Mica's Puppy Love

10 2 1
                                    

Dear Bestie Mico,

Hi there!! Marami nanaman akong kwento sayo!! Naaalala mo ba yung kwinento ko sayo last time?? Yung bago kong crush?? Alam mo ba nakita ko siya sa simbahan. Grabe! Bestie ibig sabihin God fearing siya, isa yun sa mga gusto ko di ba?? tapos magkaparehas pa pala kami ng lugar na pinagsisimbahan. What a co-incidence!!

Alam ko na din pangalan niya!! Bagay sa kanya unique and cute. (^_^). He's Elvin Marcos!! Ang ganda ng pangalan di ba?? Yun lang may pagkasuplado lang siya, pero tinignan niya ko kanina a.. napansin niya ko bestie!! Ayieeee!! Syempre hindi ako nagpahalata na kinikilig baka isipin niya pa crush ko siya.. Hehehehe

Pakiramdam ko gustong gusto ko na siya talaga! Sana siya na yung Prince Charming ko hehehe

O siya sagutin mo tong email ko huh! at magkwento ka din. May Crush ka na din ba dyan??

Balitaan mo naman ako.

Ingat Bestie!!

Mica

                                                                                   ****

Mica Panget

Hahahaha Sige lang ituloy mo lang ang imahinasyon mo sa lalaking yan :P 

Wala kong panahon sa mga ganyan. Pang-isip bata lang yung mga crush. Gaya mo isip bata Hahahahaha. Matulog ka na.

Nico

Grabe tinawanan lang ako ni Nico hay naku itong lalaking to palibasa di pa nagkaka-crush kaya ganyan kung makapagsalita. 

Pero sobrang gusto ko talaga si Elvin. Alam niyo yun?? pagnakikita ko siya bumibilis yung tibok ng puso ko, nanlalamig din yung kamay ko. Basta iba talaga kung alam lang ni Nico yung ganitong pakiramdam..hay!! wala kasi kong masabihan e siya lang. Nahihiya kasi ko kay Mommy magsabi baka sabihin lumalandi na ang Unica Hija niya.. Ayoko pa namang madis-appoint sila sakin. I wanted to be the best daughter for them.

Pakiramdam ko mahal ko na yun si Elvin e. Hindi naman kami nag-uusap, feeling ko nga hindi niya ko napapansin. Masaya na ko pag-napatingin siya sakin, Ok na sakin yun na makita siya sa malayo basta ba araw-araw. Hindi kasi kumpleto araw ko ng di ko siya nakikita e.

Hindi talaga ko malanding babae. Hanggang ganito lang naman ako. Ni hindi ko nga kayang ipakita sa kanya na gusto ko siya. Ngumingiti lang ako pag-kinikilig ako. Ako na ang umiibig ng patago (-_-)

At dahil bestfriend ko si Nico sa kanya ko kinukwento ang lahat. Ginawa ko na nga siyang Diary e. Mabait naman yan kaso mapang-asar nga lang sobra!!

                                                                             ********

Dear Nico!

Malungkot ako ngayon.. Nakita ko kasi si Elvin, Kasama yung isa kong friend si Ashley. Bakit ganon??

Matagal ko na siyang gusto pero hindi niya ko napapansin?? Maganda naman ako di ba?? Bakit si Ashley?? Pinagkalat pa talaga niya na si Ashley ang gusto niya. Simple lang naman si Ashley saka hindi siya gusto non!! Pero close sila.. Lagi na nga silang magkasama ngayon e.

Akala ko napapansin na din niya ko. Tinitignan niya kasi ko lagi e, hindi ko maintindihan kung bakit. Umasa pa naman ako, ang saya saya ko na nga non pero.. eto yung nalaman ko.

Nasasaktan ako Nico.. Sana kasama kita ngayon..

Mica

                                                                           *********

Mica,

If I were there babatukan pa kita. Bakit nagsasayang ka ng emosyon sa lalaking yan?? Hindi ka naman pala gusto e ginugusto mo pa. Ang bata bata mo pa yan na inaatupag mo. Isusumbong kita kay Tita pag di ka umayos.

Tigilan mo na yan Ok?? Sige na matulog ka na. Dont forget to pray!

Nico

                                                                              **********

Grabe tinakot pa ko. Imbis na pakalmahin ako at damayan gusto pa kong batukan. Ang bait talaga ng bestfriend ko!! Tsk!

Masisisi niyo ba ko kung sobrang gusto ko yung taong yun?? eto yung nararamdaman ko e. Ang Hirap na bihira ka na lang magkagusto ng ganito ayaw pa sayo.

Sabi nila maraming lalaki.. pero nag-iisa lang siya e siya lang ang gusto ko at wala ng iba. Ang saklap naman..

May hindi pa nga ko kwinento kay Nico. Sinabihan kasi ko ni Elvin na di niya ko gusto na panget daw ako. Ano bang ginawa ko?? sa malayo ko na nga lang siya tinitignan nasabihan pa ko ng ganon. Sinabi kasi nung isa kong friend na may gusto ko sa kanya kasi hoping din sila na baka gusto ko ni Elvin. Kaso ayun.. Hindi niya ko gusto at panget ako sa paningin niya.. Ansakit lang.. 

Tapos hindi ko maamin na nasasaktan ako ... kay Nico lang ako may lakas ng loob magkwento kasi kahit ganyan yan.. kakampi ko pa din siya sa lahat ng bagay.. Kaso wala din siya.. Nag-iisa ako..

Best Buddy DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon