Chapter Six

131 4 0
                                    

“Mayroon akong nakita, hindi ko sasabihin. H’wag mo akong pilitin baka ito’y sabihin.” Nakangiting wika ni Sarah habang yakap yakap ang kaniyang sarili.

Makahulugan namang tinitigan ni Princess ang kaibigan na tila ba nahihibang dahil sa ina-akto nito.

“Ano bang nangyayari sayo?” untang niya rito, ngunit tila hindi naman siya nito narinig at nagpatuloy pa ito sa pagkanta.

“Lagot ka lagot ka, isusumbong kita, isusumbong kita may kasama kang iba.” Pagpapatuloy pa nito.

Bigla ang pagbalandra ng kaba sa dibdib ni Princess nang maalala n’ya ang engkwentro nilang dalawa ni JD isang hapon tatlong araw na ang nakakaraan, hindi kaya iyon ang tinutukoy ng kanyang kaibigan. Dahil sa isiping iyon ay hindi napigilan ni Princess na pagsaklubin ang kanyang mga palad sabay takip sa kanyang mukha. Hanggat maaari ay ayaw na niyang balikan ang tagpong iyon pagkat naaalala lamang niya ang kalapastanganang ginawa ni JD, ang pagnakaw nito sa kanyang unang halik. Of all people bakit si JD pa, kung pwede namang si DJ na lang.

“Alam mo friend ok lang yon, wala kang dapat ikahiya dapat nga maging proud ka pa,” nakangiting wika pa ni Sarah. Ngunit nanatili lamang si Princess na nakayuko habang nakatakip pa rin sa mukha niya ang kanyang mga palad.

“Ano bang drama yan friend, pang FAMAS na yang acting mo, cheer-up. Alam mo kung ako yon magse-celebrate ako.” dagdag pa nito habang matamang nakatitig sa kaibigan na tila ba pinagsakluban ng langit at lupa.

“I rather choose to be alone, magkulong sa kwarto at magtago sa tao. I really hate it,” mangiyak-ngiyak niyang wika.

“Wow! Talaga lang? There are a lot of things to be enjoyed and to celebrate for. Gosh kung ako yon baka nagpa-party na ko sa bahay.” Nakangiti nitong wika habang w-in-ew-ave pa ang mga kamay sa ere.

“Enjoy, celebrate. Oh are you kidding? Mas gusto kong magpakape at biscuit kaysa magpa-party.” Sarkastikong wika niya.

“Why are you acting like that daig mo pa ang natalo sa lotto. Gosh ganyan ba talaga ang epektosayo nang pagpansin sayo ni DJ? I thought magiging glad ka kasi at last pinansin ka rin n’ya, na hindi gaya nung dati na tinitingnan mo lamang s’ya ng palihim mula sa malayo. Pero ngayon abot kamay mo na s’ya friend, kaso lang ano imbis na magtatalon ka sa tuwa tila ka naman naglalamay at namatayan. Anyare?” Pag-uusisa nito.

“Kung alam mo lang,” she wispher.

“Ano?”

“Wala, sabi ko nga dapat magsaya ako kasi at last napansin din ni DJ ang existence ko.” And a fake smile registers on her face. But for now she feel relieve, pagkat ang akala niya kanina ay yung halik sa pagitan niya at ni JD ang tinutukoy nito.

 “Nga pala friend close pala kayo ni JD my love, hindi mo man lang sinabi sakin,” nagtatampong wika nito ngunit makikita mo sa mga mata nito ang pananabik.

“Kami close? In your dreams pwede ba h’wag na nating pag-usapan ang lalaking yon at sinisira mo lamang yung mood ko.” Pagkawika noon ay tumayo na siya sa bench at naglakad patungo sa building nila.

“Cess, wait. Bakit ba masyado kang high blood kapag si JD na yung pinag-uusapan.” Taking tanong niya habang nagmamadali sa paghabol dito.

“Sa ayoko lang s’yang pag-usapan, isa pa masama sa kalusugan natin ang pagtsismisan ang buhay ng iba,” panga-ngatwiran niya.

“Umamin ka nga Cess, may gusto ka ba kay JD?”

“In your dreams, hahahah! Nagpapatawa ka ba?” sarkastiko niyang wika.

“Sabagay si DJ nga pala ang gusto mo muntik ko nang makalimutan.” And then she smile so dearly.

“Tara na sa sa field, baka nagstart na yung game nila DJ,” sabay hila ni Sarah sa kaibigan patungo sa field kung saan nagaganap ngayon ang final game ng lawn tennis.

Habang masayang naglalakad ang magkaibigan patungo sa open field ay may nadaanan silang kumpol ng mga estudyanteng abala sa pagkwe-kwentuhan.

“Guys, have you heard about the hot news?” narinig niyang wika ng isa sa mga ito.

“So, ano na namang bago Mr. Newscaster? Bilis na-e-excite ako,” wika ng isa sa mga ito.

“Gues what?” pa-suspense effect pa nito.

“May pa gues what, gues what ka pang nalalaman kung sinasabi mo kaya.” Sabay batok ng isa sa mga lalaking kasama nito.

“Aray naman, try mong lakasan medyo mahina kasi.” Pagre-reklamo nito.

“Cess, tara na.” Untang ni Sarah sa kaibigan nang hindi ito tumalima ng hatakin niya ito. Nakuha kasi ng grupo ang atensyon niya isa pa ay nais niyang malaman kung ano bang balita ang tinutukoy nito.

“Hi Princess Irish,” nagulat pa silang pareho ng batiin siyang sabay-sabay ng mga ito, pagkat hindi naman siya sikat sa school paano siyang nakilala ng mga ito.

Isang tipid na ngiti lang ang isinagot niya, sabay hatak sa kaibigan at naglakad na sila palayo.

Ano kaya yung hot news? Tanong na tanging sa isipan na lamang niya naisatinig.

Nang marating nila ang venue ng game ay hindi sila makapaniwala sa kanilang nakikita, halos di mahulugang karayom ang field dahil sa sobrang dami ng taong nanunuod ng laban ni DJ. Well wala namang bago doon, he’s one of the most popular guy in school at ang isa sa pinaka hinahangaan ng mga kababaihan sa kanilang campus at hindi na dapat pang itanong kung bakit.

Mula sa malayo ay natanaw naman ni DJ ang pagdating ng dalaga at ng kaibigan nito, gustuhin man niyang i-approach ang dalaga ay hindi maaari; una ay dahil nasa gitna siya ng laban, ikalawa magiging issue yon lalo pa at kumakalat na sa campus ang relasyon nito at ng kanyang kambal at ikatlo siguradong trouble ang kauuwian kapag nalaman ito ni JD. Well wala naman s’yang gagawing masama kakausapin lang naman niya si Princess just to ask lots of things.

Di kalayuan ay matama namang pinagmamasdan ni JD mula sa malayo ang kararating lamang na dalaga, actually he’s been searching for her this past few days para mag-apologize sa kanyang ginawa kahit na pakiramdam niya ay wala naman siyang dapat na ihingi ng tawad. Though he admits that he had been too rude that day, pero wala naman siyang pinagsisihan ukol sa bagay na yon and he thinks that what happened between the two of them was really great.

Why do I need to apologize even though I wouldn’t feel sorry at all? But I really need too. He said to himself.

When a Gangster Fell In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon