Chapter 17:
Huminga ako ng malalim dahil finally I'm home. Maghahapon na ng makarating ako dito at paniguradong nasa loob na sila.
"Oh my gosh!" I heard Sheena gasped
"Where have you been this past few days?" Sunod na sabi naman ni Venice halatang inoobserbahan ako kung anong kalokohan ang ginawa ko.
"Chillax lang kayo pwede? Well.. nakila mama lang ako, umuwi ako sa bahay." Palusot ko sa kanila.
"Myghad ka! Akala namin nakipagtanan ka na kay Sebastian, aba eh kahit naman kalahi yun ni adan dapat di ka pa rin basta basta papauto noh!" Pangaral ni Sheena, lokarit din toh minsan eh. Paano naman nasali si Sebastian sa pagalis ko.
Aist. Naalala ko tuloy nung bago ako umalis para sa misyon, sa kanya lang ako nagpaalam at striktong patnubay at gabay ng aso sa bahay na ang mga sumunod na happenings. Urgh!
"Oh my ghad ka talaga!! Anyare sa hair mo teng girl?!" Pansin nanaman sa akin ni Sheena at talagang lumapit pa sa kinatatayuan ko at hinawakan ang buhok ko.
"I just.. dyed my hair." Nagaalangan kong sagot, actually pambawi ko ito sa kanilang dalawa para naman di na ako ma-interrogate tungkol sa kung saan ako napadpad ng higit isang linggo.
"It suits you bebe." Kumento ni Venice habang tumatango tango pa.
Napangiti naman ako dahil dun, aba'y syempre dapat lang! Dalawang oras din ang itinambay ko sa salon para dyan noh.
"Blue color suits you very well kylenggg." Pagsang-ayon din ni Sheena.
"Aynaku! Tama na mamaya pumangit bigla dahil pinapansin niyo ng pinapansin ee." Sabi ko at dumiretso sa kusina.
I'm starving to death. Wala pa akong kain simula kanina, kahit naman diet ako eh di naman ako ganon ka obsesse pumayat and let me clarify terms, gusto kong sumexy hindi maging buto.
Subo,nguya,lunok. Paulit ulit, nakafocus lang ako sa pagkaing nasa harapan ko ng biglang..
"Mukhang gutom na gutom ka ah, san ka ba talaga galing hah kylenggg?" Puna nanaman ni Sheena, kahit kailan talaga napaka chismosa nento.
"Kila mama nga, bumisita. At sino ba naman ang hindi magugutom eh ang haba ng byahe partida traffic pa." Defensive na sabi ko.
"Oh so nagbakasyon ka dun kahit may pasok? May emergency ba sa inyo?" Gatong ni Venice, at eto na nga po mga kaigan. Nagsisimula na silang magimbistiga, haist.
Wala akong nagawa kundi ang magstory telling ng mga imaginary na nagyari sa'kin. At nang mag gabi dun lang nila ako tinantanan, grabe wala pa akong pahinga! I wonder kung ano nang hitsura ng pagmumukha ko.
Iniwan ko muna sila sa kusina at umakyat patungo sa aking kwarto. Pumasok bigla sa isip ko yung pitong di kilalang lalaki na nagiispiya samin kagabi.
At dahil dun inilabas ko ang ipad na ibinigay sa akin ni Valean bago kami maghiwalay kagabi. Hhmmm...
Wala namang interesanting bagay akong nakita pinasadya niya ata talaga ito para lang maging guide ko kung asan na yung nilagyan ko ng maliit na tracking device sa pinakalaylayan ng coat para hindi mahalata.
Tiningnan ko kung saan ang exact location ng tukmol... Nectar bar ?
Hhmmm... ano kaya magandang plano? Mahilig siyang magbar? Baka fuck boy toh.*ting*
Tumayo ako mula sa kama at hinanap ang cellphone ko sa drawer. I dialed someone I know who can help me.
YOU ARE READING
Unpredictable Connection
RomansaShe: He reminds me of sky- Infinte,far and high, And still I try to catch it.. _what a waste of try. He: When I look at the sea, It reminds of her to me, And still I swim even though I dont know how.. _a sure way to die.