Elementary Days....
September 9, 1999 (Thursday)
Dear Bestie,
Kamusta ka na diyan?? One week ka pa lang nakakaalis pero sobrang miss na kita. Balitaan mo naman ako pag-nabasa mo itong email ko sayo. Ayan ha tumutupad ako sa usapan natin, Sana ikaw din. Ikaw lang Bestie ko kaya dapat ako lang din yung Best mo (^_~). Maliwanag ba yun Nico?? kung hindi lagot ka sakin isusumbong kita kay Tita. Hmft!!
Naalala mo si Philip? Yung crush ko sa section 2!. Ayoko na dun. . .Kasi Bestie nalaman kong may nililigawan na siyang iba. . . Tapos classmate ko pa si Charmaine..
Nalulungkot ako bestie.. Sabagay maganda siya at matalino. . At gusto nila ang isat-isa :'(. Alam mo pumupunta lagi si philip sa room nagpapalitan na kasi sila ng sulat e.
Ikaw?? kamusta dyan?? marami bang maganda at gwapo dyan?? may mga friends ka na ba??
Ingat ka lagi Bestie!! I miss you!!
Your Best
Mica
Yan ang nabasa kong email ni Mica. Lokaret talaga yun. Ewan ko ba bakit ung Philip na yun pa naging crush niya. E ngiting aso yun e, ang laki ng nguso. Di hamak na mas gwapo ko dun.
Tuwing alas otso nag-eemail si Mica. Maaga kasi matulog yun e. Hindi sa gusto niya kundi pinapatulog siya nila tita. Only child kasi kaya alagang alaga. Akala naman nila natutulog talaga ng maaga ang kanilang munting prinsesa.. Pero eto nag-pupuyat nakakapag-email pa nga sakin e. Ginawa na kong Diary.
Ayos lang naman sakin na sabihin niyang lahat ng nararamdaman niya. Kung anong ginagawa niya sa araw- araw, hindi ata ako magsasawang magbasa ng lahat ng saloobin niya. Nahihirapan lang ako kasi habang tumatagal pakiramdam ko lalo kong namimiss ang Bestfriend ko.
Lampa pa naman yun at iyakin.. matapang siya sa harap ng iba pero kapag kami na lang dalawa dun niya na nilalabas lahat ng luha niya. Lahat ng tinatago niyang sakit, lungkot o kung ano pang nararamdaman niya masyado kasing emotional e. Hahaha ganyan ata lahat ng babae.
Agad kong sinagot ang email ni Mica...
Dear Beast Mica,
Oh! wag mo sabihing ngumangawa ka nanaman diyan. Ganyan ka pag-nalulungkot e. Tigilan mo nga yan at ang panget mo!! nakikinita ko na yung uhog mong tumutulo. Yucks!!
Saka ano bang nagustuhan mo dun sa Philip na yun??? E mas gwapo pa ko dun ng isang daang paligo e. Mukhang aso kaya yun.. Bagay lang sila nung Charmaine na yun.. Tanggapin mo na lang kasi na wala ng magkakagusto pa sayo Beast!! Hahahahaha
Ayos lang ako dito. Oo may Gwapo dito dumating na ko e. Hahahahaha pinagkaguluhan nga ko nung pasukan e. Hahahahaha
Hoy ikaw umayos ka diyan ha!! Mag-aral kang mabuti di yung puro crush inaatupag mo. Wala ako diyan para tignan ka palagi..
Nagkakaintindihn ba tayo?? Sana maintidihan mo Micatok ka pa naman. HAHAHAHAHAHA!!
O siya matulog ka na lalo kang di lalaki niyan e..
Good night Beast!!! XD
Your Super Gwapong Bestie
Nico (-_-)zzzzz
December 6, 1999 (Monday)
Hi Bestie!!
May Kwento ko ngayon!! Alam mo may bago na kong crush!! At mas Pogi pa kay Philip Kyaaaah!!!! Section 5 siya Bestie. Ewan ko kung kilala mo yun.. Ngayon ko lang din nakita yun e..
Antagal ko na dito nag-aral since grade 3 pa pero ngayon ko lang siya nakita, baka transferee.. Wala lang.. napansin ko lang siya.. ang neat kasi nya Mico di tulad mong dugyutin hahahaha pero kidding aside bestie neat siya talagang tignan at ang galing magdala ng damit. Uniform lang naman yung suot niya... Wala e anlakas ng dating Hahahaha.
Ansaya ko!! tinignan niya kasi ko kanina e.. pero mukhang suplado ang lolo mo. Pero Ok lang yun Bestie parang pa-mystirious type e.. Hehehehe
Oh pano matutulog na ko!! Masarap matulog ngayon malamig e.
Good Night Panget!!
Mica
Masayang masaya si Mica sa email niya ramdam ko hanggang dito yung saya niya e. Masaya din naman ako para sa kanya may inspirasyon na ulit siyang mag-aral at hindi na siya malulungkot dahil sa Philip na yun. Kaso ewan ko ba may part sakin na nalulungkot?? Parang naiingit ako na hindi mawari.. Dahil ba ang ikli ng message niya?? At Himalang matutulog na agad, samantalang dati nakikipag-asaran pa muna sakin yun bago matulog. Para kasing bata yun na gustong kinikwentuhan, yung tipong pinaghehele mo pa.. Haist!! Yung babaeng yun talaga tatanda ko ng maaga nito e pinag-iisip akong masyado..
Hay ewan ko! ayoko ng mag-isip. Baka napagod lang ako sa school kanina. . .
Nagreply pa din ako sa email ni Mica...
Ok Mica! Good Night!
Nico
Ganun lang talaga kailkli ang sinagot ko. Wala sa mood e..
Sa susunod na lang ako babawi sa kanya. Sa aming dalawa naman ako lang yung palaging nakikinig. Pinalaki kasi ako na dapat magparaya at mag-alaga kay Mica. Para na kaming mag-kapatid niyan pero ayaw ko siyang maging kapatid. Hindi ko gustong maging kapatid niya, ewan ko kung bakit basta hindi ko gusto ang isiping magiging kapatid ko siya.
Mas matanda ako kay Mica ng limang taon. Matalik na magkaibigan ang mga magulang namin, kaya lumaki kami at nagkaisip ng magkasama. Isip bata yan si Mica, napaka daldal at napaka-transparent niya. Alam mo agad kung ano ang nararamdaman at iniisip. Ang bilis din magbago ng mood niyan ewan ko ba kung uto-uto siya o sadyang mababaw lang ang kaligayahan niya.
Namimiss ko na ang makulit na si Mica kaso wala naman akong magagawa e kahit gustuhin ko mang umuwi don para makasama siya hindi pwede. Sila Mommy pa din ang masusunod, Nagka-problema kasi sa business namin dito kaya dapat matutukan ni Dad and Mom para tuluyan kaming makabangon sa malapit na nitong pagbagsak. Masyado kasi silang naging tiwala at hindi namalayang unti-unti ng nalulugi ang negosyo.
Nasa last year of Lower secondary level na ko dito sa Italy, We focused on studying Italian secondary langguage other than english like German, Spanish and French. We also study about Technology, arts, music and physical education. Kaya sobrang busy ko ngayon at pagod na pagod na akong dumadating sa bahay. I have to focus para makapasok ako sa Instituto Tecnico Tecnologico (Technological Institute) to take a Business course.
Mga email na lang ni Mica ang libangan ko, Masaya na ko sa bawat email na pinadadala niya sakin. Minsan nga hindi na ako nakakasagot sa sobrang kapaguran at dahil dun nagtatampo si Mica.
Habang tumatagal naguguluhan na ko sa nararamdaman ko sa kanya. Yung tipong lagi mo siyang naiisip?? Kaya ko din atang tumagal maghapon na nakatingin lang sa larawan niya. nababaliw na ata ko dahil nagsasalita pa akong mag-isa habang ginagawa yun.
Sa tuwing magkukwento siya about sa mga crushes niya parang gusto kong lumipad papuntang Pilipinas. Ayoko ko siyang masaktan, gusto ko siyang protektahan sa lahat ng mga lalaki pero handa din akong ibigay sa kanya lahat ng magpapasaya sa kanya kahit na hindi ako magiging masaya dun. Ang hirap iexplain e, ang gulo di ba?? Mahirap to natatakot ako sa nararamdaman ko. Hindi ako to e ako si Nicollo Paulo Avico ay hindi pwedeng maghina para lang kay Micaella Lin San Diego.
BINABASA MO ANG
Best Buddy Diary
RomanceNaranasan nyo na bang magkaron ng taong diary?? Ako kasi oo. sa katauhan ng bestfriend ko. He's my one and only Best Buddy Diary.