(Mica POV)
Masaya naman ako sa buhay ko. May masaya kong pamilya, nasa akin ang atensyon nila mama at papa ako lang kasi ang nag-iisang anak nila.
Nabibigay lahat ng gusto ko. Nakakapag-aral sa private school with service, at bantay pa ni yaya.
Over protective kasi sakin si mama. Sobrang mahal ako non kaya mahal na mahal ko din naman siya. Si papa naman mabait at masipag, binibigay nya lahat ng gusto namin ni mama. Madalas nga kaming magbonding lalo na pag may free time si papa at hindi masyadong busy sa kompanya.
May ari kasi kami ng isang clothing company, yung mga ready to wear na for first class hanggang pang-masa.
Kaya wag na kayong magtataka kung bakit palaging bago mga damit ko. sa akin lang naman ipinapasuot yung mga bagong designs ni mama.
Isa lang naman yung nakapagbibigay ng lungkot sakin e. Syempre ano pa ba?? Dahil hindi ako napapansin ng mga crushes ko. . sobrang babaw noh?? Hay hayaan na. . hehehe (^_^)7
Pero totoong nakakalungkot naman talaga yun di ba?? Isipin nyo sobrang gusto mo talaga yung tao pero kahit ano pa yung tindi ng nararamdaman mo. Hindi naman nabibigyan ng pansin laging friendzone ka lang madalas dedmazone pa. Ang saklap talaga (!_!)
Buti na lang may bestie ako na nagtya-tyaga sa lahat ng kadramahan ko. Kahit na alam ko naman na naririndi na siya sa paulit-ulit kong pagdadrama sa kanya. Lagi pa rin siyang nandyan para makinig sa mga gusto kong sabihin.
Kaso lately hindi ko na siya masyadong nakakausap e. Hindi ko alam kung sobrang busy siya dun sa italy. Nalungkot talaga ko nung pumunta siya dun para mag-aral, pwede naman dito sa pilipinas bakit kailangang dun pa?? Hindi pa naman ako sanay na malayo siya sakin sanggang dikit ko yun e.
Kaso ano pa bang magagawa ko?? I know its for his future kaya kahit nalulungkot ako na malayo siya sakin nagkakasya na lang ako sa pagkausap sa kanya gabi-gabi through email.
Wala na kong mahihiling sa buhay ko. . well except sa mapansin ni crush hehe (^_^)7. May masayang pamilya, marangyang buhay at the best na bestfriend.
Pero. .
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.Isang araw nagbago lahat biglang nabaligtad. .
Akala ko forever na yun e. Akala ko napakaswerte ko na sa kalagayan ko.
Pero hindi e, nakalimutan ko wala nga pa lang permanente sa mundo. .
Nalugi ang kumpanyang pinaghirapan ni Mama at Papa. Nalulong sa sugal si papa, nagkaron ng maraming utang.
Naibenta ang mga ari-arian namin tanging makina lamang panahi ni mama ang natira. Ginipit kami ng mga nautangan ni Papa hanggang sa hindi na din kinaya ni papa yung nangyari samin. .
Nawala siya sa katinuan. . Si papa na dating tinitingla ng lahat ay pinagti-tsismisan na lang ng mga tao at pinagtatawanan. Yun ang pinaka masakit sa lahat. Ako mismo hindi ko matanggap lalo na si mama.
Wala na kaming kaya para ipagamot pa si papa sa psychiatrist. Alam ko matinding depression ang sanhi kung bakit nagkaganito siya. Ipina-nanalangin ko na lamang ang kalagayan na sana isang araw gumaling at bumalik na sa dati ang papa ko.
Si Mama naman halos gawing umaga ang gabi para lang matustusan ang mga pangangailangan namin. .
Alam ko hirap na siya at pagod na. Wala lang din talaga kong magawa kundi ang mag-aral ng mabuti.
Nalipat ako ng public school, wala ng service at wala ng yaya. Mahirap dahil hindi ito ang nakasanayan ko pero hindi ako nagrereklamo ayoko ng dagdagan pa ang hirap at pagod ni mama.
Graduating na ako sa highschool at wala pa ako sa tamang edad para maghanap buhay. Marahil pagtapos ko ng highschool maaari na kong magtrabaho ng makatulong naman kay mama.
Wala na din yung bahay na kinalakihan ko. Lumipat na kami, nangungupahan na lamang kami sa isang maliit na appartment. Wala na kong sariling computer pati kasi yon naibenta na din e. Hindi na tuloy ako madalas na makakapag-email kay bestie. .
Hindi ko din masabi yung nangyari samin e. Nahihiya ako, ayokong maawa siya sakin.
Ayoko ng maging mahina, kailangan ko ng magpakatatag lalo na at wala siya sa tabi ko hindi ko na din siya palaging makakausap. Wala na kong ibang aasahan kundi ang sarili ko.
Hindi ko alam bakit nangyayari lahat ng ito. Sana panaginip na lang at ang pag-gising ko lang ang solusyon sa problemang ito. Kaso hindi e ito ang totoo at wala kong magawa kundi tanggapin na lang ang lahat.
Nasa loob ako ng computer shop. Mag-eemail ako kay Nico, at umaasang makausap ko siya ngayon.
Inayos ko ang sarili ko at pinilit na maging mukang masaya. Sinet aside ko muna lahat ng alalahanin ko sa buhay. Nagsimula na akong tumipa at nagcompose ng message.
Hi Bestie Nico!!
Kamusta ka na?? Namimis na kita bestie!! Pasensya na ha kasi baka hindi na ko madalas makapag-email sayo alam mo naman graduating ako. Kaya busy na ko. ^_^
Ano ng balita sayo dyan?? Sana kahit di na ko madalas makapag-email mag-email ka pa rin sakin ah magtatampo talaga ko sayo pagkinalimutan mo ko. .
Hihintayin ko ang sagot mo ngayon. . reply ka agad ha!!
Nicoletz mag-iingat ka lagi dyan wag pasaway!! ^_^
Your bestie Mica
†*********†*†**************†*****
Malapit ng matapos ang one hour ko. Pero hindi pa din sumasagot si Nico . . Siguro busy talaga siya. Naiintindihan ko naman pero hindi ko na napigilan yung pagpatak ng mga luha ko. Hindi ko kasi alam kung kailan ko pa siya ulit makakausap e. Umaasa talaga ko ngayon na makausap siya sapat na yun para gumaan yung pakiramdam ko.
Hindi ko masasabi sa kanya lahat dahil ayokong bigyan pa siya ng alalahanin. Ngayon lang ako maglilihim sa kanya at hindi madaling gawin yon. Ito lang yung hinihiling ko ang makausap siya kahit thru email lang. . hindi ko siya mayayakap at hindi ako makakaiyak sa balikat niya. Walang magpapalakas ng loob ko at magsasabing "Ayos lang yan Mica everything will be fine". .
Pinahid ko na lang ang mga luha ko at muling tumipa sa keyboard.
Hi Nico!
Mukang busy ka ngayon ah, nakauwi ka na ba? Hindi na siguro kita mahihintay kailangan ko ng matulog e. Baka masira pa ang beauty ko pag-napuyat ako at kasalanan mo pa hehehehe.
Mamimiss kita!! Alagaan mong sarili mo dyan ah at wag masyadong magpapagod naku sige ka lalo kang papanget haha.
O panu goodbye for now. .
Mica
Ilang beses kong binasa ang huling message ko kay Nico. May kulang . . .
May gusto pa kong sabihin pero naguguluhan ako.
Hindi ko na lang namalayan at nagulat ako sa biglang tinipa ko bago magpaalam sa kanya. Ang tanging alam ko lang e yung matinding pangungulila ko sa kanya. Hindi ko maitatanggi na kailangan ko siya sa mga oras na to.
Binura ko na lamang iyon.
ang mga katagang . .
.
.
.
.
.
.Mahal kita Nico.
A/N: Waaaaaah!! ayan na may gusto na din si Mica kay Nico. Bakit kaya hindi nakasagot agad si Nico sa email ni Mica??
Katayin ang may sala!!! Bwahahahaha ( insert evil laugh hear )
Abangan pa po at walang bibitaw. Paramdam din kayo dyan!! ^_^
BINABASA MO ANG
Best Buddy Diary
RomanceNaranasan nyo na bang magkaron ng taong diary?? Ako kasi oo. sa katauhan ng bestfriend ko. He's my one and only Best Buddy Diary.