Selene
Marahan kong ipinunas ang aking kamay sa bimpo matapos itong hugasan. Idiniretso ko na ang lasagna sa oven bago ako bumalik sa dining table kung nasaan ang laptop ko. Nginitian ko kaagad si mommy at daddy na nakatanaw sa'kin bago ko marahang iwinagayway ang aking kamay. I sighed, I miss them so much.
"Ano naman 'yang niluluto ng dad?" tanong ko at nakita siya sa may bandang grill at nang marinig ang boses ko ay marahan siyang lumapit na.
"Burgers?" he chuckled, "Miss na miss na naming ang luto mo hija."
Napaiwas ako ng tingin bago pa-simple na lang na sumulyap sa aking cellphone, kunwari ay may binabasa na kung ano.
"Congratulations Selene, we are so proud of you." Mom suddenly blurted out, "May balak ka bang umuwi rito? Gusto rin naming makita 'yang mga award mo."
We are currently talking on skype habang hinihintay ko ang aking luto. Beside her is daddy at pa-hapway na pinaparada ang susi ng isang BMW sa camera, I almost rolled my eyes. For days, they've been giving me hints about their obvious gift for me.
"Dad halata ka.." halakhak ko.
"Come home, anak." He said bago iwinagayway ang susi na hawak, "Look I bought you a new car as your reward. Sayang naman kung hindi mo magagamit. Pati ang mga rewards mo at mga laruan ng mga bata naiipon na rito."
I circled some droplets of water on my table at hindi makatingin sa kanila. Here we go again with the issue about going home. Wala pa rin talaga akong konkretong sagot riyan dahil ngayon pa nga lang na iniisip kong uuwi ako kasama ang mga bata ay dumadagungdong na ang puso ko sa kaba. Mom sighed, sandaling katahimikan ang namayani sa'min buti na lang ay tumunog ang pintuan ng bahay kaya mabilis akong tumayo para salubungin ang bisita. Thank God!
Ngunit ganoon na lamang ang pag-kunot ng aking noo nang bumungad sa'kin ang aking kuya na may dalang bagahe!? What the hell?
"H-huy!"
"It's nice to see you too Selene." Sarkastiko niyang sagot bago ako tuluyang nilampasan kaya naman sinundan ko kaagad siya.
"May pagkain ba rito? Fuck.. I'm hungry.."
Para naman akong tanga na nakasunod lang sa kaniya hanggang sa kusina kung saan sinimulan niyang halungkatin ang cup boards ko, ang ref, at kumalma na nang makita ang nakasalang na lasagna. "Matagal pa ba 'yan?"
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko kaagad nang makabawi, "Bakit ka may dalang maleta kuya?"
"Oh sino 'yan-ma! Pa!" tila bata niyang saad nang makita ang mommy at daddy sa screen, "Sorry hindi kaagad ako nakatawag."
Mariin ko namang ipinikit ang aking mata at pinakalma ang sarili bago tuluyan ng lumapit sa kaniya at hinwakan ang kaniyang balikat paharap sa'kin, "Ano ba kuya! Hindi mo ba ako naririnig?"
Tinaasan lang naman niya ako ng kilay at sabay kaming napatingin sa screen nang marinig ang kaunting halakhak ng mommy. What's so funny? Ano ba'ng nangyayari?
"Sandro anak, huwag mo ng asarin ang kapatid mo. Go tell her the news." Mom said to Kuya.
Anong news? News na naman? Why are they suddenly like this? Marahan naman akong umupo sa upuan habang hinihintay ang kuya sa sasabihin na mukhang balak pa talaga akong asarin kasi ayaw pa magsalita.
"Ano?" I raised my brows at him, "Go talk."
He rolled his eyes bago inabot ang baso ng juice ko kanina at marahang uminom roon. Nang-aasar talaga!
"Kuya." Banta ko sa kaniya.
Hindi naman niya ako pinansin at binaba ang baso bago pinunasan ang kaniyang labi gamit ang likod ng kaniyang kamay.
BINABASA MO ANG
The return of the wife. [UNDER REVISION]
RomanceFOR REVISED VERSION: Kindly remove in your library then add again. Selene Avery Figueroa always believed in fairytales when she was little, punong-puno ng pagmamahal ang puso niya. Akala niya noon, lahat ng nababasa at napapanood niya ay magkakatot...