Kabanata 11

282 16 0
                                    

Kabanata 11, I Moved on

Niall

Matutulog na sana ako pero may bigla na lang nagsisisigaw sa labas ng apartment ko. Sumilip muna ako sa bintana dahil akala ko ay lasing lang na kapit bahay iyon. But I'm wrong. Pagka silip ko pa lang ay nakita ko na ang lasing na si Brent.

"Tangna mo, Niall! Asan si Lily?!". Sigaw niya.

Eh, gago pala siya, eh. Bakit naman niya hahanapin sa akin? Lumabas ako at hinarap siya. Lumapit naman siya kaagad sa akin ng makita ako. Lasing na lasing siya at halata iyon sa paglakad niya. Muntik pa nga siyang matumba kung hindi niya lang naibalanse ang katawan niya.

"Where's Lily? I want to see her!".

"Hindi ko alam kung nasaan siya, Brent". Pagsisinungaling ko. Kung hindi sinabi sa kaniya mismo ni Lily kung nasaan siya, sino ba naman ako para ipagsabi iyon?

"She texted me and says umalis daw siya. But ofcourse I won't believe that! I knew your hiding her here!". Nagtangka siyang pumasok sa loob pero tinulak ko siya dahilan para mapaupo siya sa semento. "Please! I want to see her!". Halos pumiyok pa siya sa sobrang pagmama-kaawa.

Doon ko lang napatunayan that he's really in love with Lily. Ganoon siguro talaga kapag mahal mo ang isang tao, kahit ang may pinaka matigas na puso ay napapaiyak ng pag-ibig. Pero sa kabilang banda, napa ngisi na lamang ako. Tinamaan rin ang lintek.

"I'm sorry, Bro. Pero hindi ko talaga alam kung nasaan siya. Why don't you just ask her?". Pumasok na ako ng apartment. Sandali pa muna siyang nagingay bago tuluyang umalis. I wonder if he could still drive his car safely? So what if not? Bahala siya sa buhay niya.

--------
Keila

Napa bangon ako ng marinig ko ang tunog ng phone ko. It's already midnight and who ever is calling, it must be important, or else!

"Hello!" Halos mailayo ko ang phone sa teynga ko dahil sa lakas ng sigaw ng isang babae. Tumingin ako sa pangalan and it is Samie, Brent's sister.

"Samie? Nasaan ka?". Ang ingay ng lugar kung nasaan man siya. Wait, dont tell me. "Are you at the bar, Samie?"

"Oo! Si Kuya Brent kasi, eh. Kanina pa nanggugulo dito. Hindi ko alam kung sino ang tatawagan ko tapos naisip kita! Pumunta ka naman dito, oh. Hindi ko na kaya ang pinag gagagawa ni Kuya, eh! He's wasted! Please, ate Keila". Narinig ko ang pag-iyak niya tsaka ang sigaw ng pamilyar na boses.

Napa-iling na lang ako. Ano na naman ba ang problema ng isang ito kaya naglasing? Goodness, wala ng tao sa baba kaya madali akong nakatakas at sumakay na lang ng taxi.

"Ate, Ate!". May humawak sa akin sa braso, si Samie.

"Where's Brent?". Inilibit ko ang paningin sa dagat ng tao. Nakita ko doon si Brent na halos maglandusay na sa sahig sa sobrang kalasingan. "What happened? Bakit naglasing siya?". I murmured.

"I dont know. May tumawag na lang sa akin then boom! I came here pero ayaw paawat, eh. Gusto na yatang lunurin ang sarili sa alak. Mas mabuti kung ikaw na lang ang kumausap sa kaniya". Tumango ako.

Si Samie ang naging way kung bakit kami nagka kilala ni Brent. Bata pa lang kami ay magka kilala na kami. Isang taon lang naman ang agwat namin at para ko na rin siyang kapatid.

"Brent!". Hinawakan ko siya sa braso at tinulungang makatayo. "You'rr drunk. I don't think you can still handle this. Tumayo ka na at ihahatid na kita sa inyo". Sambit ko.

"Lily?". Pabulong niyang sambit habang nakatitig sa'kin ng diretso.

Lily? He called me Lily. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? I mean, bakit parang wala lang sa akin? I should be hurting, but luckily I'm not!

Started With A DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon