Chapter 13

2.7K 50 4
                                    

Apollo

I tapped the table using my fingers bago muli na namang tumayo para maglakad sa loob ng opisina. It's currently four in the afternoon, Selene should be leaving by now at sinundo siya ng kaibigan niya ayon sa mga bantay sa bahay. I want to be the one to send her off, gusto ko ngang sumama dahil sa "lalakeng" kaibigan na sumundo rito, but her words hunted me. Ayaw niya sa taong mahigpit.

Dinner lang naman iyon Apollo. 

I stared at the clock, frustrated, humihiling na sana kinabukasan na para makita ko na siya kaagad. Marahan kong niluwagan ang necktie ko at pilit na tinititigan ang relo, I feel so suffocated, gusto ko na kaagad umalis rito.

"Hey..."

Mabilis akong napaangat ng tingin at nakita si Amanda na inoobserbahan ako. What the fuck? 

"What are you doing here? Kanina ka pa ba diyan?"

She smiled cunningly before making her way down to the chair in front of my table. She's wearing a very short black dress, halos luwang-luwa ang mga hita nang ipinagkrus ito sa harap ko. I fucking don't have time for this.

"You seem distracted, what's up?"

"Talk or leave." napa-diretso ako ng tayo bago muling bumalik na sa swivel chair ko.

Napansin ko naman kaagad ang pag-tabang ng kaniyang mukha nang lagpasan ko ang nakahandusay niyang mga binti. Kahit walang gana ay pinilit ko ang sarili kong tingnan ang mga papeles na kaharap kaysa kausapin ang babaeng 'to.

She cleared her throat.

"I'm guessing you're stressed because Selene is with another man right now?" 

And I was defeated. That easily. Mabilis ko siyang inangat ng tingin at nakitang matamis na siyang nakangiti muli.

"Anong ipinaparating mo?" matigas kong tanong.

"Nothing! ikaw naman..." she chuckled, "I just realized seloso ka nga pala, and I saw her earlier sa Mary Grace, may kasamang lalake, bumibili rin ng pastries."

Halos mabasag ang ngipin ko sa diin ng pagkakapatong, I laid back trying to calm myself, I can't let her get in my mind again, she's cunning and deceitful.

"Leave."

"Come on Apollo, loosen up." She chuckled like she still thinks it's funny. "I'm just saying, kung hindi naman pala siya nagbago--"

"Shut up."

"Then you're throwing away me and Nathan. Your real family--fuck!"

"I said fucking shut up!" gigil kong sigaw at ibinato ang cellphone ko sa sahig na kaharap niya kaya napaigtad siya. Tangina. Tila naalarma naman ang sekretarya ko dahil nakabukas na ang pintuan ng opisina ko but I couldn't care less. "When the right time comes, mag-uusap kami, kung tutuusin hindi na kailangan, I know you're a fraud, but I want to hear it in my wife's words at kapag napatunayan kong kasinungalingan lang ang lahat ng mga pinakita mong ebidensya sa akin, sa mga kwento, at sa mga pakulo mo. I'll take my son away from you and you won't stand a chance of seeing us or being near us. Mark my words."

Duon ay biglaan siyang namutla. Tumikhim ang aking sikreterya kaya naman napabaling ako ng tingin rito.

"Narito na po sa labas si Attorney Aguirre."

"Send him in." malamig kong sagot at nilingon si Amanda, "You may leave."

Natanaw ko kaagad ang bulto ni Aguirre na papasok na ng aking opisina. Amanda cleared her throat bago tumayo na.

"Nathan and I will be expecting you tonight." mariin niyang sagot.

Hindi ko na siya tiningnan pa dahil alam ko naman na pupunta ako. She stood up and walked pass Aguirre who is now looking back at me and Amanda. Now, I have to deal with this fucker too. Tumikhim ito bago mayabang na tumuloy papasok ng aking opisina. He didn't even need to be welcomed as he sat his ass on the couch.

The return of the wife. [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon