Chapter 15:
Dinala ako ng mga paa ko sa tapat ng music room at hindi na ako nagtataka kung may mas mga nauna na sa akin dito dahil sa dami ng estudyante.
Ang iba ay umiiyak na, nagulat, nahimatay, at mga nagbubulung bulungan dahil sa nakikita nila ngayon, Sino ba namang hindi mawiwindang sa sitwasyon ngayon.
Isang babaeng nakahandusay malapit sa grand piano at naliligo sa sarili niyang dugo, poor girl. Ano kayang kasalanan nito, lumapit ako upang mas makita ang mukha ng babae at...
"Dagger...."bulong ko sa hangin, yun ang ginamit ng suspect base sa lalim ng hiwa sa kanyang leeg. Grabe ito dahil halos nangalahati ang pagkakahiwa, kaya pala marami ang dugong nagkalat.
Di din nakalusot sa aking paningin ang pasa sa kanyang palapulsuhan na halatang dahil sa mahigpit na hawak at ang kwintas na agad kong kinuha ng walang nakapapansin. Ilang minuto ko pa tinitigan ang babae...
"Miss umalis po muna kayo malapit sa patay."-utos sa akin ng isang pulis tsaka ko lang namataan na andito na pala ang soco team, ambulance, at mga pulis upang imbistigahan ang nasabing patay.
Hindi na ako nagaksaya ng oras at agad na umalis sa pinangyarihan habang hawak ko ng mahigpit ang kwintas galing sa babaeng nakahandusay.
Naglalakad na ako pabalik sa room namin ng biglang may bumunggo nanaman sa'kin, sandali nga ano bang meron ngayong araw at lagi akong nakakabunggo ng mga mortal?
'Wow parang di ka mortal ah' sabi ng kaibuturan ko.Napahinto ako ng mapagtanto kung si Valean pala ito..
"Why?"-i asked, she looked at me like theirs something bothering her, And it makes me more curious."We need to hurry up, may namatay na.. malala na ito.."-she said then leave, i know, Valean, i know.
Naghanda na ako ng iba pa naming gagamitin para sa paghuli kay Hector. Pasalamat siya at napagdesisyonang hulihin lang siya at inutos ni headmistress na kapag nanlaban ay tsaka lang namin pwedeng saktan at hangga't maaari ay huwag mapatay dahil marami siyang kailangang ipaliwanag sa mga pulisya..
Hindi naman sakin big deal yun pero sayang naman kung walang action, kaya kailangan niyang manlaban para makapatay naman kami ay sila lang pala nakalimutan ko di ko pala kayang pumatay. Hahahaha.
Concern ako para kila Shasha feeling ko kasi hindi sila nakokontento hangga't hindi nakakapatay ng masamang tao. Haist.
"I hacked the cctv all around this whole damn university and it last 2 hours from now." Sabi ni Valean habang nagsusuot na ng kanyang long coat. "Cool, enough time to finish this job." I said and a devilish smile crept into my face. Its about time baby, rock'n roll.
Papalabas na kaming dalawa ni Valean sa University ng nakita ko na ang walo pa naming kasamahan sa Zodiacs, nice andito na pala sila ee. Nakakalat sila sa paligid upang walang makapansin.
Naiwan sa loob sila Aquarius at Scorpio na paniguradong handa na. Nilapitan ko si Kitty na nasa likod ng malaking puno.
"Okay na ang lahat, just listen to your earphone we're on the line. We'll guide you when you already entered." I said and she gave me a nod.
Sumunod na ako sa loob ng van, 10 meters away from SNU.
"Oh fuck!"- Valean cursed, prenteng nakaupo na sia at kaharap na ng limang monitor.
"Cancer at your left side!"aniya. Napabaling ako sa isang screen kung saan niya nakita si Firie..."What the heck saan nanggaling ang mga ulupong na yan?!"-kumento ko at napaupo na rin sa katabing upuan. Napalingon sa akin si Valean at sinamaan ako ng tingin. "Tsk! Antagal mo, tumulong ka dito."
"Sorry naman, ang layo kaya ng van."paliwanag ko at nag peace sign, sinuot ka na rin ang earphone sa aking tainga.
Bigla akong na tense dahil sa sunod sunod na mura galing sa kanila mula loob halatang napapalaban. Paano ba naman, biglang may mga nakaitim na lalaki ang nasa loob din ng unibersidad.
Mukhang nakapaghanda na si Hector sa mga posibleng mangyayari. Psh, akala mo naman talaga.
Tumingin ako sa kaharap kong monitor at nakita na magkakahiwalay ang Zodiacs, si Amethyst (Capricorn), at si Tan (Pisces) ay tinutulungang makalabas ng building ang mga inosenteng estudyante habang ang magkambal na si Sunrise (Libra) at Sunset (Aries) ay nilalabanan na ang limang armadong lalaki na gamit lamang ang kanilang mga kamao at malalakas na sipa, kung hindi ako nagkakamali ay sa first floor yun nang Hrm building.
Wala pa namang kailangang balaan sa kanila dahil lahat sila ay mukhang handang handa, hanggang sa napatingin ako kay Aloe (Taurus) na magisang nakikipag laban sa sunod sunod na dumarating na lalaki sa kanyang dadaanan.
Shit! Si Hector!
"Taurus sa likod mo!"-sigaw ko bigla, naalerto naman siya at napabaling sa sinabi kong direksyon.
May hawak na baril si Hector at nakatutok ito sa kanya, agad naman siyang dumapa at ang lalaking kupal ang natamaan. Napangisi at napailing na lang ako.
"Thanks!" I heared her say, Oh Well.
"On what floor will I get to find the book?" Ani Kitty (Leo), kinuha ko sa back pack ko ang floor plan at sinabi kay Kitty kung saang lokasyon iyon.
Binalikan ko ng tingin kung saan andun si Aloe at nakahinga ng makitang nakalayo siya kay Hector matapos nito magpaputok.
Di pa ito ang tamang oras para kay Hector sisiguruhin muna naming siya na lang ang natitira sa loob nang pinakamamahal niyang unibersidad bago namin siya harapin at pagbayarin.
Lahat sila ay nakikipaglaban at inuunang isalba ang mga estudyante, habang kaming dalawa naman ni Valean ay tinutulangan silang alamin kung saang direksyon sila dapat dumaan at kung saan walang sabit.
May nakaabang na mga sasakyan sa labas na maghahatid sa mga estudyante sa kani-kanilang tahanan kung kaya't hindi sila madadamay sa gulo. Nang malapit nang maubos ang mga tao sa loob ay doon na kumilos ang Zodiacs upang hanapin ang isa't isa.
"I think you should go inside, Ako ng bahala dito."ani Valean sa seryosong boses, aist. Kinabahan ako dun ahh.
Hinanda ko na ang sarili ko, chineck kung nasa tamang position na ang mga syringe sa loob ng coat ko at ang dagger sa magkabilaang boots na suot mo.
"I'm ready." Sabi ko at sinuot na ang hood na magiging tabing sa aking ulo, sinimulan ko ng paganahin ang aking six sense.
"Good, now go." Ani Valean, eto na nga oh.
-------
PantasaniLykatot
YOU ARE READING
Unpredictable Connection
RomanceShe: He reminds me of sky- Infinte,far and high, And still I try to catch it.. _what a waste of try. He: When I look at the sea, It reminds of her to me, And still I swim even though I dont know how.. _a sure way to die.