Wattpad Original
Mayroong 6 pang mga libreng parte

Four

125K 2.4K 144
                                    

AIYELL

MATAPOS ang insidente sa opisina ni Claw ay hindi ko na muna siya kinakausap. Hangga't maari ay iniiwasan ko siya. Nahihiya ako sa ginawa kong pagtugon sa halik na iyon! Para akong matandang matrona na kulang sa romansa.

"Aiyie, puwede bang ikaw na lang ang magbigay nito kay Sir Claw? Naiihi na kasi ako. Please," ani Hope na siyang sumalubong sa akin.

Hindi nga ako pumapasok ng opisina niya at dinadaan ko lang sa intercom ang mga gusto kong sabihin sa kaniya. Sa bahay naman nagtutulog-tulugan ako kaya't hindi na ako nakakapag-dinner tapos ngayon uutusan lang ako?

"Ikaw na lang," walang emosyon kong sagot.

"Sige na, Aiyie, alam mo namang bawal magpigil ng ihi ang buntis," wika niya na ikinalaki ng mata ko.

"Buntis ka?"

"Oo, two months na. Si Sir Claw ang ama."

"ANO?" Literal akong gulat na gulat sa narinig ko.

"Kidding! Naku, napaghahalataan ka talaga, Aiyie! O'sya, ihing-ihi na talaga ako," aniya saka niya ibinigay ang bungkos ng papel sa akin.

"Teka lang!" sigaw ko. "Bakit nag-aaya ka pang mag-bar noong isang araw?"

"Kahapon ko lang nalaman na buntis ako!" sigaw niya naman pabalik. No choice. Kailangan kong ibigay ito sa kaniya.

Kumatok muna ako ng tatlong beses—na hindi ko naman ugali, bago ako pumasok.

Nang makapasok ako ay nakayuko lang ako at hindi ko siya tinignan. Inilapag ko lang sa mesa niya ang mga papel at akmang lalabas na nang magsalita siya. "What the hell is wrong with you, Aiyell?" tanong niya sa napakaseryosong tono.

"Mr. Mondragon, we're in the office right now and we should not associate office matters in our personal matters," sagot ko habang nakatalikod pa rin. "And it was YOUR office policy SIR." May diin ang mga salitang iyon na binitawan ko

"THE HELL I CARE WITH THAT DAMN RULE!" Tumaas ang boses niya sa sinabi niyang iyon.

Gagawa-gawa ng sarili niyang patakaran tapos siya rin naman pala ang babali. Ibang klase talaga ang utak niya na kahit yata si Madam Auring hindi mape-predict kung anong sunod niyang gagawin.

"Kung wala na po kayong sasabihin, lalabas na po ako."

Hinawakan ko na ang seradura ng pinto nang magsalita na naman siya. "Sa oras na lumabas ka sa pintong iyan get ready for the consequences, Aiyell Lyanne. Kahit madatnan kita sa bahay ng tulog, I swear, hindi kita patatahimikin. I'll make love to you until dawn. I'm going to make you scream out my name until you get sore." He must be so damn serious based on his voice that I just heard.

With that napalingon na ako sa kaniya—but wrong move, nasa likod ko na pala siya. "W–what do you want?" I stuttered. Napakalapit kaya niya sa akin!

"You kept on asking me what do I want, but you cannot give it to me," he said so seductively. Tila ako lalong nakakaramdam ng hiya nang pasadahan niya ng dila niya an g pang-ibabang labi niya.

"D–Don't play like a fool, Claw! I–I'm asking what do you want?" I kept stuttering. Curse this mouth!

"Bakit mo 'ko iniiwasan?" Bakas sa tono niya ang pait—o baka imahinasyon ko lamang 'yon.

"H–Hindi kita iniiwasan!"

"Really?" aniya at bigla niyang itinutok ang mukha niya sa mukha ko na nagpakabog muli ng dibdib ko. "Then, bakit kahit gumising ako ng alas tres o alas quatro ng umaga, hindi na kita naaabutan?"

My Possessive Fake Husband (Freezell #1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon