Chapter Five

134 6 5
                                    

That girl nakakabadtrip talaga s’ya, lintik lang ang walang ganti. Gigil na bulong ni JD sa sarili habang naglalakad siya papunta sa tambayan nilang magkakabarkada.

Nang 'di sinasadyang mabangga niya si John, kapatid ng bestfriend niyang si Patrick.

“'Di ka ba marunong tumingin sa dinaraanan mo?” inis na wika niya dito, agad din namang nagbago ang expression ng mukha niya nang makilala ang binata.

“Mukhang badtrip ka ata kuya Dhev, may pinagtalunan ba kayo nung gf mong si Princess?” nakangiting tanong nito.

Isang makahulugang tingin ang ibinigay niya rito.

“May nasabi ba akong mali kuya? Nakita ko kasi kayo ni Princess na nagtatalo kanina, di mo sakin sinasabi girlfriend mo pala s’ya, sayang at naunahan mo ko,” dagdag pa nito.

“Princess?” pilit n’yang nirecall sa sarili if may kilala ba siyang Princess, sabay flash sa isip niya ng mukha ng babaeng naka-alitan niya. Naaalala na niya, that was Princess Irish Musngi from third year section A.

“You’re making a story right? I don’t even know whom you are talking about.” Inis niyang wika.

“Kuya h’wag ka nang magkaila, hindi bulag ang mga tao sa paligid mo at lalong hindi kami tanga alam namin kung ano ang nakita namin. Promise me kuya na hindi mo sasaktan si Princess kasi kung magkakataon kahit itinuturing kitang kapatid hindi kita sasantuhin.” Pagkawika noon ay tumalikod na ito at naglakad palayo.

Kahit matagal nang nakaalis si John ay naiwan pa ring nakatayo s pwesto niya si JD.

“Bro, balita ko kay John kayo na pala ni Princess why you haven’t told us. Di ko alam marunong ka na palang magtago ng sekreto,” bungad ni Patrick kay JD ng dumating ito ng tambayan nila.

“Suntok, gusto mo?” sabay angat nito ng kamao na tila ba nagbabanta.“Masyado kang high blood, ano bang prolema, LQ?” usisa pa nito.

“Oo, LQ ang hirap ng long quiz natin sa physics kahapon kaya naka 5 lang ako out of 15.” Sagot niya kahit na alam niya kung ano ang tinutukoy ng bestfriend niya.

“Slow mo talaga, what I mean is lover’s quarrel.”

“I know. I want to clarify everything that girl and I didn’t have any relationship I don’t even know her.” Inis niyang wika, sabay hablot sa hawak na softdrinks ni Christian, Kianb for short na abala naman sa pagso-soundtrip.

“What do you think Kian?” agaw atensyon dito ni Patrick sabay tanggal ng headphones nito.

“Naman o, istorbo talaga kahit kailan.” Gigil nitong sagot sabay hablot ng headphones niya at muling ibinalik ang atensyon sa pagsa-soundtrip.

“Whatever!” sabay talikod dito at hinarap muli si JD.

“Nga pala JD gaano na kayo katagal na ni Princess? Alam mo bang halos 2 years nang nililigawan ni John yang si Princess.”  Maya maya’y usisa niya rito.

When a Gangster Fell In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon