Chapter 2:
Nasa kotse na ko at sinimulan na itong paandarin pauwi sa apartment. Hayss buti naman natapos ko na yung limang sketches ko dun sa room at may kailangan pa kong tapusing lima pa ulit sa bahay, at least lima na lang.. sampu kasi kailangan dahil sa sampung iyon dun kami pipili ng tatlong tatahiin namin at ipre-present sa university at dahil top student ako nage-expect sila ng maganda. Kita niyo kahit tatlo lang yung gagawin kailangan sampu ng sketches na magawa mo! Pambihira talaga sila,lakas tama!
Pagkababa ko ng kotse nakaramdam ako ng lamig dahil na rin siguro sa palda na suot ko, ang ikli kasi! Pinapantayan ata nila mga taga japan kung makapag palda eh! Pero I find it cute naman kasi nagmumukha akong matangkad, masyadong kasing revealing yung mga hita ko eh. Then tinernohan ng long sleeves na pangitaas. Buti na lang at ma aga aga pa akong nakauwi ng mga ganitong oras! Hihihihi^_^
Tutulungan kong magluto si Sheena! Panigurado nagsisimula na yung magluto...Nagenter na ko ng passcode at pumasok na rin agad.. pagsara ko ng pinto nakarinig na agad ako ng mga tawanan sa sala namin.. ahmmm bakit parang masyadong manly yung mga tawa? Lalaki na ba ngayon mga kaibigan ko?.. naglakad na ko papasok at nang nakita ko na kung sino sino sila ay natahimik din sila.. yung isa nagulat, may nagtaka, at Pfft! Mukhang na-amuse na makakita ng babae.! Well I must said, lahat sila gwapo! As in gwapo/wafuu/pogi/handsome! Okay cut that! Ngayon lang ulit ako nagdescribe nang isang lalaki.. hindi babae pero isang lalaki! Kailan ka pa humanga sa mga lalaki hah kylie! Kailan pa!!!
"Kylenggg!"-sigaw ni Sheena na mukhang nasa kusina, naputol ang pagtitig ko sa mga lalaki dahil napabaling ako sa aking kaibigan. Whooo! Buti na lang tinawag niya ko dahil kung hindi baka mukha na kong shunga dun dahil sa pagtitig!
"Ahhmmm.. Shengg bakit may mga lalaki dito sa apartment??"- bulong ko na sakto lang para marinig niya.
"Ahh.. yun ba! Diba sinabi ko sayo na magtu-tutor ako, yung tatlong nagtatawanan yun yung mga tinuturuan ko then yung isang feel at home na makaupo.. eh barkada niya yung tatlo kaya sinamahan niya dito.."-paliwanag niya.. ahh so, sila pala ang mga tinuturuan niya!
"Bakit andito pa sila? 7 pm na ng gabi! Grabe naman kayo mag aral."-sabi ko, habang tinutulungan siyang tapusin ang mga niluluto niya..
"Ano ka ba! Niyaya ko sila na dito na mag hapunan, pinagmalaki ko kasi na masarap ako magluto eh! Heheheh ^_^"- sabi niya sakin.. ahh kaya pala, pero ano ba yan ngayon lang kami may makakasabay na kumain at mga lalaki pa!
"Uyyy tinitignan ka ni Sebastian oh~"- bigla niyang sabi kaya napatingin ako sa mga lalaki sa sala at totoo nga nakatingin sa akin yung feel at home kuno' na lalaki. Nang makita niyang nahuli ko siya, nagiwas siya nang tingin bigla. Anong problema nun?
"Shengg, bihis muna ako ahh! Ikaw na bahala dyan.. bababa na lang ako maya maya pag kakain na :) "-paalam ko sa kanya at tumango naman ito, kinuha ko na yung mga gamit kong ipinatong ko sa upuan at naglakad na papuntang hagdanan.. habang paakyat naramdaman ko ang mga pares ng matang tumititig sakin sa likod. Wait mali ata yung tanong ko kanina dapat pala.. Anong problema nila sa akin?
Nagbihis na ko ng pambahay, maong short at long sleeves na damit inspired by stitch <3 love ko talaga ang cartoon na yun favorite ko rin kasi ang color blue! Bumaba na ko ng hagdan ng naka poker face lang, tsk! Hindi talaga ako sanay na may lalaki dito sa apartment ngayon.. hayss!
"Oh tara na kylenggg! Kain na tayo..!"- tiningnan ko naman si Venice na may nakakalokong ngiti, alam niya kasing iritable talaga ako sa mga lalaki..
"Tara wag na kayong mahiya! Kain na tayo, umupo na kayo dyan!"-Sheena said na halatang excited makasabay ng dinner yung mga kaklase niya.
Nagsiupo na kami at nasa gitna ako ni Venice at nung lalaking Sebastian daw yung pangalan, hinayaan ko na lang tutal wala naman ako pakialam sa kanila basta makakain ako tapos!
"Sheena pwede ba namin malaman yung pangalan ng isa niyo pang kaibigan ni Venice"- sabi nung isa sa mga gwapo kanina, ohh so ako na lang pala hindi nila kilala, sabagay dun din naman nagaaral si Venice kaya hindi malabong magkakakilala ang mag schoolmates. Hindi ko man sila tinitingnan pero naririnig ko naman sila.
"Ahh, oo nga pala! Guys siya si Kylie kaibigan namin, tatlo kami dito sa apartment :)"-pakilala sa akin ni Sheena
Nagangat ako nang tingin at pasimpleng ngumiti sa kanilang lahat, nararamdaman ko naman sa gilid ko si Venice na nagpipigil ng tawa! Nakuuu itong babaeng toh, tinamaan nanaman!
"Kylie, ito si Nick, yung mukhang unggoy sa tabi ni Nick, ay si Felix, tapos katabi ni Felix the monkey si Macky..."- pakilala ni Sheena sa tatlo, kumaway naman sila sa akin at sinuklian ko naman ng simpleng pagngiti... ako lang ba o talagang may something si Shengg namin at nung Felix, grabe maka okray eh.!
"Kylie si Sebastian nga pala!"-sabi nilang sabay sabay, at eto na po hindi na napigilan ni Venice at humagalpak na siya sa tawa! Tiningnan ko lang siya na 'what-the-hell-are-you-doing?' Look.
"Ahhmm.. ingat ka diyan Kylie masyadong gwapo yan eh.!"- sabi nung Nick sa akin halatang nagpipigil na din ng tawa maski yung dalawa pa nilang kasama.. Naramdaman ko naman yung masamang awra sa gilid ko at bigla nalang nagsi ayusan yung tatlong lalaki.. siguro ay sinamaan ng tingin nitong Sebastian.
"Tutal magkakakilala nanaman tayong lahat! Punta kayong tatlo sa birthday ko ah!"-all smile na sabi ni Felix mukhang excited siya sa birthday niya ahh..
"Ayy hectic sched namin eh! Kailan ba yang burol mo boots?"- sagot ni Sheena na halatang nangaasar... Pffft! Bagay sila <3
"Tsk! Bawal mga hayop dun balik ka nalang sa zoo.!"- sabi naman ni Felix, I feel the spark talaga mukhang magkaka boylet nanaman si Shengg namin ahh ^_^
"Tsk! Palibhasa bawal ibang lahi dun, unggoy lang pwede!"-sagot nanaman ni Sheena, hindi na talaga mapigilan ang pagtawa..
"Uyyy chill lang kayong dalawa! Mamaya na kayo mag lambingan Pffft!."-awat nung Nick sa kanila, kung hindi niya siguro pinigilan yung dalawa baka sila na lang ang magbangayan hanggang makatapos kami ng pagkain.
"Sira ulo/ulul!"-sagot nilang dalawa, bigla naman silang nagkatinginan at sabay ding nagiwas ng tingin sa isat isa hindi nakaligtas sa akin yung pagba-blush ni Shenggg ahh..
"Kylie punta ka ahh! Formal yung party kaya ipabibigy ko na lang kay Venice yung invitation :)"- pagiiba ni Felix sa usapan upang mawala yung awkward na feeling dito sa dining room.
"Ahh.. sure :)"- maikling sagot ko at ngumiti, nakita kong ngumiti silang tatlo ngunit hindi sa akin ang atensyon kundi sa aking katabi na Sebastian.
YOU ARE READING
Unpredictable Connection
RomanceShe: He reminds me of sky- Infinte,far and high, And still I try to catch it.. _what a waste of try. He: When I look at the sea, It reminds of her to me, And still I swim even though I dont know how.. _a sure way to die.