“Paano ba akong napasok sa gusot na ito?” halos mangiyak-ngiyak na wika ni Princess habang nakatingala pa rin sa ceiling ng kanyang silid.
Isang linggo na ang nakakaraan simula nang sumang-ayon siya sa kasunduang inilatag sa kanya ni JD.
“Pwede bang umatras na lang,” wika pa niya sa sarili.
Bakit ganoon sa kabila na ayoko ng ideya nˊya parang isang bahagi ng puso ko ang nagagalak? This canˊt be happening ayoko. No! hindi pwedeng mangyari 'to, I really hate him. She said to herself. Hanggang sa makatulugan na niya ang pag-iisip.
Starting tomorrow everything will be different from her previous stay at the academy. Dahil bukas na ang simula ng kanilang pagpapanggap and worst JD wanted her to introduce sa parents nito at the same time ay sˊya namang pag-akyat kuno ng ligaw nito sa kanya sa bahay nila.
Kinabukasan maagang nagising si Princess sa kabila ng maikling oras ng pagtulog pakiramdam niya ay ang gaang ng pakiramdam niya though taliwas iyon sa tumatakbo sa isipan niya na ang gusto niya ay ang magluksa.
Matapos magbihis ay dali-dali siyang lumabas ng kanyang silid at nagtungo sa komidor pero bago pa siya makapasok sa kusina ay naagaw ang kanyang atensyon ng lalaking nakaupo sa may sopa nila.
“Anong ginagawa mo rito?” di makapaniwalang wika ni Princess.
“Ano pa ba e di sinusundo ang girlfriend ko,” nakangiting sagot ni JD sa kanya.
Muntik nang mawala sa loob ni Princess na ngayon nga pala ang araw kung kailang opisyal nang magsisimula ang kanilang pagpapanggap. Napatampal na lamang siya sa kanyang noo.
“Gising ka na pala anak,” nakangiting bati ng kanyang ina.
Huhuhu! Patay ako nito mamaya malamang sa sermon ako.
“Hijo sumabay ka nang kumain samin bago kayo pumasok ni Cess,” wika pa ng kaniyang Mama.
“Salamat po Tita, pero kumain na po ako sa bahay bago umalis,” nakangiti pang wika nito.
Ang galing talagang umarte na mabait nitong mokong na 'to, halata namang nagpapalakas lang kay Mama. Naman kasi bakit kailangan pa nˊya kong sunduin sa bahay. Hindi naman sa nahihiya ako na maliit yung bahay namin o kung ano pa man. Basta naiinis lang ako. 'Yun lang 'yon. Sa loob loob ni Princess.
“Ahm ganun ba, ikaw naman babae bilisan mo at baka malate pa kayo ng manliligaw mo dahil sa kabagalan mo,” sabay baling nito sa anak at tinapunan ito ng isang makahulugang tingin.
“Opo,” dali-dali naman siyang tumalima sa utos ng ina.
Ilang sandali pa ay sabay nang binabaybay ng dalawa ang daan patungo sa kanilang eskwelahan.
“Ano bang drama mo at kailangan mo pa akong sunduin sa bahay?” pagsisimula ni Princess.
BINABASA MO ANG
When a Gangster Fell In Love
Teen FictionWhat if a gangster fell in love? Is he willing to change for a better, or he will change for worst?