(Nico)
Ilang araw na rin ang lumipas after ng Birthday ni Dahna. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman.
Parang after that Birthday andaming nagbago.
Hindi ko alam kung sadyang busy lang talaga si Faustine o iniiwasan niya ako.
Ilang beses akong nagpunta sa bahay niya pero lagi itong wala tangging Mama niya lang ang nakakausap ko.
Kesyo may ginawa daw na project. Umalis kasama si Dahna. Lately napapansin ko mas madalas ng si Dahna kasama niya nakakatampo na ah.
Sinubukan ko itxt o tawagan. Minsan out of coverege, busy, tapos mas madalas hindi sinasagot. Kung sakaling sagutin naman niya laging nagmamadali bababaan na ako agad.
Haaaay buhay. Wala kong makausap namimiss ko na si Faust lalo na ngayong wala na din akong matanggap na email kay Mica. .
Natuwa pa mandin ako nung makita ko yung email nya pag-uwi ko ng bahay.
Flashback
Nagmamadali akong pumunta ng kwarto ko pag-uwi ng bahay. Agad kong binuksan ang laptop at tinignan ang yahoo mails ko.
Natuwa ako at may dalawanf emails galing kay Mica. Agad ko iyong binasa.
(Email 1)
Hi Bestie Nico!!
Kamusta ka na?? Namimis na kita bestie!! Pasensya na ha kasi baka hindi na ko madalas makapag-email sayo alam mo naman graduating ako. Kaya busy na ko. ^_^
Ano ng balita sayo dyan?? Sana kahit di na ko madalas makapag-email mag-email ka pa rin sakin ah magtatampo talaga ko sayo pagkinalimutan mo ko. .
Hihintayin ko ang sagot mo ngayon. . reply ka agad ha!!
Nicoletz mag-iingat ka lagi dyan wag pasaway!! ^_^
Your bestie Mica
(Email 2)
Hi Nico!
Mukang busy ka ngayon ah, nakauwi ka na ba? Hindi na siguro kita mahihintay kailangan ko ng matulog e. Baka masira pa ang beauty ko pag-napuyat ako at kasalanan mo pa hehehehe.
Mamimiss kita!! Alagaan mong sarili mo dyan ah at wag masyadong magpapagod naku sige ka lalo kang papanget haha.
O panu goodbye for now. .
Mica
Inis na inis ako nung araw na yon dahil wala ako sa bahay para makapag-reply sa email niya. Nag-intay pa tuloy siya. Kaya siguro ganon na lang ang napanaginipan ko sa bahay nila Dahna dahil iniintay ako ni Mica.
Alam kong may mali sa email niya e. Iba ang pakiramdam ko parang may tinatago siya sakin. Hindi nanaman ako mapakali sa kakaisip.
Ok lang kaya siya?? Sana nasa maayos siyang kalagayan. .
Isa pa tong si Faust nakikisabay. .
Hayyy may nagawa ba kong mali?? bakit biglang ganito??
Halos mag-iisang buwan na din. Para lang akong zombie na ginagawa kung anong dapat gawin sa araw-araw.
I study and at the same time working with our company.
BINABASA MO ANG
Best Buddy Diary
RomanceNaranasan nyo na bang magkaron ng taong diary?? Ako kasi oo. sa katauhan ng bestfriend ko. He's my one and only Best Buddy Diary.