Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte

Nine

123K 2.1K 243
                                    

AIYELL

NARITO kami sa Designing Department ngayon ni Hope at naabutan namin si Kelly na busy sa pag-e-edit ng mga pictures.

"Ms. Villaforte," pukaw ko sa atensyon niya.

Lumingon naman ito sa akin at tila ba nakakita ng anghel sa katauhan ko dahil parang nag-twinkle ang mga mata niya. "Ms. Freezell, I'm so glad you're here!" saka pa ako nito dinamba ng yakap.

"Ipapasa ko lang sana 'tong mga designs," wika ko at nagpumilit kumawala sa kaniya.

Kinuha niya sa 'kin ang hawak ko at muli akong hinarap. "I need you, Ms. Freezell, last na 'to. Isang photo lang with Mr. Heiton, hindi kasi 'to nakuhanan last time. Please. Walang Sir Claw ngayon kaya please pumayag ka na," pagmamakaawa niya sa akin.

"Sige," maagap kong sagot sa kaniya. Nakita ko ang biglaang panlalaki ng mata niya sa sinagot ko.

"What—THANK YOU!" saka ako nito muling niyakap. "Rina, give her the black lingerie," utos ni Kelly sa assistant niya.

Agad naman tumalima si Rina at inabot sa akin ang itim na lingerie. Mas okay ito kaysa noong isang araw. This one isn't too revealing.

"Have you talked to her?" Napapitlag ako sa nagsalita sa likod ko.

"Yes Mr. Heiton, and I'm glad to say na pumayag siya," sagot naman ni Rina kay Levin.

"Good. I'll get dress tapos tumuloy na kayo sa studio. Nandoon na si Ivan," kaswal na wika nito na hindi man lamang ako tinapunan ng tingin.

"Ms. Villaforte, ano pong sinabi n'yo na wala si Mr. Modragon?" tanong ko kay Kelly na ngayon ay busy sa pagtingin sa portfolio.

"Mawawala kasi ng three hours si Sir dahil my urgent meeting siya sa Crosante Group of Company— teka, 'di ba ikaw secretary niya? Dapat alam mo 'yon," balik naman nito sa akin at tila napahiya ako.

"Hindi ko na po kasi hawak ang schedule niya simula pa noong nakaraang linggo. Siya muna raw ang bahala sa schedule niya for the whole month," paliwanag ko.

"Oh, I see. So parang wala kang trabaho ngayon?" tanong niya sa akin na para bang may iniisip siya.

"Hindi naman. May mga iilan akong inaasikasong mga files pero patapos naman na ako," sagot ko.

"Then work for me," boses mula sa likuran ko.

"Sir Levin," bati ni Kelly sa kaniya. Nalingunan ko naman siya at wala siyang damit pang-itaas.

"Stop drooling," sita niya habang bahagyang tumatawa.

"We're not," walang emosyon kong sagot. Mas maganda ang katawan ni Claw riyan lalo na 'pag boxer lang ang suot—ENOUGH, AIYELL!

"Okay. Anyway, as I was saying, you can work for me for a while," offer niya sa akin.

"No. Hindi naman dahil wala akong trabaho kay Claw ay magiging sekretarya mo na 'ko," maagap kong sagot sa kaniya.

"Who says that you're going to be my secretary?" maang na tanong niya.

"Kung gayon, ano?" kunot-noong tanong ko.

"You'll be a part time model in my agency."

"I'll think about it," sagot ko hindi dahil gusto ko talaga, ayaw ko lang makaramdam ng tensyon ang mga narito lalo na at sariwa pa ang nangayari noong nakaraan.

"Sure thing. So, can we start?" tanong nito.

Agad naman akong pumwesto sa gitna mg studio. Tinanggal ko na ang roba ko at narinig ko na naman ang pagsinghap ng mga tao sa paligid.

My Possessive Fake Husband (Freezell #1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon