"ARRRRRGH!!! Ahhhhh ansakit ng ulo ko!! " daing ni Nico ng magising siya kinaumagahan. Agad siyang napatingin sa paligid.
Hindi na niya matandaan kung paano siya napunta sa kwartong ito. Maayos naman ang tinulugan niyang kwarto maliban na lang sa magulong kama. Nagka-stiff neck pa ata siya. .
Tumayo na si Nico at agad na tumungo sa banyo. Mabuti na lang at may sariling comfort room ang kwarto na to.
Habang inaayos ang sarili sa salamin. Pinilit niyang alalahanin ang nangyari kagabi.
Birthday nga pala ni Dahna. Haist! yung babae talagang yon anlakas uminom. Ako pa talaga napagtripan makainuman inaya akong mag- one on one kami. Hindi naman ako makatanggi dahil birthday nung tao. Hindi ako ganun ka-rude para tanggihan siya sa birthday wish niya.
Oo birthday wish nyang makainuman ako. Grabeng babae talaga. At ang magaling kong kaibigan na si Faust hindi man lang ako pinagtanggol!! Tsk! asan na ba yung babaeng yon??
Agad akong napahinto sa paghihilamos ng may bigla akong maalala. Napangiti pa ko sa harap ng salamin. Hay! may maganda din namang naidulot ang pagkalasing ko.
Nakita ko kasi si Mica kagabi. Parang totoo talaga ang panaginip ko. Nakakahiya at nakakabakla naman. . pero kinikilig pa talaga ako habang inaalala ang halik na yon.
Parang totoo talaga. Hahaha hay Nico nababaliw ka na. . tsk! Umiling-iling pa ko para magising ang diwa ko. Kung nasa bahay lang ako baka matulog pa ko ulit.
Narinig ko naman ang pagbukas ng pinto ng kwarto. Agad ko itong nilingon at nakita kong pumasok ang magaling na babaeng to.
Tinignan ko lang siya habang nakatunganga sa kamang pinaghigaan ko. May hang-over pa din ata.
Lumapit ako sa kanya at tinapik siya sa balikat. Nagulat pa siya sa ginawa ko, pinigil ko ang matawa at nagkunwaring nagtatampo sa kanya.
" A-ahm g-gising ka na pala Nico. " pautal na sabi niya. Ganito pala ito pagbagong gising tulala. Medyo mugto pa ang mata niya galing siguro sa pagtulog
" Hay naku ikaw babae ka talaga di ba sabi ko uuwi tayo ng umaga?? " kunway umakto akong galit.
" Sorry na Nics. . hindi ko kasi akalain na ganito mangyayari e. ." yumuko pa ito at mangiyak-ngiyak
Hindi ko na napigilan ang tawa ko
"Hahahaha anong kadramahan yan Faust?? Haha halika nga dito " at niyakap ko siya sabay gulo sa buhok niya.
" Punasan mo nga yang uhog mo at ang pangit mo. Pasalamat ka talaga at maganda ang gising ko. Sabagay hindi na masama maaga pa din naman tayo makakauwi. UMAGA na talaga. ." sabay pisil ko sa ilong niya.
Sinimangutan naman ako ng babaeng ito.
" Bumaba ka na don at magkape bago tayo umalis. Bilisan mo at hinahanap na ko sa bahay. Wag mo kong ngisian Nico ang panget mo! Hmft! " at inirapan nanaman ako nito sabay labas ng kwarto.
Aba ang sungit! teka dapat ako ang magsungit dito a. . siya kaya may atraso sakin. .
Hayaan na nga good mood talaga ko ngayon e. Sumunod na ako pababa sa kanya.
(Faust)
Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Nico ngayon. Halos hindi ako nakatulog kagabi. Umiyak lang ako magdamag.
Ansakit-sakit masyadong nasaktan ang pagkababae ko. .
Flashback
Isang butones na lang at maalis ko na ang polo nya ng bigla nitong hawakan ang kamay ko. Tumitig ito sakin at umupo mula sa pagkakahiga. Lalo pang humigpit ang pagkakahawak nito sa mga kamay ko.
BINABASA MO ANG
Best Buddy Diary
RomanceNaranasan nyo na bang magkaron ng taong diary?? Ako kasi oo. sa katauhan ng bestfriend ko. He's my one and only Best Buddy Diary.