Part 5:

41 2 0
                                    

Part 4:

Habang naghahanap ako ng table....Gotcha ayun nakakita ako ng bakanteng table..

Pandalawahan lang ung table na nakuha ko..Nilagay ko ung bag ko dun sa isang upuan..

Pagkaupo ko kumain na ako..Napakaingay talaga sa cafeteria pero teka bakit parang tumahimik..

Pag tingin ko sa kanila lahat sila nakatingin sa kanan ko..At dahil nga curiosity kills tumingin din ako at pagtingin ko muntik ko ng mabuga yung kinakain ko..

Si..si...

Si Jacob.....

Nanlaki ang mata ko sa gulat..Nakangiti sya sakin ngiting hindi ko maipaliwanag.

Wala syang kasamang iba.

"Miss can I sit here??"turo nya dun sa isang upuan sa table ko

"Bakit dito pa ehh ang dami dami namang bakante?"Inis kong sagot

Luminga linga sya at syempre sinabayan ko na din sya.

Pero teka wala na ngang bakanteng mauupuan kaya wala na akong nagawa kundi hayaan sya..

"Boogggssshhh!!"

Teka ung bag ko....

Waaaahhh...bwisit bwisit talaga tong lalaking toh.!!

"Anu bang problema mo hah bakit mo hinagis ung bag ko!Pwede mo namang iabot ng maayos ah!!"inis na inis kong sigaw..

"Sinisigawan mo ba ako??"seryosong tanong nya..

"Hindi ba obvious hah!"

"Kumain ka na nga lang nakakahiya ka!"seryoso padin nyang sabi

Hindi na ako sumagot dahil pinagtitinginan na nga pala kami.

Pinagpatuloy ko na ung pagkain ko.Napansin ko lang na hindi nya ginagalaw ung pagkain nya.Tiningnan ko sya at wait ahh nakatitig ang loko sakin..

"Bakit?"tanong ko habang ngumunguya..

Bigla naman sya namula at nawala ang mga ngiti sa labi nya.

"W-wala Nakakadiri ka namang kumain..Makaalis na nga nakakawalang gana!"

-----------------------,,..

Pagkatapos nung kahihiyang dinulot sakin nung bwisit na lalaking yun bumalik na ako sa room..

Pagkabalik ko wala pa ung teacher namin kaya magbabasa muna ako sa wattpad Favorite ko don ung Break the Cassanovas Heart ni Ate Alyloony....

Pagkabukas ko nung cp ko nagtxt pala si Geoff..

From:Geoff

Uy Bhesty umuwi na kami ni Rein may family reunion kasi kami ehh...Ingat ka paguwi mo mamaya...

Napakasweet talaga ng mga best friend ko....

So eto ako loner sa loob ng room..

Eto namang katabi ko ayan nakaub-ob na naman at natutulog...Bakit kaya lagi nalang bumibilis ung tibok ng puso ko pag nakikita ko tong nilalang na toh..

Bigla namang tumunog ung speaker sa room nanggagaling ung boses nun sa teacher's building...

"Attention to all Academy students Mr. Principal announced to cut off the classes all students may now go home .."

At dahil dyan bigla namang nagkaingay ang mga kaklase ko lahat sila tuwang tuwa...haha

Nag alisan na sila ako naman naiwang tumatawa dito nakakatuwa kasi sila ehh parang minsan lang nakarinig ng 'cut-off classes' haha...

Teka eto nga palang katabi ko walang kaalam alam sa nangyayari ayan at tulog na tulog padin.

Gigisingin ko ba toh?May kasalanan pa toh sakin eh.

Sige na nga gigisingin lang naman ehh.

"Jacob! Jacob! Uy uy uy uwian na nag cut off na ng class uy. uy. uy."pangungulit ko..

"What the!! Anu ba ang problema mo hah,Wala ka bang common sense nakita mo ng natutulog ung tao di ba.Bwiset naman oh!"inis nyang sagot.

He's Definitely A Devil (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon