Wattpad Original
Mayroong 10 pang mga libreng parte

PROLOGUE

284K 4K 213
                                    

FREEZELL SERIES #1

"UMALIS ka nga riyan sa daraanan ko!" inis na inis na wika ko sa kaniya saka ko siya puwersahang itinulak.

"Good acting hysterical skills, huh?" aniya saka pa niya pa ako tinapunan ng nakakalokong ngisi. Talagang gusto niyang palabasin ang sama ng ugali na mayroon ako.

"I said get out of my way!" singhal kong muli sa kaniya. I want to slam the door in this arse! How can he be so insensitive? Hindi niya ba maramdaman na ayaw ko munang makasama siya sa iisang bahay?

Napamulagat ang mga mata ko nang higitin niya ako palapit sa kaniya. Nagkalapit ang mga mukha namin at nagtama ang aming paningin.

"If I say you'll stay here with me, then you'll stay here with me. Not unless you want me to tie you in bed and make you scream out my name until you get sore?" puno ng awtoridad at nagbabantang usal niya.

Biglang lumakas at bumilis ang pintig ng puso ko kaya't padabog kong hinatak ang braso kong hawak niya at mabilis na tumakbo pabalik sa kwarto ko. Alam kong hindi ako mananalo sa kaniya—hindi, hindi lang talaga ako uubra.

Letse kang Mondragon ka! May araw ka rin talaga sa akin!

Nagpupuyos talaga ang damdamin ko sa inis ko sa kaniya. Sino ba naman ang hindi? Para siyang hari na kailangan sundin. Halos araw-araw na lang ganito. Araw-araw na lang haharap ako sa mga taong nakakakilala sa amin bilang mag-asawa at kailangan kong magpanggap na okay ako, na masaya ako, na napaka successful ng marriage namin, at nagkakasundo talaga kami. Nakakapagod!

Para sa akin kung anong napag-usapan namin tungkol sa kasal na ito ay iyon lamang ang turing ko sa kaniya at alam kong ganoon din naman siya sa akin, pero madalas parang nakakalimutan niya yata ang estado ng relasyon namin sa isa't isa.

Bawat lalaking madidikit sa akin kahit na nakikipagkamay lang, siguradong may kalalagyan sa kaniya. Letseng 'yan! Ako na minsan ang nahihiya sa mga ginagawa niya.

"Open this damn door, Aiyell," narinig ko ang tinig na iyon mula sa kabilang bahagi ng pinto kasabay ng pangangalabog niya rito.

"Ayaw ko!"

"Mas hindi mo gugustuhin kapag sinira ko 'to," aniya at sa isang iglap ay lumagabag na lamang ang pinto sa harap ko at nakita ko siyang nakangisi sa akin na animo nais niya akong parusahan dahil sa mga maling desisyon ko sa buhay.

"What the—anong ginawa mo?" iritado kong angil sa kaniya. Napabangon pa ako ng kama dahil sa sobrang gulat sa ginawa niya.

Lumakad siya palapit sa akin at sa isang iglap lamang ay halos iisang hangin na lamang ang hinihinga namin. Napakalapit niya at parang sasabog ang dibdib ko dahil sa mas pinabilis na tibok ng nasa loob nito.

"You have to obey me, Aiyell. Afterall, I am the upper hand—I am your fake husband."

Hindi ako nakagalaw. Unti-unting nag-sink in sa akin ang sinabi niya. Akmang hahakbang ako patalikod nang bigla na lamang niya akong niyakap. Sinubukan kong magpumiglas, ngunit tila na naman ako nakulong sa ideya na napakakomportable ko sa mga braso niya. Narito na naman ang pakiramdam na tila tiyak ang seguridad at kaligtasan ko sa mga bisig niya.

I'm Aiyell Lyanne Hilton– Freezell, and he's...

Claw Lassiter– Mondragon, MY POSSESSIVE FAKE HUSBAND!

My Possessive Fake Husband (Freezell #1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon