A/N: Hi to all the readers!! sa mga silent lang dyan, nag-vote and nag-comment maraming salamat sa patuloy na pagbabasa ng BBD sana magkasama-sama pa tayo hanggang sa huli.
Hindi po ako madalas magbigay ng Author's note sadyang natuwa lang talaga ko na makatanggap ng feedback mula sa inyo. Nakakagana pala talaga na mag-update lalo na't alam mong may nag-aabang pala hehehe.
Your one of the reason why I should be happy. Hehehe O siya hindi ko na to papahabain pa.
I dedicate this chapter to FlyType http://w.tt/1n7NRG1 siya yung kauna-unahang nagcomment sa BBD at nagvote sa lahat ng chapter. Thank you talaga. Basahin niyo din po mga story niya super interesting. ^_^
Uunahan ko na kayo, may mga typo error and wrong grammar pero para sa inyong lahat ito sana magustuhan niyo. ^_^
Enjoy reading!!! ^_^
***********************************
(Faust POV)
Tahimik kong pinagmamasdan si Nics sa malayo habang tumitipa sa dala niyang gitara. May usapan kasi kami na magkikita sa park, magpapaturo ako about music. Naiintindihan ko naman yung topic namin about music history of italy.
Hindi talaga nakakasawang titigan si Nico. Mala adonis talaga siya sa paningin ko. May nangungusap na mga mata, matangos na ilong at mapupulang mga labi. Kayumanggi lamang ang kulay nya. Hay hindi nya lang alam na kinikilig ako sa tuwing ngingitian niya ko.
Bagay na bagay sa kanya na maging president ng Company. Sobrang responsable at makikita mo sa aura niya yung authority. Tipong makakasundo mo makakaburuan pero igagalang pa din.
Sabihin nyo ng maloko ko pero sinasamantala ko talaga yung mga sandali na makakasama ko si Nico.
Lahat na ata ng gusto ko sa lalaki na kay Nico na. Oo tama kayo may lihim akong pagtingin kay Nico. Basta bigla ko na lang naramdaman to sa kanya e. Simpleng crush lang nung una pero unti-unting lumalim lalo na nung nakilala ko siya ng lubos.
Mabait na kaibigan si Nics, hindi ka iiwan sa ere nyan. Lahat ng tulong na pwede nyang ibigay sayo ibibigay nya. Katulad na lang ngayon, He still find time to teach me kahit na marami siyang inaasikaso sa school and sa company nila.
Sobrang sipag din ng taong yan. Halos wala na ngang pahinga e. Nakukuha pang mag-gym para daw kay Mica. Sino bang Mica yun?? Hindi ba niya alam na napakaswerte nyang babae. Minamahal siya ng lalaking minamahal ko.
Bukang bibig niya kasi yang si Mica e. Ni minsan naman hindi ko siya nakita dito sa italy. Basta gagawin ko ang lahat para mabaling ang pagtingin ni Nico sakin. Hindi naman imposible di ba? may posibilidad na ako na ang mahalin nya at hindi na ang Mica na yun.
Napatingin sa direksyon ko si Nico at kumaway. Ngumiti ako at kumaway din habang lumalakad palapit sa kanya.
" Antagal mo naman Faust, nakailang kanta na ko dito ngayon ka lang dumating. " kunway nagtatampong saad sa akin ni Nico
" Ay naku Nics wag ka ng magtampo. Ayaw mo nun napractice mo na yung ituturo mo sakin!! hehehe Ililibre na lang kita mamaya! " sabi ko sabay akbay sa kanya. Kala nyo ba lalaki lang marunong manchansing?? marunong din ata ako non ;)
Nagturuan na nga kaming dalawa. Kunyari hirap pa kong maintindihan para mas tumagal pa yung time na makasama ko siya.
Sa kalagitnaan ng pag-aaral namin nakareceived ako ng txt galing kay Dahna classmate namin ni Nico. Nag-aaya sa bahay nila Birthday pala nito.
" Nics tara punta tayo kila Dahna Birthday daw niya e. Eto o nagtxt sakin." sabay pakita ko ng txt ni Dahna.
" Tss! ayoko alam mo namang di ako mahilig sa ganyan. FC ka nanaman close ba kayo non?? " tanggi ni Nico
" Grabe ha!! para namang di mo kilala ugali ni Dahna matampuhin yon baka magalit yun pag di ako pumunta. Sige na Nics samahan mo na ko. ." sabi ko sabay paawa effect pa.
" Naku ikaw talaga babae ka. Sige sandali lang tayo dun ha. Uuwi ako agad may hinihintay akong email e. " si Nico na ginulo pa ang buhok ko. Umakto naman akong parang naiinis habang inaayos ang buhok ko na ginulo niya.
Masaya ko sa loob ko chance ko na to sana bukas hindi na ako friendzone lang.
" Oo na. para namang hindi ka araw-araw naghihintay ng email e. Si Mica nanaman yan noh?? " Inirapan ko pa siya ang magaling na lalaki nginitian lang ako hay!!
***********************************
Sa bahay ni Dahna. .
" Hey Faustine!! Im so glad you came! Oh and with Nico huh! Feel free to do anything you want here. Feel at home guys!! " sabay abot ng tig-isang baso ng alak samin ni Nico. Nakipagbeso-beso naman ako kay Dahna habang binabati siya ng happy Birthday
" Happy Birthday Dhanz! We brought a cake for you." at iniabot ko na ang dala naming cake
"Oh thank you Faustine and Nico. I guess now that your already here we can start the party!!! " Dahna na umiindak na. Ngumiti na lamang kami ni Nico.
Mabait naman yang si Dahna medyo liberated nga lang. Kaya hindi siya feel ni Nico wholesome kasi tong lalaking iniibig ko.
" Faust ano ba namang klaseng birthdayan to?? hindi mo sinabing may inuman pala dito?? halos makita ko na kaluluwa ng mga babae dito a " bulong sakin ni Nico
" Haha bakit nagtanong ka ba?? sus ikaw talaga. Alam mo naman yang si Dahna syempre hindi mawawala ang alak dyan. Nics naman wag KJ normal lang yan dito sa italy. " bulong ko din sa kanya
" Tss! O sya may magagawa pa ba ko andito na tayo e. Basta umuwi din tayo kagad. " si Nico na nakasimangot na.
Nginitian ko na lamang siya. Kilala ko si Dahna maraming pakulo yan imposibleng makaalis kami agad. Saka sasayangin ko pa ba itong pagkakataon na to?? bahala na pero its now or never. .
After an hour may tama na si Nico wala pala to e ang bilis malasing hahaha samantalang ako di pa tinatablan. Ayaw niya talagang uminom napilit lang siya ni Dahna nag-wish ba naman na sana makainuman niya si Nico. Hay Dahna I owe you this one.
" Haha Faust! I think Nico is not capable to drive right now. We have a spare room you two can spend the night here. Oh and dont say no! I know you have something for him go girl!! " at nagwink pa sakin. nagulat ako sa sinabi ni Dahna.
Ganon na ba ko ka obvious?? Buti pa ung iba napapansin pero itong lalaking nakalungayngay sa tabi ko di ko alam kung dinidedma o sadyang manhid lang.
Inalalayan ko na si Nico papunta sa guest room nila Dahna. May kabigatan din ang lalaking to ah. Pasalamat talaga toh mahal ko siya kung hindi inilaglag ko na to sa hagdan.
Dahan dahan ko siyang inihiga sa kama. Kinakabahan ako hindi ko alam kung pano ko ba sisimulan yung plano ko parang nablangko ako bigla. Hindi ko gawain to, ngayon lang ako nabaliw ng ganito sa isang lalaki.
Napagdesisyunan ko na lang na punasan at alisin ang polo nito para maging komportable naman siya sa pagtulog.
Isang butones na lang at maalis ko na ang polo nya ng bigla nitong hawakan ang kamay ko. Tumitig ito sakin at umupo mula sa pagkakahiga. Lalo pang humigpit ang pagkakahawak nito sa mga kamay ko.
Nagwawala naman ang puso ko. Parang gusto niyang lumabas sa dibdib ko. Lalo na nung haplusin ni Nico ang muka ko. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang halo-halong emosyon. Tinititigan niya ang muka ko na para bang kinakabisado ang bawat parte nito.
Hindi na ko nag-aksaya pa ng panahon. Inilapat ko ang labi ko sa labi niya. Nanginginig ako sa kaba at marahil naramdaman niya yun. Napangiti na lamang ako nung unti-unti niyang tinugon ang halik ko. Sweet and gentle, ingat na ingat pakiramdam ko para akong babasaging kristal sa mga bisig niya.
Marahan niya akong hinawakan sa balikat at inilayo sa kanya upang muli akong titigan sa mata.
Lutang pa ko ng mga sandaling iyon habang nakikinig sa mga sinasabi niya.
At nung mga oras na iyon. Pakiramdam ko isa akong kristal. . .
na unti-unting . . .
. . .
. . .
Nababasag . . .
BINABASA MO ANG
Best Buddy Diary
RomanceNaranasan nyo na bang magkaron ng taong diary?? Ako kasi oo. sa katauhan ng bestfriend ko. He's my one and only Best Buddy Diary.