Faust Birthday

1 0 0
                                    

(Nico)

Today is Faust Birthday

I received a call from Tita Feli yesterday about a small party for Faust.

Gusto daw niya kasing supresahin ito at gusto ni tita na isa ako sa maging surprise gift niya.

Nagtataka man kung bakit ako e pumayag na din ako. Isa pa pinangako ko sa sarili ko na dapat magkaayos kami ni Faust kahit na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano bang kasalanang nagawa ko para lumayo siya sakin. Siya pa naman ang kauna-unahan at nag-iisang kaibigan ko dito sa Italy.

Konti lang naman ang naibahagi ko. Ako lang naman ang tumawag sa mga malalapit na kaibigan at classmate namin ni Faust.

Hindi kasi alam ni tita kung sino pa ba ang mga kaibigan nito. Tanging ako lamang at si Dahna ang naisama niya sa bahay.

Base sa kwento ni tita tuwing tinatanong niya kung anong gusto nito sa birthday niya. Ngumingiti lang daw ito at sinasabing wag na silang mag-abala.

Ayaw naman nitong malungkot si Faust sa birthday niya kaya naisip niyang hinggin ang tulong ko.

Nag-isip naman ako ng pwedeng mairegalo sa kanya. Gusto ko yung matutuwa talaga siya at ng bumalik na ang kaibigan kong ito. Namimiss ko na siya e.

I make a cake for her but not the usual cake you see in a mall. Effort na kung effort for my one and only friend naman e. Small cakes lang naman ang ginawa ko with her pictures yung mga wacky photo niya. I'll make sure that I will get her attention.

Handa na ang lahat. Hinihintay na lamang namin siyang dumating kasama si Dahna na kasabwat din namin.

Hanggang sa narinig na namin ang pagdating nila. Naghanda na sila tita at ang mga bisita sa pagbati sa kanya.

Ako naman ay inihanda na ang aking gitara. Ito lang ang naisip kong supresa sa kanya. Lagi kasi niya kong kinukulit na kantahan ko siya noon at gagawin ko ito ngayon ng hindi niya pinipilit.

Kasabay ng pag-bukas ng pinto ay ang pagtugtog ko at pagkanta namin ng happy birthday. Bakas sa mukha ni Faust ang matinding gulat

Binabati, niyayakap at hinahalikan siya ng bawat taong nadadaanan niya.

Hanggang sa mapadako ang paningin niya sakin. Nginitian ko siya at gumanti naman ito.

Niyakap at binati ko siya. Namiss ko talaga ang babaeng ito.

" Uyy Happy Birthday!! Buti naman at dumating ka sa party mo " biro ko sa kanya.

" Normal party ko to e! Babanat ka na lang waley pa hahahaha! Anyway Salamat Nics nag-effort ka pa talagang maghanap ng pinakapangit kong picture ha. Grabe! naappreciate ko talaga. " sagot niya sakin na may kasama pang hampas

Natuwa naman ako. Pakiramdam ko bumalik na kami ni Faust sa dati. Bumalik na ang kaibigan ko. .

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Best Buddy DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon