Matapos ang parade ay dumiretso na sa kanyang locker si Princess para magpalit ng damit. Tutal ay bukas pa naman ang laban nila kaya ayos lang kahit na hindi siya naka-jersy.
While she's on her way malayo pa lang ay rinig na niya ang boses ng tatlong babaeng obvious naman na siya ang pinagkwe-kwentuhan.
"That bitch, akala n'ya kung sino s'ya. Hindi sya kagandahan, she's so baduy," pagpaparinig ng isa sa mga ito kundi s'ya nagkakamali iyon ay walang iba kundi si Mariz Apas ang isa sa mga kaklase ni DJ at JD kasama ang kabarkada nitong sila Aila Jorge(AJ) Salcedo at Maria Christine(Chris) Macaso.
“You’re right Mariz, she’s so baduy. At nakita n’yo ba girls kung paano niya pakitunguhan si JD, gosh ang kapal n’ya,” sabay pukol ng nakamamatay na tingin kay Princess.
Di na lamang n’ya pinangsin ang mga ito at nagpatuloy na siya sa kanyang paglalakad, ngunit bago pa siya tuluyang makalampas sa mga ito ay may pumigil sa kanyang braso.
“Ano bang problema n’yo?” inis niyang wika sabay baling sa mga ito.
“Ikaw, dahil isa kang malaking higad,” sabay duro sa kanya ni AJ.
“What? Are you talking to yourself? Dahan-dahan lang sa pagsasalita nagbou-bounce back kasi sayo yung sinasabi mo,” sarkastikong wika niya.
“Aba’t, akala mo kung sino kang maka-asta. Hindi porket pinansin ka ni JD ay nagmamayabang ka na,” gigil namang wika ni Chris.
“Ako pinansin? As if naman na nagpapapansin ako. oh, nakalimutan ko nga pala kayo nga pala yung tatlong babaeng magpapakamatay mapansin lang ni JD. Pero sorry na lang kayo hindi ang tipo n’yo ang magugustuhan n’ya at nasisiguro ko un,” pang-iinis pa niya.
Bakas ang gigil sa mukha ng mga ito. These three girls, they are all willing to do everything para lang mapansin ni JD, but he didn’t pay attention to them kaya nga nang makita nilang kina-usap ng binata si Princess ay nagngingitngit sila sa inggit at galit. Di linggid sa kaalaman ng lahat na ni minsan ay hindi nag-abala o nagbigay ng atensyon itong si JD sa kahit na sinong babaeng umaaligid dito. Kaya naman agad nilang pinag-initan ang dalaga.
Mariz, AJ and Chris came from well known family, they can get what they wanted to have except JD dahil ni minsan ay hindi sila tinatapunan ng attensyon nito, they keep on following him whenever they saw opportunities. Yun nga lang isang matalim na tingin lang ang ipinupukol nito kapag nahuhuli silang nakabuntot nito saying that, stay away from me or you’re dead.
“Ambisyosa, akala mo kung sino ka nab aka hindi mo nakikilala ang mga kinakalaban mo.”gigil na wika ni AJ.
“May kinakalaban ba ko? Sa pagkaka-alam ko kasi kayo ang unang lumapit at nanggulo sakin,” sarkastikong sagot niya.
“Aba’t sumasagot ka pa, itong bagay sayo!” sabay hablot ni Chris sa buhok ni Princess at nakitulong na rin ang dalawang kaibigan niya. Malakas ang loob nilang pagtulungan ang dalaga pagkat alam nilang karamihan ng mga mag-aaral ay nasa field at gymnasium pawang mga abala sa panunuod ng laban. Sinadya talaga nilang abangan si Princess sa lugar kung saan madalang ang nagdaraan.
BINABASA MO ANG
When a Gangster Fell In Love
Teen FictionWhat if a gangster fell in love? Is he willing to change for a better, or he will change for worst?