Meet John Dheverick Tiongson, Mr. Hearthrob ng Milbore High. Mayaman, matalino, higit sa lahat gwapo at isa nga siya sa pinakapopular na mag-aaral sa kanilang paaralan, saan man yatang sulok ng campus nila ay walang hindi nakakakilala sa kanya. Ngunit sa kabila ng mga katangian niyang taglay isa siya sa pinaka-iniiwasan ng lahat, dahil isa siyang malaking trouble maker. Madalas siyang nasasangkot kundi man ay nag-uumpisa ng gulo.
Meet Princees Irish Musngi a typical high school students, simple, mabait, at higit sa lahat matalino, mula sa simpleng pamilya na nabigyan ng pagkakataong makapag-aral sa isang private school dahil na rin sa schoolship grant na nakuha n'ya.
"Friend, ang gwapo talaga ni Dheverick. I think I am falling in love with him," kinikilig na wika ni Sarah ang pinaka matalik na kaibigan ni Princess. Kahit kailan talaga basta nakita nito si Dheverick ay hindi magkamayaw sa pagkulit sa kanya. Simula ng makaharap nito ng personal ang binata ay wala na itong ibang bukang bibig kundi ito. Para na itong sirang plaka sa kaka-ulit.
"Gwapo? Na saan, hindi ko ata makita?" kunwari'y lilingap lingap niyang wika.
"Wala naman, imahinasyon mo lang yon Sarah," dagdag pa nito maya maya.
"Naman to oh, kaibigan ba talaga kita?" sabay simangot nito.
Minsan pakiramdam ni Princess ay pagod na siyang makinig, kahit pa sabihing matalik niyang kaibigan si Sarah may mga pagkakataon na naiinis siya rito lalo na tuwing babanggitin nito ang walang kamatayang pagtingin kay Dheverick.
Minsan naitanong n'ya sa sarili ano ba ang mayroon ang lalaking ito at ganoon na lamang kung sambahin ito ng kaibigan maging ng mga kababaihan sa kanilang paaralan. Oo, matalino nga ito at mayaman at sabihin na ring may itsura pero di parin niya lubos maisip kung bakit. Di kasi lingid sa kaalaman niya na isa't kalahating mayabang ito at madalas itong masangkot sa mga kaguluhan sa loob at labas ng paaralan. Kaya hindi talaga niya maintindihan.
"Hindi mo talaga bet si Dheverick my love no?" maya maya'y tanong pa ni Sarah ng makarating sila sa tambayan nila. Nakagawian na kasi nila na tuwing vacant nila sa hapon ay doon sila pumu-pwesto sa may upuan sa ilalim ng puno malapit sa school garden. Bukod sa tahimik ang lugar madalang rin ang nagpupunta roon.
"Ay hindi, hindi naman halata di ba?" sarkastikong wika niya.
"Bakit ba ayaw na ayaw mo dyan kay JD," bakas ang labis na pagtataka sa mga mukha nito.
"Wow! Close kayo at JD?"
"Oo, dahil s'ya ang future man of my life ko," sabay ngiti nito ng ubod ng tamis habang magkasaklob ang mga kamay.
"Hibang ka na talaga, buti sana kung alam n'yang nag-e-exist ka sa planetang ito." Nailing na lang na wika ni Princess sabay tingin sa malayo. Nagbabakasakaling makita n'ya ang kanyang hinahanap.
At hindi nga s'ya nagkamali nahagip ng kanyang paningin ang lalaking laging laman ng kanyang mga panaginip tuwing gabi.
Meet Danielle John, ang Mr. Geek ng Milbore High. Genius, mayaman, gwapo at higit sa lahat ubod ng bait. Malayong- malayo kay Dheverick na kakambal nito. Oo, malaki nga ang pagkakahawig ng dalawa sa itsura pero hindi sa ugali.
Wala ka naman kasing tulak kabigin kay Danielle, hindi gaya ni Dheverick na ang sarap itulak sa bangin dahil sa ugali n'ya. Kung gaano kaganda ang itsura nito ganoon naman kasama ang ugali nito.
"Friend, sino ba yang tinitingnan mo?" usisa ni Sarah sabay tingin sa direksyong tinitingnan ng kaibigan.
"Di na ko magtataka kung bakit ayaw mo kay JD my love, kasi pala si DJ ung gusto mo. Ayiee!!" nanunukso pang wika nito habang sinusundot sa may tagiliran ang kaibigan.
"DJ? Sinong DJ?" pagkakaila pa n'ya kahit huli na sa akto.
"Sinong DJ ka d'yan? Iuntog kaya kita sa bones ko nang malaman mo kung sinong DJ ang tinutukoy ko. Alam mo friend wala namang masama kung aamin ka eh, saka secret lang natin tong dalawa. Promise, cross my heart, hope to die," sabay taas ng kanang kamay nito tanda ng pangangako.
"Ewan ko sayo, naghahallucinate ka na naman Sarah," nailing na lang n'yang wika.
"Ewan ko rin sayo, who you ka sakin pag niligawan ako ni JD my love ko," at nagmartsa na ito palayo.
Hindi naman agad natinag si Princess sa kanyang kina-upuan, habang malayang pinagmamasdan mula sa field ang abalang si DJ. Malapit na kasi ang school fest at isa ito sa pambato ng 4th year.
Hay! Ilang buwan na lang pala kitang masisilayan DJ, sana man lang ay magkaroon ako ng lakas ng loob na lumapit sayo. Wika ni Princess sa sarili at maya maya pa'y sinundan na rin niya ang kanyang kaibigan. Ngunit malayo na ito kaya, kaya patakbo niyang tinungo ang daan papuntang building nila.
Sa pagmamadali, hindi niya namalayan na may makakasalubong pala siya dahilan upang bumangga siya rito.
BINABASA MO ANG
When a Gangster Fell In Love
Ficção AdolescenteWhat if a gangster fell in love? Is he willing to change for a better, or he will change for worst?