan ko sila. Lumakad ako sa red carpet na parang model. Lahat ng mata sa akin nakatingin. Lakad ako ng lakad na kunwari ay may hinahanap pero ang gusto ko lang talaga ay magpapansin. Kaiikot ko'y may nakabangga ako at nabuwal sa bisig ng isang lalaki.

"Ikaw?" bulalas ko sa kanya. Sa dami ng makakabangga, si Alexander Guevarra pa. Ang sobrang yabang na campus hearthrob namin noon. He has this alluring physique na hindi mawawala sa listahan ng mga katangian ng isang ideal guy na gugustuhin ng isang babae: mapupungay na mata, mapupula at maninipis na labi, perpektong hugis ng ilong at jaw line. Samahan pa ng makisig niyang katawan na animo'y hinubog ng isang magaling na manlililok. Pero lahat 'yon ay panlabas lamang. I've never thought that my simple admiration on him could lead into hatred and revenge.

It's been 5 years mula nang isumpa ko ang buhay senior dahil sa kanila. At ngayon ang simula para magbayad ang lahat ng may atraso sa'kin. They should be ready 'coz the new Maqueen is back!

Seducing Mr. YabangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon