Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte

Five

124K 2.4K 186
                                    

AIYELL

WALANG kumikibo sa amin. Ang ganda naman kasi nitong umaga ko. Aba't nakasabay ko pa sa elevator 'tong walang hiya na sumasabotahe sa self-control ko. Iniiwasan ko pa naman siya. Hindi ko alam paano ko siyang haharapin at magpapanggap na parang hindi ako umungol sa kaniya noong nagdaang gabi.

"What's with that face, Aiyie?" tanong ni Hira. Kasabay rin namin siya pati na rin si Hyun.

"Wala. Naiirita lang ako. May lamok na namapak sa akin kagabi na akala mo pag-aari niya 'ko," sagot ko saka ko tinapunan ng masamang tingin si Claw na alam ko namang pinagmamasdan ako sa peripheral vision niya. Nakangisi ang loko!

"Oh? Sana pinatay mo," inosenteng sagot naman ni Hira.

"Gusto ko nga sanang patayin, kaya lang masyadong malaki."

"Mas lalong madaling patayin kasi malaki," sagot pa rin niya.

"Sa sobrang laki niya, natakot ako." Wala na 'kong maisagot. Nakakatakot din ako na baka ano mang oras ay madulas ang dila ko at may masabing makapagpapahamak sa akin.

"Grabe ka naman, Aiyie! Malaking lamok lang natakot ka na," aniya saka pa niya ako tinawanan.

Sus! Kung alam niya lang na napakalakas at napakalaki ng lamok na iyon at dapat talagang katakutan!

Tinapunan ko lang ulit ng tingin si Claw and this time ay ang lawak na ng ngisi ng loko, habang kunwaring may dinudutdot sa telepono niya. Mautak!

"O-Oo nga naman, Aiyie. K-kung gusto mo, ako na lang ang papatay para sa 'yo."

Nakita kong nangasim ang mukha ni Claw nang magsalita si Hyun, kaya't bigla akong kinabahan. Iba pa naman ang tama ng ulo niya.

"No Hyun, I can handle-"

"I think hindi mo na kailangan pang panghimasukan pati ang pagpatay ng lamok sa bahay ni Ms. Freezell, Mr. Laxa." Pagkatapos na pagkatapos magsalita ni Claw ay siya namang pagbukas ng elevator sa floor nila Hira.

"Sige, Aiyie, una na kami," paalam ni Hira.

"A-Aiyie, una na kami-" Pero bago pa man matapos ni Hyun ang sasabihin niya ay pinindot na ni Claw ang elevator. Walang manners!

Hindi ako nagsasalita habang nakasakay kami ng elevator at ganoon din naman siya.

Nang huminto na ito sa floor namin ay nauna na akong lumabas, pero nagulat ako nang magsalita siya na ikinalingon ko.

"Ang laki ngang lamok na 'yon, Aiyell. May bite mark na iniwan," aniya saka siya ngumisi at nilagpasan na ako. Awtomatikong naalarma ang pagkatao ko sa narinig kong iyon. Hindi ako tumuloy sa cubicle ko, mabilis akong tumakbo papunta sa banyo.

Hinarap ko ang sarili ko sa salamin saka pinasadahan ang kabuuan ko. Doon ko lang biglang napansin-na kapansin-pansin pala talaga, ang bilog na pula ng leeg ko lalo na't nakapusod pa ang buhok ko. Sira-ulong Claw'yon!

Kinuha ko ang concealer sa bag ko para ipahid sa bwiset na bite mark na gawa ng tao na 'yon. Nakakapikon! Nakakainis!

Palabas na sana ako ng banyo nang maramdaman ko ang pagbaba ng pantog ko, kaya't pumasok muna ako sa isa sa mga cubicle.

"Ay bakla, alam mo bang nasa loob ngayon ng office ni Sir Claw si Ms. Crosante. Grabe bakla! Bagay na bagay talaga sila," dinig kong tsismis ng isa sa mga taong kakapasok lang ng banyo. Hindi pamilyar sa akin ang boses nito.

Lumabas na ako at pabalyang sinara ang pintuan ng banyo. Nagtuloy na 'ko sa cubicle ko at pabagsak kong isinandal ang sarili ko sa upuan ko. Wala pa kong ginagawa ngayon pero feeling ko pagod na pagod na ko.

My Possessive Fake Husband (Freezell #1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon