Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte

Ten

145K 3.2K 464
                                    

AIYELL

KASALUKUYAN akong nakikipagbuno sa menu nang bigla na lang magsalita si Hope na nasa tabi ko.

"Aiyie, inaya akong magpakasal ni Winston," pukaw niya sa atensyon ko na ikinakunot ng noo ko.

"Sinong Winston?" Unang beses ko 'tong makarinig ng pangalan ng lalaki sa kaniya tapos kasal agad?

"Gaga, ang tatay nitong junakis ko. Hindi naman ako puwedeng mabuntis mag-isa," aniya sabay hawak sa tiyan niya.

Binigay na muna namin ang mga orders namin bago ko siya sinagot. "Mabuti naman pala kung gano'n. Teka, anong ipapangalan mo sa anak n'yo?" usisa ko saka na kami naglakad patungo sa mesa.

"Baka Fortune na," sagot niya habang nakangiti sa akin.

Hope, Winston, Fortune? Hindi ba't parang masyadong mapolusyon ang mga pangalan nila?

"Sure ka?" tanong ko. Ang hirap naman kasing magpigil ng tawa.

"Mind if I join you girls?" boses sa likod ko na pumukaw ng atensyon naming ni Hope. Nakita ko si Levin na nakangisi sa amin.

"Sige po, Sir Levin. Feel free," maagap na sagot naman ni Hope palibhasa wala siyang alam sa nangyayari.

Umupo naman si Levin sa tabi ko at katapat namin si Hope. Nakakaramdam talaga ako ng hindi maipaliwanag na iritasyon sa kaniya kahit pa mabait naman siya at may itsura.

Kasalukuyan kong kinakain ang order ko nang magsalita si Levin. "Ms. Freezell, napag-isipan mo na ang part time job na inaalok ko?"

"Magkita tayo mamayang 3:30pm—kung wala kang gagawin, para naman maipakilala kita sa iba pang makakatrabaho mo, at para mapag-usapan na rin natin ang set-up," saad nito saka hinawakan ang kamay ko na nakapatong sa lamesa ngunit agad ko iyong hinawi. Hindi ko maintindihan bakit niya ginagawa ito gayong malinaw sa kaniya kung mag-ano kami ni Claw.

"Sige," tipid sagot ko.

Natapos kaming kumain at mabilis akong umakyat sa floor namin ni Claw. Dahil nga wala akong ginagawa, mabilis akong dinapuan ng antok at rekta na agad akong nakatulog sa kinauupuan ko.

Matagal-tagal na rin akong tulog nang maalimpungatan ako at saktong pagbangon ko ay ang siyang paglabas ni Levin sa may elevator. Napatayo ako saka agad tumingin sa maliit kong salamin na narito. Ang tagal ko na palang tulog, hindi ko man lang namalayan.

"Let's go?" tanong niya at tumango naman ako.

Sabay kaming lumabas ng kumpanya at sumakay ng sasakyan niya. Kapwa kami tahimik at hindi nagkikibuan habang nasa byahe. I could sense the awkward atmosphere in the car.

Nakarating kami sa modeling agency niya at sumalubong sa amin ang isang tila napakasopistikadang babae.

"She's Yvette, Ms. Freezell. Siya ang magtuturo sa 'yo ng mga dapat mong gawin tuwing may photoshoot ka," pakilala ni Levin. Ngumiti ito sa akin kaya't ginantihan ko rin iyon ng ngiti.

Sunod niya akong dinala sa opisina niya. Pagpasok pa lang ay kita mo nang lalaki ang may-ari ng opisina. Bukod kasi sa kulay itim na coating nito ay purong puti na lamang ang makikita mo. Simple yet captivating.

"Maupo ka, Ms. Freezell," utos niya. Naupo naman ako sa upuan sa harap ng table niya.

"What am I going to wear every photshoot?" deretsong tanong ko.

"Dahil summer ngayon, two-piece swimsuits, lingeries and other summer dresses.'Yan ang kailangan nating ibenta sa masa," paliwanag niya.

"I want limits. Hindi ko basta i-e-expose ang ibang bahagi ng katawan ko," turan ko at agad naman siyang tumango sa akin.

icon lock

Ipakita ang iyong suporta para kay Mayora, at magpatuloy sa pagbabasa ng kuwentong ito

ni Mayora
@Ice_Freeze
Warning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED To Aiyell, being forced to...
Bilhin ang bagong parte ng kuwentong ito o ang buong kuwento. Anupaman, ang iyong Coins ay makatutulong sa mga manunulat na kumita mula sa mga paborito mong kuwento.

Ang kuwentong ito ay may 45 natitirang bahagi

Tingnan kung paano masusuportahan ng Coins ang iyong mga paboritong manunulat gaya ni @Ice_Freeze.
My Possessive Fake Husband (Freezell #1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon