Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

Seven

127K 2.3K 104
                                    

AIYELL

"AIYIE, dito ka na maupo," aya sa akin ni Hira nang makapasok ako ng cafeteria. Agad naman akong lumakad sa gawi nila at naupo sa pagitan nilang dalawa ni Hyun.

Sinabi ko na lang kay Eleina ang order ko dahil nag-initiate naman siya na siya na lang daw ang mag-o-order.

'They really look good together.'

Dinig kong bulungan ng mga ka-officemate ko na dahilan nang paglingon ko sa entrance ng cafeteria.

Nakita kong napalingon sa gawi ko si Crosante at ngumisi pa. Hinahamon yata ako nito? The last time I check, putlang-putla 'to nang malaman niya kung sino talaga ako.

"Oh, order n'yo," ani Eleina saka isa-isang binaba ang mga order namin.

Kinuha ko nang tahimik ang pagkain ko at nagsimula na akong kainin ito.

'PDA man sila pero ayos lang maganda't guwapo naman.'

Bulong na naman! Ano bang pakialam ko kung mag-PDA 'yang mga letseng 'yan? Bakit kailangan iparinig pa sa akin?

"Hey, Aiyie! Ayos lang ba sa 'yo na kumain ng giniling na beef steak?" Napatingin ako kay Hope na siyang nagsalita. "Durog na kasi 'yang beef steak na kinakain mo, parang gigil na gigil ka."

Itinuon ko naman ang tingin ko sa pagkain ko. Tama nga siya, durog na.

Tinapos ko ang pagkain ko at bahagyang sinulyapan ng tingin sina Claw at Crosante. Hindi na nahiya ang mga walanghiya! Tama ba naman na magsubuan? Salaksak ko kaya sa kanila 'yang mga kutsara nila?

Padabog akong tumayo sa upuan ko na naging dahilan ng pagtaob nito. Nakita kong napatingin sa gawi ko si Claw at parang gulat na gulat pa siyang makita ako rito. Tinignan ko lang din siya sa mga mata.

"Gusto niyang intindihin mo siya. 'Yon ang sinasabi ng mga mata niya," anang isang tinig. It was Hope.

Lumingon ako sa gawi niya at tinapunan ko siya ng nagtatanong na tingin. "Huwag ka nang magtaka na may alam ako nang kaunti sa inyo ni Sir Claw, private ang naging kasal n'yo pero meron pa rin naman na iilang tao na nakaalam nito. Isa na 'ko roon," bulong niya saka ngumiti sa akin. Nagulat ako sa narinig kong iyon. Hndi ko inakala na may kahit isang nakakaalam dito sa opisina.

Hinatak ko siya at bahagyang dinala sa gilid na parte ng cafeteria. "Kung may alam ka pala mabuti't hindi pa nalalaman ng buong kumpanya?" tanong ko.

"Hindi mo pa nga ako kilala, Aiyie," aniya saka tumawa ng payak. "Hindi ko ugaling mang-invade ng privacy. Tsaka inisip ko rin na kung gusto n'yong malaman talaga ng mga tao na kasal na kayo, baka hindi n'yo na ito ginawang pribado. Don't worry, I'm on your side. Wala kang dapat intindihin sa sikreto mo," dagdag pa niya saka ako binigyan ng matamis na ngiti.

"Salamat," tanging tugon ko. Hindi ko naman sikreto ang kasal namin ni Claw, hindi lang talaga ako komportable na may ibang nakakaalam.

Sabay na kaming lumabas ni Hope ng cafeteria at nagkaniya-kaniyang landas na nang tahakin namin ang daan papunta sa floor namin.

Nakaupo ako ngayon dito sa cubicle ko at hinihintay ko si Claw sa mga iuutos niya sa akin. Kanina pa siya nakabalik sa opisina niya, ngunit hindi ko siya pinansin nang hintuan niya ako rito sa harap ng cubicle ko. Natatabangan akong kausapin siya. Mabuti nga at hindi na niya kasama si Crosante nang bumalik siya.

Kung itatanong n'yo kung naitanong ko na ba sa kaniya ang nadatnan namin ni martilyo noon, ang sagot ko ay hindi pa. Ewan ko ba, parang ayokong itanong dahil baka hindi ko magustuhan ang isasagot niyang dahilan.

My Possessive Fake Husband (Freezell #1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon