Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte

Six

123K 2.2K 232
                                    

AIYELL

"BALIW ka talaga, ate Aiyie, bakit mo ba sinabi 'yon?" naiinis na wika sa akin ni Avrein. Sa kanila ni Lei at Aei ko kasi napiling magkwento since wala si Vance na sobrang close ko. Sinabi ko sa kanila lahat at pareho lang ang reaksyon ni Lei at Avrein, but not Aei, kasi kung titingnan mo siya ngayon, parang may ina-analisa siya.

"Ate, kasi hindi naman sa lahat ng oras laging iyon ang ida-dahilan mo kay kuya Claw tuwing gagawa ka ng kabalbalan," paggatong naman ni Lei.

"Okay, I admit mali ako roon, pero totoo namang peke ang kasal naming at hindi ko siya totoong asawa. What do you think should I do?" tanong ko.

"Amuin mo!" opinyon ni Avrein.

"Ipagluto mo—ay sa kabilang banda 'wag na lang pala baka lalo lang siyang magalit kasi masama ang lasa," suhestiyon naman ni Leickel na may halong panglalait. at agad ko naman siyang binato ng unan.

"Letse ka! Akala mo marunong kang magluto, ah?"

"At least hindi kasing trying hard mo," at sinundan niya pa ito ng tawa.

"Seriously, anong gagawin ko?" tanong kong muli. I'm having all the frustrations now. Hindi niya ako kinakausap, pinapansin o kahit tingnan man lang. He's not the usual Claw, and that freaking frustrates me! Kaninang umaga na nagising ako, hindi ko na siya naabutan sa condo. Nang makarating naman ako sa office ay nagkasalubong kami sa lobby at mukhang paalis siya pero para lang akong hangin sa kaniya.

"Do nothing," biglang sabat ni Aei na ikinatingin naming tatlo sa kaniya. "Why?" Nakataas ang isang kilay na tanong niya sa amin dahil ang tingin namin sa kaniya ay iyong tipong hindi makapaniwala na nagsasalita pala siya.

"Nandito ka pala?" sarkastikong pahayag ko.

"Look, ate Aiyie, I'm telling you to do nothing because at the end of the day, siya mismo ang lalapit at makikipagbati sa 'yo. Believe me." So far, 'yan na yata ang pinakamahabang nasabi ni Aeickel in her entire existence.

"You sure?" tanong ko.

She just nodded.

"Paano mo naman nasabi 'yon, Aei?" tanong ni Lei sa kakambal niya.

"Use your brain, Lei. Hindi 'yan iniimbak lang," aniya saka na siya tumayo at nagtungo sa kusina.

Nagpaalam na ko sa kanila at sumakay na ng kotse ko. Nag-one hour break lang naman ako kaya nakasaglit ako sa condo ni Avrein.

Nakarating na ako sa opisina at nagtuloy sa cubicle ko. Haharapin ko na naman ang sangkaterbang trabaho na binigay ng financial department. I-a-arrange ko kasi ito bago ipasok at ipapirma kay Claw.

Kasalukuyan kong inaayos ang mga papeles nang biglang parang may humampas ng lamesa ko at pag-angat ng tingin ko ay nabungaran ko si martilyo.

"What?" tanong niya nang tinaasan ko siya ng kilay.

"May I ask what are you doing here, Ma'am?" mabait kong tanong dito. Kung may award lang na most polite baka ako na 'yon.

"Of course, I want to see my husband!" iritado pa niyang sagot sa akin.

Wow! Noon boyfriend lang, ngayon upgraded version na.

"Ma'am, I'm sorry to say this but the mistress is currently inside the office of Mr. Mondragon," pang-aasar ko. Hindi ko nga alam kung nakabalik na ba ang isang 'yon mula kaninang lumayas at hindi ako pinansin.

"WHAT?" hindi niya makapaniwalang tugon na tinernohan pa ng malaking mata at naka-awang na mga labi.

"Yes, Ma'am. Pinapasabi nga rin po pala ni Sir na huwag daw po silang ipapaistorbo kasi gagawa na po sila ng tagapagmana," patuloy ko pa ring pang-aasar. Somehow, I'm enjoying this.

My Possessive Fake Husband (Freezell #1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon