Kabanata 13

236 7 0
                                    

Kabanata 13, Thanks to You

Niall

Is love too good to be true? Iyan ang tanong ko sa sarili noon sa tuwing makikitang sinasaktan ni Tatay si Mama.

Inayos ko ang sarili na nakaharap sa salamin. It's Wednesday, at may usapan kami ni Keila na mag-mall ngayon. Sakto at wala kaming pasok ngayong hapon.

Nakakatuwa nga lang isipin na sa ganito kong edad. Ngayon ko lang siguro mararanasan ang kumain sa labas ngayong birthday, ng may kasama.

Pinaandar ko na ang motor ko at dumiretso na sa Mall. Hindi na nagpasundo sa akin si Keila dahil baka raw makita ako ng Kuya niya. She said na sa McDo na lang daw kami magkita at duon na rin kumain ng Lunch.

"Niall!". May tumawag sa akin kaya napatingin ako sa kaniya. Nakita ko si Keila na nakaupo sa pan-dalawahang table. Ngiting ngiti siyang kumakaway sa akin.

"Sigurado ka bang okay lang sa iyo dito?" Tanong ko pagkalapit sa kanya. A smile on her eyes while nodding gave me the sign that it is really fine.

"Ano ka ba? Favorite ko kaya rito!". Inilibot niya pa ang paningin sa paligid at tumango ulit nang magtama ang mga mata namin. "It is good here, kaya umorder ka na! Kanin and chicken na lang sakin". She said.

Ganon nga ang ginawa ko. Rice, chicken, friens, at McFloat lang ang olinirder ko. Baka kasi hindi na kayanin ng pera ko lalo pa't magsisine pa kami mamaya. Paglapag ko pa lang ng kakainin namin ay kinuhanan niya na ito ng picture.

"Ano ba kasing meron at bigla bigla ka na lang mayayaya?". Tanong niya bago sumubo. "Don't tell me birthday mo?". Hindi ako nakatingin sa kaniya pero ngumiti ako. "Birthday mo!". She exclaimed.

"Oo, birthday ko".

"Really? Shit! Wala pa naman akong gift sa iyo ngayon". Tinitigan niya ako na para bang nagiisip siya ng pwede niyang iregalo sa akin. "Ah! Alam ko na. Ako na lang kaya ang manglibre sa iyo? Please?". Umiling ako.

"Keila, napag-usapan na natin to, right? Tsaka, sapat na yung may kasama ako ngayon no!". I wink at her. "Your presence is more than enough, sa totoo lang".

Naalala ko pa kung ilang birthday ko ang lumipas na sa sementeryo lang ako buong magdamag. Nakaharap sa puntod ni Mama habang kinu-kwentuhan siya ng mga bagay bagay na nangyayari sa akin.

"Hindi, eh. Gusto ko talaga may regalo ako for you". Ngumuso siya kaya naman hindi ko napigilan ang sarili ko at napangiti na lang habang pinag-mamasadan siya. Bahagya kong kinurot ang ilong niya habang tumatawa.

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa sine. Napili namin ang movie na Love you to the stars and back. I'm not really into this, konti lang. Pero baka maboringan lang siya kung yung Thor ang papanoorin namin, so we chose this one.

"Wala namang sigurado sa mundo, eh. Pero minsan, kailangan mo lang maniwala".

It's true. Pero hindi sa lahat ng bagay, lahat ng pinaniniwalaan mo ay magkaka-totoo. Pero kung may isang bagay man akong hindi pinapaniwalaan? Iyon ay ang sinabi sa akin ni Mama bago ang araw na magpakamatay siya.

She said, may kapatid daw ako at gusto niyang hanapin ko siya.

Masaya iyon, siyempre. May kapatid ako, eh. Ang hindi ko lang maintindihan ay ang sabihin niyang anak niya iyon sa ibang lalaki. May sinabi siyang pangalan pero halos hindi ko iyon maintindihan.

That's why I entered the world of gangsters. Dahil akala ko matutulungan ako noon na hanapin ang kapatid ko. Connections. Pero wala parin palang silbi.

"Nanood ka ba talaga?". Natigil lang ako sa pagiisip nang magsalita ang katabi ko. I smiled to assure her. "Nabored ka naman yata, eh!". Napatingin ako sa malaking screen, onnly to find out na tapos na pala ang palabas.

Started With A DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon