“Magpatulog ka naman please, I’m begging you.” Mangiyak-ngiyak na wika ni Princess habang paikot-ikot sa kanyang higaan. Magta-talong oras na kasi siyang gumagawa ng tulog ngunit hanggang ngayon ay gising pa rin ang diwa niya.
Mula nang araw na maganap ang hindi ina-aasahang pangyayari sa pagitan niya at ni JD ay nahirapan na siyang matulog, hindi niya alam kung bakit pero tuwing tinatangka niyang ipikit ang kanyang mga mata ibis na diretso siya sa pagkakahimbing ay siya namang tila tuksong sumisingit sa kaniyang balitataw ang tagpong namagitan sa kanilang dalawa ni JD.
“Hudas ka talagang JD ka, isa kang malaking peste sa buhay ko.” Inis niyang wika habang mariing sinusuntok ang kanyang staff toy na lagi niyang pinagdidiskita nitong nakakaraan, and she’s thinking that it was JD.
Sa kabilang dako naman, JD was in a wonderful dream. Well he’s dreaming that he is with the girl she loved most before.
“I thought, I wouldn’t be able to see you again. Akala ko tuluyan ka nang nawala sakin,” mangiyak-ngiyak niyang wika habang masuyong hinahaplos ang mukha nito.
“Hindi naman ako nawala sayo,” sabay hawak sa magkabilang kamay nito at dahan-dahang dinala sa dibdib ng binata sa tapat ng puso nito.
“Ni minsan hindi ako nawala sa iyo, pagkat nandito lamang ako sa puso mo at mananatiling ako riyan hanggat gusto mo.” Nakangiting wika nito sa kanya.
Tila naman naguluhan ito sa nais iparating ng dalaga.
“Tama ka, parati kang naririto at hinding hindi ka mawawala rito kailanman.” Sabay yakap niya rito.
“Ngunit hindi ako maaaring magtagal, pagkat alam kong darating ang panahon na may papalit sa pwesto ko. JD you need to move on our time, especially my time is over. Panahon na para magmahal ka na ng iba,”bakas ang lungkot sa mga tinig nito.
“Pero ikaw lang yung mahal ko, at ikaw lang yung gusto kong makasama,” giit pa niya.
“Pero hindi na maaari, you’re still existing in this world. Samantalang ako I am just existing only in your hearts and minds, at kahit pagbali-baliktarin pa natin hindi na ako kabilang sa mundong kinabibilangan mo.” Paliwanag pa nito.
“Pero...”
“JD, you mean so much to me and i do really love you kaya please set your heart free, try to love again, may taong talagang nakatakda para sayo. From the very start I know that it wasn’t me, open your heart and even your eyes para makita mo yung taong mas nararapat sayo. Actually I do really know who she is at sana magtagpo na yung landas n’yo ang tagal n’yo na kasing naglalaro ng patenterong dalawa.”at pagkawika noon ay lumisan na ito.
“Sandali lang Cathy, hintayin mo ko.”
“Panaginip!” nawika na lamang niya sabay hilamos ng kanyang mga palad sa kanyang mukha.
BINABASA MO ANG
When a Gangster Fell In Love
Novela JuvenilWhat if a gangster fell in love? Is he willing to change for a better, or he will change for worst?