Simula na ng sports fest, ito ang araw na pinakahihintay ni Princess. Pinalad kasi siyang mapasali sa women’s volleyball sa kadahilanang nagkaroon ng problema ang isa sa representative ng kanilang year level.
“Wow! I think it’s going to be exciting.” Nakangiti n’yang wika habang patungo sa field kung saan magsisimula ang parade.
Pagdating niya sa field agad niyang hinanap ang kanyang mga kateam mates. Hindi naman s’ya nabigo dahil agad niyang natanaw ang kinaroroonan ng mga ito. Masaya niyang tinungo ang pwesto ng mga kagrupo. Malayo pa lang ay abot tenga na ang ngiti niya, pagkat nakita rin niya ang lalaking hinahangaan, si DJ Tiongson.
Isa si DJ sa member ng lawn tennis club ng school nila at madalas din itong naipanlalaban sa mga competitions. He’s became an asset sa school dahil lagi niyang naipapanalo ang alinmang kompitisyong sinasalihan niya. Mapa-academic man o sports pa.
Hindi maalis ni Princess ang kanyang atensyon sa binatang pinakatatangi, abala ito sa pakikipagkwentuhan sa kapwa player nito.
Tuwing nasisilayan talaga ni Princess ang mukha ng binata ay hindi maalis ang atensyon n'ya rito na kalimitang nagiging dahilan ng pagkapahamak n'ya gaya na lamang ngayon. dahil wala sa daan ang focus ni Princess hindi niya namalayan na bumangga na siya sa isang bulto, mainam na lamang at naging maagap ito dahil kung nagkataon ay baka sa lapag siya pulutin.
"Pwede ba sa uli-uli, titingin ka sa dinaraan mo Miss, di mo alam nakakapahamak ka na ng kapwa mo," asik nito habang unti-unting inaalalayan sa pagtayo ang dalaga.
"As if naman na ako lang ang may kasalanan. Eh kung tumitingin ka rin kaya sa dinaraanan mo?" inis niyang wika sabay taas ng tingin sa nakabanggaan.
"Ikaw?" Magkapanabayag wika ng dalawa na bakas ang labis na gulat sa kanilang mga mukha.
"Sinusundan mo ba talaga ako?" makahulugang tingin ang ibinigay niya sa dalaga.
"Ikaw, susundan ko? ASA! Pwede ba h'wag kang assuming," iritableng wika niya sabay irap.
Kahit kailan talaga inuubos ng lalaking ito ang pasensya ko. She wispher.
"Talaga lang? Nga pala akala mo ba nakalimutan ko na yung atraso mo sakin nung nakaraang linggo, nagkakamali ka," pagkawika noon ay unti-unting inilalapit ng binata ang mukha sa mukha ng dalaga. Dahilan upang mapa-atras ang dalaga.
"Pwede ba," asik niya sabay tulak dito.
"Umamin ka na kasi, ini-stalk mo ko," giit pa ng binata.
"Ikaw? In your dreams! Kahit ikaw na lang ang nag-iisang lalaki sa mundo, hinding-hindi ko gagawin 'yon." Pagkawika niya noon ay agad na n'yang tinalikuran ang binata. Ngunit bago pa siya tuluyang makalayo ay nahablot na nito ang braso niya dahilan upang mapahinto siya.
"Kinaka-usap pa kita. Ang pinaka-ayoko sa lahat ay yung habang kinaka-usap ko ay tatalikuran ako," bakas ang pangtitimpi sa mga tinig nito.
"Talaga lang? Sino ba ang may sabi sayo na kausapin ako, wala naman di ba kaya kung maaari lang let go of my arms," inis niyang wika sabay bawi sa kanyang braso.
"Inuubos mo talagang babae ka ang pasensya ko. Akala mo kung sino kang maka-asta," di pa rin ito tumitigil nang pakikipagdiskusyon sa kanya.
Hindi namalayan ng dalawa na gumagawa na pala sila ng eksena sa field at halos lahat ng tao doon ay sa kanila na naka-focus ang atensyon.
Iba-ibang reaksyon ang mababasa mo sa mukha ng mga tao pagtataka, inggit, inis mga matang puno ng mga tanong.
"Pasensya? Meron ka pala nun, spell nga," pang-iinis pa ni Princess.
"Sinusubok mo talaga akong babae ka, pwes wait for my revenge tingnan natin kung hindi ka magmaka-awa." may hamig na pagbabantang wika nito sabay talikod at nagmartsa na palayo sa field.
"As if naman na matatakot mo ko," bulong niya. at naglakad na siya patungo sa pwesto ng mga kasamahan.
Hay, isa't kalahating abnormal din pala ang isang iyon, sabi nya ayaw n'ya nang tinatalikuran s'ya kapag kinaka-usap n'ya. eh gawain naman pla n'ya yon. Inis na naibulong na lang sa sarili ni Princess.
Buti na lang at magkaiba kayo ng ugali ni DJ at pasalamat na lang ako na hindi ikaw yung nagustuhan ko. Grr! ang sama talaga ng ugali mo, buti na lang talaga at si DJ ang nagustuhan ko at hindi ikaw. Sabay lingon sa kinaroroonan ng binatang kanyang itinatangi.
Laking gulat nya nang mahuli itong nakatingin rin sa kanyang direksyon, mababakas ang labis na pagtataka sa mga tingin nito na tila ba sinasabing: sino siya at ano ang kaugnayan niya sa kakambal nito.
Agad din naman siyang nagbawi ng tingin, pagkat nararamdaman niya ang pagpupumiglas ng kanyang puso. Hayun na naman ang kakaibang damdaming lumulukob sa kanya.
Nang makalapit na siya sa pwesto ngmga kasamahan ay inulan siya ng mapanuring tingin ng mga ito Hanggang sa hindi na makatiis ang iba at tinanong na rin siya.
"Girl, hindi mo sinasabi magkakilala pala kayo ni JD," inggit na wika ng isa sa mga kasamahan niya habang isa isa na siyang pinapalibutan ng mga ito. pakiramdam ni Princess ay nasa hot seat siya ngayon.
"Oo nga, ang daya mo naman. Ipakilala mo naman kami minsan sa kanya," singit pa ng isa sa mga ito.
"May namamagitan ba sa inyo? Mukhang importante yung pinag-uusapan n'yo kanina." Busisi pa ni Kathy na kamag-aral niya.
Lahat ay hindi magkamayaw sa pagtanong sa kanya. mababakas mo yung inggit sa mga himig ng boses nila. She therefore conclude na lahat halos ng kateammates niya ay may pagtingin sa mayabang na gangster na JD na yon.
"Do not jump into conclusion girls, wala kaming kaugnayan sa isa't isa at lalang hindi kami close." medyo iritable na niyang wika.
"Kung hindi kayo close at wala kayong kaugnayan, bakit nakita namin kayong magka-usap kanina at mukha pa kayong may-LQ na dalawa?" naguguluhang tanong ni Anna isa rin sa kateam niya.
"Yun ba? Tanga kasi di marunong tumingin sa dinaraanan n'ya." inis niyang sagot.
At isang makahulugang tingin ang ipinukol ng mga kasamahan niya sa kanya na para bang sinasabing hindi kami naniniwala sayo.
"Pwede ba h'wag na nating pag-usapan ang gangster na yon, he's just a watse of time. Isa pa malapit na ring mag-start yung parade," at umayos na siya ng pila. isang matalim na tingin lamang ang ipinukol ng mga ito sa kanya.
BINABASA MO ANG
When a Gangster Fell In Love
Teen FictionWhat if a gangster fell in love? Is he willing to change for a better, or he will change for worst?