Chapter 11:
"Ano nanaman?! Sabing ikaw magdrive eh!"- narinig kong sigaw ni Sunset (Aries ) pagbungad pa lamang namin sa parking lot nitong HQ.
"No! I dont want, bago yung nail polish ko baka masira!"- sagot ni Firie (Cancer). Kahit kailan talaga hindi magkakasundo ang dalawang yan sa mga simpleng bagay.
We're now heading to SNU. Kasama ko na silang apat dala ang mga kakailanganin namin at syempre naka uniform na kami.
Sila Sunset at Firie ang nautusang ihatid kami, trip talaga ni Kitty na pagsamahin ang dalawang toh siguro dahil hindi madalas magkasundo laging maingay. Magkapantay na kami ng ingay pag pinagsama sila.
Firie or i must say Cancer provides accommodation and the getaway cars. Tuwing may mga transactions laging siya ang may kapangyarihang makakuha ng iba't ibang klase ng kotse, mapa vintage or sports cars.
Sa kanya galing ang aking baby ngayon, Nasuhulan ko kasi eh!At syempre marunong din siyang magnakaw ng mga sasakyan sa daan but for emergency purposes only. Ewan ko ba kung paano siya naging mahusay pagdating sa mga sasakyan, minsan mamamangha ka na lang sa kanya at magugulat kung nagpapamigay siya ng iba't ibang klase ng kotse na hindi talaga biro ang presyo!
Kapag kailangan na talagang tumakas o kaya naman kapag natripan lang namin kukuha na lang kami basta, wag lang magpapahuli kay Kitty lagot kami dun eh.
"Stop it, aga aga nagsasabong nanaman kayo!"-saway ni Scarlet (Aquarius )
"Rinig na namin bangayan niyo mula dun, halatang nakakain kayo ng madami eh."-gatong naman ni Valean (Virgo )
"Full tank sila ngayon! Nakainom ng milo, walang energy gap."-pangangasar ni Shasha (Scorpio)
"Hahahah!"- sabay sabay na lang kaming natawa sa sariling mga kalokohan.
"I'll drive the car."-pagako ni Shasha sa pagmamaneho.
"Sa Range Rover ko na lang tayo."- i said, madalang ko na lang kasi magamit yun namiss ko bigla yang baby ko baka magtampo na eh.
"Sigee!"-pagsangayon nila
"Fine, ako na magda-drive. Besides kami naman ang inutusan ni Leo na maghatid sa inyo dun."- Aries said. Haist. Buti na naman at may nagparaya na sa kanila, nakita ko namang ngumiti na ng malapad si Firie at ikinawit ang kanyang kamay sa mga braso ni Sunset.
"Aylabyu beshie!"- anito
"Get off me! Baliw ka talaga."-pailing iling na sabi na lang ni Sunset dito, Aries starts every single war. Kaya hands on kami to take control pag dating sa kanya. She has this strong personality and a really stubborn traits you've definitely get pissed off.
"Teka! Kasya ba tayo dyan? Anim kaya tayo ngayon."-sabi ni Valean
"Yes, wala namang mataba sa atin ee. Im sure kasya pwet natin dyang apat sa likod."- i said, and they just nod at me.
Si Sunset at Firie lang ang nakasuot ngayon ng contact lense dahil hindi naman sila kasali sa mission. Habang kami ay nasa disguised mode na namin.
Kita sa mata ni Aries ang eyes of flames at kulay Coral katulad ng kay Scorpio dahil pareho sila ng birthstone. Habang si Cancer naman ay mayroong eyes of moonlight, kulay ng isang Pearl ito dahil yun ang birthstone niya.
Mahirap mang isipin na may ganoong mga klase ng eyeballs kami ay.. wag niyo na lang isipin para hindi kayo mahirapan. Sandyang konektado lang talaga ito sa mga zodiac signs naming labing dalawa at gusto ni headmistress na makilala kami sa kakaibang paraan at hindi lang dahil sa kakayahan namin.
"Andito na tayo, handa na ba lahat ng gamit?"-i asked
"Check na check!"- sagot ni Valean
"Kailangan ba talaga ganito hitsura natin sa loob ng isang linggo?!"-reklamo ni Shasha.. i really thought na may magrereklamo..
Sa Architecture Department ako at si Valean dahil yun ang napili naming course para dito, nag disguise ako bilang isang nerd para less pansinin. Hindi naman ata basta basta naghahanap ng away mga tao dito eh at si Valean bilang isang typical na magaaral kung titingnan sa unang tingin mukha siyang may ibubuga at mayroon din kahinaan.
Si Scarlet at Shasha naman sa BusinessAd Department na naka disguise na parang isang filthy rich bitches, sa unang tingin parang gusto mo ng itago ang mga boyfriend niyo dahil tiyak na maaagaw nila.
"Just stick to the plan.. pare-pareho lang tayong hindi komportable dito noh!"- ani Scarlet habang inaayos ang kanyang uniporme.
"Yeah right, tiis tiis muna tayo mga friend! Kapag natapos natin ng maaga pwede naman na tayong umalis."-i said, maski ako hindi ako komportable sadyang kailangan naming magpanggap na mga normal na estudyante dito o should i say na normal sa mata ng mga estudyante dito sa SNU.
"Scorpio and Aquarius will go ahead first.. para hindi tayo agaw pansin."-i command
"Okay! Lets get it on!"-sabi ni Shasha at bumaba na ng sasakyan kasunod niya si Scarlet. Naiwan kaming apat sa loob ng kotse at naghintay pa ng mga ilang minuto bago bumaba at sumunod sa loob ng university.
Nagpaalam na kami kila Firie at Sunset, na agad din namang umalis.
--- Unknown's Point of View---
"Hello headmistress, what can i do for you?"-i asked, i just answer this phone call from unregistered number and im a bit surprised when she introduced herself as the headmistress.
"I already send to your school the four of the Zodiacs, Try to figure who they are."
"Kailan pa sila nakapasok?!"- tanong ko, i hear the fast beating of my heart because of the news. Hindi ko ito inaasahan, panigurado akong may malalaman na hindi dapat ang mga Zodiacs na ito sa paaralang limang taon ko ng pinangangalagaan.
"You'll find out if you scan the log book of you're own school, Sir Montefalcon."
"You-- what do you want to figure out from my school, huh?"-i said already lost my temper.
"Please take good care of my children they might bite everyone there, And also i just want to know about your school's little secret from the past."
Damn! I knew it, they want to ruin everything i keep from the past 5 years! Hindi na ako sumagot sa huli niyang sinabi dahil pinatay niya na ito. Hindi ko hahayaang makakuha ng kahit isang katiting na impormasyon ang miyembro ng Zodiacs na iyon!
I call the SSC officers for an urgent meeting, kailangan ng mahigpit na pagbabantay sa mga estudyante dito sa loob ng paaralan..
"What is it all about sir?"-asked by the supreme student president, isa siya sa lubos kong pinagkakatiwalaan dito sa paaralan ko dahil malaki ang silbi niya para mapanatiling walang namamatay sa mga estudyante ko kung may mga away na nagaganap.
He has these kind of aura all over him which is really intimidating and screams power. Siya ang pinakakinatatakutan ng mga magaaral at ang pinakakinahuhumalingan din ng mga babaeng estudyante dito.
Isa ako sa mga head na lumabag ng batas ni headmistress dahil ipinaalam ko sa buong SSC officers at mga faculty teachers ang tungkol sa pribadong grupo na Zodiacs.
Tinapatan ko ang seryosong titig niya at huminga ng malalim.. kailangan na naming maghanda dahil ayokong masira ang paaralang matagal ko ng inaalagaan..
"Andito na sa loob ng paaralan ang mga Zodiacs.."
-------
PantasaniLykatot
YOU ARE READING
Unpredictable Connection
RomanceShe: He reminds me of sky- Infinte,far and high, And still I try to catch it.. _what a waste of try. He: When I look at the sea, It reminds of her to me, And still I swim even though I dont know how.. _a sure way to die.