Suppression of Feelings

12 1 2
                                    

As time goes by.. lalong naguguluhan ako sa nararamdaman ko para kay Mica. Alam ko hindi lang to basta pagmamahal bilang kaibigan o pagmamahal sa nakababatang kapatid. Nasasaktan ako kapag nasasaktan siya. Kung alam niya lang yung pakiramdam ko habang binabasa ko yung mga email niya. Ansakit na bakit sa iba pa siya nagkakagusto. Dun sa taong sinasaktan siya samantalang ako laging nandito handang makinig sa lahat ng hinaing niya.

Dapat mawala na itong pakiramdam na to. Pipigilan ko to lalo na at alam kong Hindi niya ko magugustuhan. Nakakatandang kapatid at Bestfriend lang tingin niya sakin.

Ayokong mawala siya, ayokong magbago yung pakikitungo niya sakin kaya itatago ko tong nararamdaman ko. Pipilitin ko itong mawala para hindi ako masaktan at manatili ako sa tabi niya kahit bilang kuya at Bestfriend lang. .

*********

First Day at Instituto Tecnico Tecnologico

Sa wakas nakapasok din ako sa eskwelahan na to. Matutupad ko na yung pangarap ng parents ko at pangarap ko din. Gusto ko din kasing pamahalaan ung negosyo namin, parang astig lang na ikaw yung Boss at maraming umaasa sayo kaya kailangan mong maging magaling sa lahat ng bagay. Alam ko stress yun at andaming responsibilidad na nakaatang sa balikat mo pero dun ko din nakikita yung satisfaction na alam kong nakakatulong ako sa marami at sa pamilya ko.

Dumiretso agad ako sa Room namin. Kabisado ko naman kung san ako pupunta, inalam ko na kasi ung room ko nung enrollment. Kampante lang akong naglalakad, papalapit na ako sa pinto ng classroom ng may biglang babaeng bumangga sakin.

TUGSH!!!

" ARAY!! BWISIT NAMAN. HAHARANG HARANG SA DAAN!!" babae

" Anong sabi mo?? ako pa nasabihan ng bwisit ako na nga binangga mo." kalmado kong sabi sa babaeng bumangga sakin.

" Pilipino ka?? Ay!! sorry nabigla lang hehehe anak ng tokwa pilipino pala.." kakamot kamot sa ulong sabi niya, pabulong na lang niyang sinabi yung huling salita pero nadinig ko pa din.

" Miss sa susunod magdahan-dahan ka lang para hindi ka nakakabangga at nakakapanakit sa iba. Isa pa wag kang magsasalita ng masama sa iba lalo na kung hindi nila naiintindihan, Hindi magandang asal yon." sabi ko habang inaabot sa kanya ang mga gamit niya na nalaglag sa sahig.

" Whoa! so pinangangaralan mo na ko! Ok tay hindi na po mauulit! " Nakangiting saad niya at nag-peace sign pa.

Hindi ko na lang pinansin at nagdire-diretso kong pumasok sa loob ng Classroom. Marami-rami na rin ang estudyante sa loob. Luminga-linga ako upang humanap ng upuan, nakakita naman ako sa may kalagitnaan.

Pag-upo ko biglang tumabi sakin yung babaeng nakabunggo sakin sa may pintuan.

" Patabi ha! (^_^) Sorry sa inasal ko kanina. Ako nga pala si Faustine Cianna Albanese. FC for short and you are??" sabay lahad ng kamay niya

" FC ba pangalan mo?? as in FEELING CLOSE???" nangingiti kong tanong

" Hahahaha grabe! makulit ka din pala ah. Yeah! FC as FEELING CLOSE." nakangiting sagot niya sakin.

" Ok mukang nangagawit ka na e. I'm Niccolo Paulo Avico, Nico for short. " Habang inaabot ko ang kamay niya.

" Oh! Hindi ko ata feel ang Nico." nakangiting sabi niya pero malapit ng bumunghalit ng tawa.

" Ha?? Bakit? maganda naman ang pangalan ko a FC! hahahaha ang cute nga parang ako lang. " Biro ko sa kanya

" Nah! Cute daw.. NPA na lang tawag ko sayo Niccolo Paulo Avico. Bwahahahaha!! Parang No permanent address lang hahahahaha " at bumunghalit na nga siya ng tawa. Nagulat pa ko na NPA pala yung Abbreviation ng name ko. Lokong babae to ah.

Marami pa kaming napagkwentuhan ni FC. Tinatawag nya lang akong NPA pag nasa mapang-asar mode siya. Nics ang tawag nya sakin di ba FC talaga hahaha. Ako naman Faust ang tawag sa kanya panu parang hindi babae nababatukan pa ko kung minsan.

Ang kulit nga e kayang sabayan mga pang-aasar ko. Sa wakas nakapili na din ako ng magiging kaibigan dito. Mababawasan na siguro yung pagkahibang ko kay Mica

Sobrang magkaiba sila ni Mica, yun kasi babaeng babae, iyakin. Pakiramdam ko nga anlakas ko kapag kasama ko siya. Ako yung superman niya e at siya yung kryptonite ko.

Samantalang si Faust lagi lang masaya, makulit at kayang tumayo sa sarili niyang mga paa. Nakakahawa tuloy, nagiging masaya na rin ako sa pagdaan ng mga araw..

Palagi kaming magkasama ni Faust, sa skul, sa pamamasyal, sa paggawa ng mga projects best partner kami. Minsan nga tumatambay pa kami sa bahay ng isat-isa. Umaasa ko na sa tulong niya makalimutan ko si Mica na baka maibaling ko sa kanya kahit yung konting pagtingin ko sa kababata ko.

Pero sa tuwing sasapit ang gabi, yung time na magbabasa ko ng mga email ni Mica. Hindi pa rin nababawasan yung nararamdaman ko sa kanya. Nangungulila ako, nakakabakla nga e naluluha pa ko habang tinitignan yung masayang larawan namin. Abot tenga pa yung ngiti ko don dahil sinusungayan ko si Mica samantalang siya nakasimangot at nakanguso pa.

Hindi ko mapigilang mapangiti. Hay! Mica ano bang ginawa mo sakin?? Kung kasama lang kita ngayon yayakapin kitang mahigpit at hahalikan ko yang nguso mo. Sa ngayon magtatyaga muna ko sa larawan mo. .

At matutulog na ko habang nakalagay ang larawang iyon sa ilalim ng unan ko. Umaasa na makasama ko siya kahit sa panaginip lang. . kahit dun lang. . .

*******

Best Buddy DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon