Sana bago mo pa ko unang pansinin,
Naisip ko na kung paano mo ako babalewalain.Sana bago mo pa ko pangitiin,
Naisip ko na kung paano mo ako paiiyakin.Sana bago mo pa ako pakiligin,
Naisip ko na kung paano mo ako wawasakin.Sana bago mo pa ako bigyang-init at yakapin,
Naisip ko na ang mangyayari kung sakaling ikaw biglang lamigin.Sana bago mo ako hinawakan,
Naisip ko na kung paano mo ako bibitawan.Sana bago ko pa marinig ang mga katagang, “Mahal kita,”
Nalaman ko nang magtatapos din ang lahat sa mga katagang, “Ayoko na.”Sana bago ka pa dumating sa buhay ko,
Naisip ko agad na iiwan mo rin ako sa bandang dulo.Sana hindi na kita nakilala.
Tuloy ngayon, nahihirapan akong kalimutan ka.Sana hindi nalang ako nahulog sayo.
Sana hindi nalang umasa sa mga pangako mo.
Mga pangakong sya ring napako.
Sana hindi nalang.
Kung alam ko lang,
Edi sana hindi ako nasasaktan.
