Dahil hindi napansin ni Princess na may makakasalubong siya ay bumangga siya rito dahilan upang mapasalampak siya sa sahig.
“Sana man lang marunong kang magsorry at tumulong,” iritableng wika ni Princess habang dahan-dahang tumatayo.
Wala siyang ka-alam-alam kung sino ba ang kanyang nakabungguan pagkat ang atensyon niya ay na sa pagpapagpag ng kanyang uniform. Ni hindi man lang niya na gawang tingnan muna kung sino ba ang kanyang nakabungguan.
“Ako, magso-sorry at tutulong sayo? Nagpapatawa ka ba?” Nakahalukipkip nitong wika habang sinusuri siya mula ulo hanggang paa.
Dahan-dahan niyang inangat ang kanyang mukha upang tingnan kung sino ba ang mayabang na lalaking nakabanggaan niya. Nagulat man ay agad din naman siyang nakabawi.
“Bakit nakakatawa ba ang sinabi ko?” pagmamataray niya.
Kahit kailan ang yabang talaga. Bulong niya sa sarili.
“Alam mo wala akong panahong makipagdiskusyon sa mga walang kwentang taong tulad mo, kaya pwede ba, tumabi-tabi ka lang at nakaharang ka sa daraanan ko,” sabay hawi sa dalaga.
“Eh. Ang yabang mo pala, akala mo kung sino kang maka-asta. Hindi ikaw ang may-ari ng school na to lalong hindi ka anak ng president. Akala mo kung sino ka,” inis niyang wika rito. Dahilan upang huminto ito sa paglalakad at balikan siya sa pwestong kinalalagyan niya.
“Tinatanong mo kung sino ako? Bakit ikaw sino ka ba? Ni hindi nga kita kilala. Pero ako sigurado akong kilala mo ako,” gigil nitong wika, maya-maya pa’y napalitan ng makahulugang tingin.
“Eh, sino ka ba? Di rin naman kita kilala,” pagmamakaila niya.
“Talaga lang? You can’t fool me. Is this one of your dirty play para mapansin kita? How pathetic.” Nailing na lang na wika nito.
“For your information Mr. Hari ng Kayabangan, hindi ako mag-aaksaya ng oras para lang magpapansin sayo. Talking with you is just a waste of time,” di na n’ya mapigilan ang inis na nadarama. Mas mayabang pala sa personal ang lalaking ito.
Ito ang unang beses na nagtagpo ang landas nilang dalawa ni JD kahit pa sabihing sa iisang school lamang sila pumapasok. Sabagay posible naman ‘yon sapagkat may kalakihan ang school nila at isa pa graduating na ito habang siya ay nasa ikatlong antas pa lamang.
“Sinong mayabang? Kilala mo ba kung sinong kausap mo?” may halong pagbabantang wika nito habang unti-unting lumalapit sa kanya. Hindi naman natinag si Princess sa kanyang kinatatayuan.
“Hindi, and I don’t wanna know who you are.” wika pa niya.
“Aba’t, tingnan natin kung hanggang saan ang tapang mo.” Pagkawika noon ay kinuhan nito ang cellphone sa bulsa ng pantaloon at saka nagdial.
Medyo kinabahan siya, balibalita kasi sa campus kung gaano kalupit sa mga taong nakakabangga o bumabangga sa kanya itong si JD.
Patay, ito na yata ang katapusan ng career ko. H’wag naman po sana Lord, mahal ko pa po ang buhay ko. She wisphered.
Tingnan natin ang tapang mo, too bad for you. A devil smile registered on his face.
“I’ll better go now, at late na ko sa klase ko. Maiwan na kita hari ng yabang,” at naglakad na siya palayo bago pa mahuli ang lahat. Ngunit bago siya tuluyang makalayo ay tinapunan muna niya ito ng tingin. Nakita n’ya ang pagrehistro ng inis sa mga mukha nito na tila ba sinasabing hindi pa tayo tapos. May araw ka rin.
Akala mo kung sino ang yabang talaga, akala naman n’ya masisindak n’ya ko. Ano s’ya hilo, oo at marami nga ang takot at umiiwas sa kanya pero h’wag nya kong ibilang sa mga duwag na ‘yon, iritableng wika ni Princess sa sarili.
Ilang sandali matapos talikuran ni Princess ang binata ay nilisan na rin nito ang lugar kung saan sila nagkabangga.
“Grr.. May araw ka ring babae ka, hindi ako titigil hanggat hindi kita napapabagsak. Malalaman mo ngayon kung sinong kinalaban mo.” Iritableng wika ni JD habang naglalakad papuntang klase n’ya.
“JD, mukha yatang di maganda ang timpla mo ngayon?” nagtatakang tanong ni Christian isa sa mga kabarkada niya.
“Riot?” singit naman ni Patrick.
“Pwede ba, tumabi-tabi kayong dalawa at baka sa inyo ko ibunton ang inis ko,” pagkawika noon ay dumiretso na ito sa upuan n’ya.
“Anong problema noon?” magkasabayang wika ng dalawa habang makahulugang tiningnan ang kaibigan.
BINABASA MO ANG
When a Gangster Fell In Love
Teen FictionWhat if a gangster fell in love? Is he willing to change for a better, or he will change for worst?